48

1781 Words
Jackson Black’s Point of View: Narito ako ngayon sa Underground World kung saan naka locate ang ilang ilegal businesses sa mundo. Delikado ang lugar na ito kung kaya naman ay limitado lamang ang pwedeng mag labas pasok. Hindi maaari ang mga dayo at kung sakali mang may maligaw na sino man sa lugar na ito ay maliit lamang ang tsansa na makauwi pa ng buhay. Naglalakad ako ngayon sa isang mahabang hallway patungo sa aking opisina. Mataas ang rango ko sa lugar na ito dahil ang grupo namin nila Phoenix ang nangunguna sa pinaka magaling na manglalaban dito. Ako ang batas, ako ang masusunod. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa paligid. Patay ang kapaligiran dito at puro itim lamang ang makikita, lugar ng impyerno ika nga nila. Taas noo akong naglakad hanggang sa matunton ko ang destinasyon ko, walang iba kung ‘di ang aking silid. High tech ang karamihan sa mga kagamitan dito dahil kagaya nga ng sinabi ko kanina, masyadong pribado ang lugar na ito. Ang pintuan dito ay walang ibang password na kailangang ma access kung ‘di ang eye verification at face verification. Nagbuntong hininga muna ako bago humarap ng maayos sa scanner. Nakita ko ang green laser na nagdedetect sa aking mata at mukha, kinalaunan naman ay lumabas na ang pag apruba ng sistema sa may screen kaya tuluyan na akong makapasok. Walang p*****n ang aircon dito at kahit walang tao sa loob ng ilang buwan ay wala silang pakielam, tuloy pa rin ang pag agos ng kuryente. Nakakatuwa nga at hindi sila gaanong ka sensitive pag dating sa bills na kailangang bayaran haha. Ang yaman yaman ba naman ng head ng Underground na ito, asang manghinayang iyon sa halaga ng binabayaran niya. Buhay nga ng tao eh kaya niyang bayaran, kuryente pa kaya? Nang maka pasok na ako sa loob ay kaagad akong lumapit sa cabinet na kung saan punong puno ng high class wines at karamihan pa rito ay galing sa ibang bansa na ilang taon na ang tinagal. Ang alak kasi kapag mas matagal naka preserba, mas masarap ang lasa. Speyer Wine ang napili kong kuhanin, nagbitbit na rin ako ng wine glass at naupo na roon sa swivel chair ko. Magsasalin na sana ako ng wine sa baso nang biglang bumukas ang large screen na nakakonekta na parang cctv sa pintuan ko. Kusa itong nagbubukas kapag may taong nagbabalak pumasok. Kinilatis kong mabuti kung sino ito at wala pang isang minuto ay nakilala ko naman na kaagad. Si Wax ito, ang kanang kamay ng head ng Underground World ngunit ang pinagtataka ko ang dahilan kung bakit napadpad siya rito sa pwesto ko samantalang sa kabilang building ang pwesto ng head nito. Kinuha ko ang remote control ng pinto rito sa drawer ko, pnress ko ang open para magbuks ang pintuan kahit hindi na ako lumapit pa. Gawa ang lugar na ito ng isang punaka sikat na engineer na nakipag join force sa isang magaling na inventor sa mundo kaya hanggang ngayon ay hirap pa ring matunton ng kapulisan ang lugar na ito dahil hindi ito gaanong tuntunin, hindi kagaya ng battle arena na kung saan nagaganap ang ilang mga p*****n at bangayan sa pagitan ng dalawang clan. “What the f**k are you doing here?” I asked him coldly. Sanay ang mga tao rito sa murahan dahil hindi uso sa amin ang salitang sensitibo. p*****n nga lang eh normal na, gasino lang ba ang mga salita na binibitawan namin? “Black, pinapatawag ka ng head quarters. Dumiretso ka raw sa opisina ngayon na at may sasabihin daw sa ‘yo si Dean patungkol sa Underground World.” Ani nito sa akin at lumayas na. