Jean Avril Mendoza's Point of View: "Ahh gano'n ba? Ako kasi tinatamad na mag-aral at tsaka magbasa. Mga bookworm ba naman kaklase natin haha kaya ang ginawa ko ay nagpaalam ako kay Sir. Barry na magccr muna ako saglit pero sa totoo lang eh kakain muna talaga ako kasi nakakagutom! Eh sakto nakita rin kita rito na kumakain kaya sumabay na ako sa 'yo para hindi tayo loner pareho hehe" Pagdaldal ko sa kaniya kahit na hindi niya ako tinatanong kung ano ang chika ko. Hinihintay ko naman ang magiging tugon niya ngunit wala pero ayos lang naman sa 'kin, 'yun nga lang ay medyo weird and nakakahiya dahil napa sobra na yata ako sa kakadaldal sa kaniya. Ngayon ko lang kasi ulit naalala na we are actually not totally in good terms but hoping naman ako na ito 'yung first step namin para maging close

