Jackson Black's Point of View: Ilang araw na ang lumipas ng maipasa na ni Dean da akin ang trono bilang tagapamuno rito sa Underground World. Marami na rin ang mas gumagalang sa akin higit pa sa kung paano nila ako respetuhin noon. Nakakatuwa lang dahil ito ang mga panahong inaasam asam ko na magmula pa noon, nakakagalak na isiping nasa kamay ko na ang kapalaran ng mga taong ito ay maipagpapatuloy ko na ang nasirang pamamalakad ng ama ko. Magmula no'ng mawala si Dean at napagpasyahan na lamang manirahan sa ibang bansa ay unti unti ko na ring ginagampanan ang bawat tungkulin ko. Ang lahat ay pinagaralan ko na muna at sinimulan sa sarili ko lamang bago ko hayaang iapply ng mga miyembro ng mundong ito sa kanilang sarili. Sa pagkakataong ito ay sinimulan ko na muna sa kanila ang pagkakaroon