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko dahil alam nilang lahat na hindi na ako tutugon pang muli pagkatapos nilang magsalita sa akin. Hindi ko na sila kailangan pang pag aksayahan ng oras ngayong hindi naman sila importante para sa akin. Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at iniayos ang itsura ng aking suit and necktie. Niluwagan ko kasi ito kanina bago ako bumaba ng sasakyan, ngayon ko lang ulit naalala na nabago na nga pala ang itsura nito. Tahimik akong naglakad patungo sa kanilang building kung saan naka pwesto ang headquarters. Kagaya ng pwesto kung nasaan ang opisina ko ay ganoon rin ang itsura sa building na ito, madilim, malamig, at patay ang itsura ng paligid. Sumakay ako ng elevator para hindi na ako gumamit pa ng hagdanan para lamang makapunta sa ika anim na palapag. Sa lugar na ito, tanging umaga lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kahit na madaming ilaw na nakapalibot sa lugar na ito ay hindi namin iyon pinapansin dahil mas pabor sa pakiramdam namin ang madilim at sariwang kapaligiran. Narito na ako sa harap ng kaniyang opisina. Kagaya ng sa pintuan ko ay iniscan din nito ang aking mukha para makita ni Dean kung sino ang bisitang nais makakita sa kaniya. Well, hindi ko naman siya nais makita, sadyang pinatawag niya lamang ako sa aking silid dahil may balak daw siyang sabihin sa akin. Sa maiksing salita, siya ang may nais na makakita sa akin at hindi ako. “Yes, Dean?” I asked pagkapasok na pagkapasok ko sa kaniyang opisina. Umupo ako sa couch malapit sa kaniyang lamesa kahit hindi niya pa ako inaabisuhan. Alam ko naman kasing panatag ang kaniyang loob sa akin kaya hindi na niya ako kailangan pang abisuhan sa mga nararapat at nais kong gawin. Malaya akong gawin ang lahat miski ang pumatay at kumitil ng buhay ng sino man, ang hindi ko lang maaaring gawin ay ang maging dependent sa isang babae na maaaring ika lambot ng damdamin ko. Batas na iyon sa Underground World na huwag kang magmamahal kung ayaw mong masaktan ka base sa iyong emosyon dahil naniniwala sila na mas masakit gumanti ang pakiramdam kumpara sa pisikal na sakit. “Mayroon akong importanteng sasabihin sa ‘yo, Jackson” ani nito sa akin at pumihit ng bahagya sa inuupuan niyang swivel chair. Nakakapagtaka naman ang intensyon ng matandang ito, ano kaya ang gusto niyang iparating? The f**k, bakit ayaw na lang niyang dumiretso sa kaniyang sasabihin? Paligoy ligoy pa. Maaari naman siyang managimik na lang kung walang silbi ang kaniyang sasabihin tsk, this f*****g old man. “Hmm?” Tanging muni ko. “Gusto kong ikaw ang unang makakaalam ng balitang ito bukod sa akin. Bilang pasasalamat at pagtanaw sa iyong taglay na lakas sa pakikipaglaban at mga sakripisyo, napagpasyahan kong sa ‘yo ipamana ang lugar na ito. Alam kong may edad na ako, hindi na rapat ako sumasabak sa ganitong klase ng trabaho kung kaya naman ay napag pasyahan kong sa ‘yo ibigay ang aking pwesto sa oras na mag retiro ako. Sa oras na ikaw ay pumayag sa sinasabi ko, kaagadan akong magpapatawag ng isang pulong para sabihin sa bawat clan na ikaw ang karapat dapat nilang tingalain bukod sa inyong titulo na Black Elite. Huwag kang mag-alala, marami akong ginawang batayan bago ko gawin ang pagbibitaw sa aking tungkulin at mamili ng kapalit. Lahat ng head ng matataas na clan ay dumaan sa filtering process kung saan