Jackson Black’s Point of View: “Jealous par?” Nabalik na lamang ako sa reyalidad ng bigla akong tapikin ni Scott sa aking balikat. Siniringan ko na lamang siya at bigla ng tumayo sa bench kung saan ako nakaupo. Inayos ko na muna ang kasuotan ko at pinagpag ito para siguraduhing walang halong alikabok mula sa upuan ‘yung damit ko at ng masiguro kong ayos na ang damit ko ay sinimulan ko na ring maglakad palayo mula ro’n sa basketball court. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito, kung bakit ako naiinis sa sarili ko. Sa totoo lang ay sobra akong naguiguilty sa mga ginagawa ko kay Jam, masyado na yata akong nagiging ignorante at abusadong tao sa kaniya. Napailing na lamang ako at nagbuntong hininga, napansin ko ang biglang paggalaw ng ilang dulo ng buhok ko ro’n sa harapan mula

