Jean Avril Mendoza’s Point of View: “Huy best friend, saan ka galing? Wala ka no’ng first and second period, hinahanap ka ng teacher natin. May activity tayo ha? By group naman ‘yon and it contains three members each hehehe” Rinig kong sambit ni Vanny pagkabalik na pagkabalik ko rito sa classroom. Hay, pagkatapos kong masermonan ay isang actuvity kaagad ang bumungad sa ‘kin. Napasinghap na lamang ako ng hangin sabay palumbaba, ngayon pa lang ay hindi ko na lubos maisip kung ano ang mga need ko pang gawin. May exam na ngayon week tapos ang lakas pa ng loob ng teacher namin para magpa groupings, feeling major much? Charot. “Hey, may problem ka ba? Looking so down ah” Napabalik na lang ako sa reyalidad dahil sa pagbati sa ‘kin ni Avi na gano’n. Umayos naman ako ng aking pagkaka pwesto at