kinuha ko ang mga datos niyo batay sa inyong loyalty at kabangisan. Bilang resulta, ikaw ang napili ko dahil ikaw lamang ang bukod tanging hindi gumawa ng violation sa lugar na ito. Kung kaya naman Mr. Jackson, binabati kita ng malugod sa oras na tinanggap mo ang pagpapamana ko sa ‘yo ng lugar na ito.” Mensahe niya sa akin at tumayo na para i-congratulate ako. Expected ko naman nang mangyayari ito ngunit hindi ko inaasahan na ngayong araw ito magaganap. Hindi ko lubos maisip kung tatanggapin ko ba ang magbibitaw niya sa akin ng tungkulin bilang head ng Underground World ngunit alam ko namang kakayanin kong pamunuan ang malaking lugar na ito dahil alam kong may determinasyon ako. Ngumisi ako sa kaniya at tumayo rin kagaya niya. Sinalo ko ang kaniyang kamay para makipag shake hands at sabihin sa kaniyang pumapayag ako sa kaniyang ipapamana sa akin. Bukod sa mataas na tungkuling ito, iniwan niya rin sa pamumuno ko ang ilang negosyo na pinundar at pinaghirapan niya. Labis kong nakuha ang tiwala ng isang ‘to at wala siyang ibang pagmamanahan ng kaniyang mga ari arian kung ‘di ako lamang. Lumaki siyang mag-isa dahil itinakwik siya ng kaniyang pamilya sa kadahilanang putol ang kaliwa niyang kamay. Lubos ang galit niya sa mga tao kaya ipinangako niya sa sarili niya na maghihiganti at papatay siya ng mga taong babangga sa dinadaanan niya. Kagaya nga ng nasa batas ng lugar na ito, bawal umibig ang isang miyembro kung kaya naman hanggang sa kaniyang pagtanda ay sinunod niya ang kasunduang ito. Hindi siya bumuo ng pamilya, tanging malalaking negosyo lamang at ang mundong ito ang nagpapa aktibo sa buhay niya. Halos anim na dekada na siyang nabuhay sa ganitong klaseng pamamalakad kaya naman sa oras na magretiro siya ay sinisigurado niya munang sa tamang tao mapupunta ang kaniyang mga pinaghirapan at nararapat lamang na sa akin napunta ang titolong iyon. “Ikinagagalak ko ang pagtanggap sa pagpapamana ko ng pwestong bibitawan ko. Kung gano’n naman pala ay bukas na bukas ipapatawag ko ang bawat isang miyembro ng Underground World mula sa pinakamataas hanggang sa pinaka mababa upang ipahatid sa kanila ang balitang pagbibitaw ko sa pwesto. Alam kong hindi ako nagkamali ng pinili ko, Jackson. Umaasa ako na itutuloy mo ang bibitawan kong pamamalakad miski ang mga batas na walang sino man ang may kakayahang lumabag” Sambit pa nito sa akin pagkaupo niya pabalik sa kaniyang pwesto. Bago pa ako makaalis sa kaniyang silid ay nagbitaw muna ako ng salitang makakaasa siya sa kaniyang mga sinabi at hindi ko siya ididismaya. Ako na ang susunod na magpapalakad ng mundo ni Dean. Alam ko naman sa sarili ko na maganda ang kalalabasan ng aking pamumuno dahil ngayon pa nga lang ay nirerespeto na nila ang grupo kong Black Elite ‘di ba? Ano pa kaya ako na pinuno nito. Nang makalabas ako ay kinuha ko ang cellphone ko na naka tago sa bulsa ng aking coat. Tinignan ko muna ang messages at napansin ko namang ang daming missed calls nila Phoenix. Hindi ko na lamang pa ito pinansin at tinignan ang oras sa aking relo, alas dyis na ng gabi at kailangan ko nang makauwi. Naglakad ako patungo sa parking at binuksan ang kotse ko. Sumakay na ako sa loob at sinimulan itong paandarin. Nagsisimula na naman ang panibagong daan sa buhay ko at ipinapangako ko na hindi ako gagawa ng kahit ano mang kabiguan sa sarili ko maging sa Underground World.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD