Jean Avril Mendoza’s Point of View: Weeks have passed at tapos na rin ang Intrams namin. Hindi ako nakakuha ng kahit na anong rewards since ro’n sa larong sinalihan ko ay hindi ko alam ang gagawin haha, napilitan lang ako dahil plus grades daw. Sapilitan nila akong sinali sa doubles ng table tennis kahit na hindi talaga ako maalam. Nakakahiya nga ro’n sa kakampi ko eh pero ayos kang dahil napapasobra rin naman ang hampas niya sa bola kaya lumalagpas ito sa lamesa. Exam na namin ngayong week kaya todo review kaming lahat dahil siguro ako na mataas ang expectations sa amin ng mga teachers dito sa Campus. Well, ano pa ba ang aasahan sa mga first sections? Kahit exhausted na ang studyante ay sasabihi ng mga guro na ‘first section na first section pero ang tamad!’ Tapos kapag mababa naman ‘yu

