Jean Avril Mendoza's Point of View: Mula sa paglalaro namin ni B ay nakakuha ako ng mahigit thirty na puntos, hindi ko pa nga rin alam kung saan ko gagamitin ‘yung chance na napanalunan ko sa laban namin eh hahaha. Nakakahiya naman kasing utusan siya kasi hindi pa naman kami close sa personal kumbaga sa chat lang talaga, hindi ko rin alam ang totoong personality niya since sa chat ko lang naman siya nakakausap rh hahaha pati alam ko rin naman sa sarili ko na maraming pwedeng itago lalong lalo na sa social media. Napaisip na lamang ako ng pwedeng gawin habang kumakain dito sa aming lamesa, napagalitan na naman kasi ako ni Mama dahil late na naman daw ako kumain hahaha. Nakakainis nga dahil trip ko pa namang magdiet sa ngayon kaso ang sarap sarap ng ulam namin, kare kare ba naman tapos ang

