Jean Avril Mendoza's Point of View:
Narito ako ngayon sa clinic dahil hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Malay ko ba kung bakit pumasok ako eh samantalang pag ganitong mga panahon eh naroon lang ako sa amin at mahimbing na natutulog. Sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ng katawan ko kada gagalaw ako tapos ang lamig kapag wala akong kumot tapos ang init naman kapag may kumot ako. Hindi ko tuloy alam kung saan ako lulugar, nababaliw na yata ako.
“Kamusta ang pakiramdam mo, Ms. Mendoza?” Tanong sa akin no’ng nurse na tila ba hindi marunong mag-isip patungkol sa sitwasyon ko ngayon.
Sobrang common sense ng sagot sa tanong niya, alam niyang namimilipit na ako rito sa sakit tapos itatanong pa rin niya sa akin kung kamusta ang pakiramdam ko. Napa ubo na lamang ako ng mahina at hindi pa muna siya pinansin dahil I don’t feel like talking. Umayos ako ng pagkakahiga sa clinic bed at ginamit ang isang spare na unan para magsilbing dantayan ko.
“Hmm hindi ka makapag salita, mukhang hindi ayos ang kalagayan mo. Teka lang at kukunin ko lang ‘yong thermometer do’n sa cabinet para ma-check ko kung ano ang temperature mo, sandali lang ha?” Sambit no’ng nurse sa akin at naramdaman ko namang umalis na siya dahil nawala na ‘yong pangit na aurang pumapalibot sa tabi ko kanina.
Ilang sandali pa ay minulat ko na ang mga mata ko dahil bigla na lamang akong sinalpakan ng nurse ng thermometer sa kili kili ko. Nakaka gulat naman ang isang ‘to huhu, wala man lang pasabi. Umayos naman ako na ako ng pwesto para hindi ako mukhang kaawa awa ritong nakahiga. Segundo lang ang tinagal bago tumunog ‘yong thermometer na nasa kili kili ko at dahil kabisado ko naman nang gumamit nito eh ako na ang kumuha para i-check ang temperature ko.
“It’s thirty eight point seven, Ms.” I said at inabot sa kaniya ‘yong thermometer.
Mukhang nagdududa pa sa akin ‘tong si ate ha? Tinignan niya pa kasing muli ‘yong temperature ko ro’n sa thermometer and wala naman siyang magagawa dahil totoo at tama naman ang sinabi kong result. Mukha ba akong nagsisinungaling ha? Sa ganda kong ‘to? Hmp!
“Naku Ms. Mendoza, ang taas ng lagnat mo. Kailangan mo ng umuwi para magpadala ka sa hospital sa parents mo. Bibigyan naman kita ng option kung magpapasundo ka sa parents mo para makauwi or kami na mismo ang magpapadala sa ‘yo sa hospital na pinakamalapit using ambulance. Ano ba ang mas prefer mo?” Tanong niya sa akin habang hinahanap ang kaniyang cellphone at record sheet para siguro irecord ang magiging option ko.
Okay lang naman sa akin umuwi kumpara ang sumakay sa ambulansya para lang dalhin sa hospital due to my high fever. Aba naman, nakakahiya kaya no? Sino ba ang papayag na isugod ka ro’n sa doctor tapos naka ambulance car pa? Nakakahiya kaya! ‘Di bale kung malala nangyari sa akin haha eh ang kaso lagnat lang naman sus.
Kumpara sa pagsugod sa ospital ay mas pipiliin ko pang umuwi na lang sa bahay namin para ro’n magpahinga. Eh ang kaso, wala si mama sa bahay and wala rin si kuya kaya walang kakaon sa akin ngayong need na need kong umuwi sa amin. Ayoko naman sanang mag commute kasi feeling ko talaga ay hindi ko kakayanin dahil bukod sa mabigat ang pakiramdam ko eh mabigat din ang ulo ko pero sakto naman dahil no’ng time na ‘to ay biglang pumasok si Bryan sa clinic dala dala ang ilang files na kailangan niyang isubmit sa nurse.
Pagkapasok niya ay kaagad kaming nagkaroon ng eye contact na dahilan naman ng sobrang pagka ilang ko. Ang awkward haha kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin at sinabi sa nurse ang napagdesisyunan kong gawin. Sinabi ko sa kaniya na sa bahay na lang ako didiretso imbis na sa doctor since fever lang naman ito at hindi na kailangan pa ng medical check up. Kapag kasi gano’n ang nangyayari, gumagaling na ako sa pahinga at pag take ng biogesic haha isama mo na rin ang pag lagay sa noo ko ng cool fever at pagpunas sa akin ng basang bimpo.
“I think mas okay po sa akin ang umuwi na lang instead of going to the hospital. It will take charges pa po eh kapag sa doctor samantalang sa bahay free na free dahil hindi naman masyadong malala ang sakit ko. Ang problema nga lang eh walang tao sa amin at walang kakaon pero ayos lang naman po sa ‘king mag commute hehe no worries” Sambit ko sa nurse.
Nakita ko naman silang nagkatinginang dalawa ni Bryan at tila ba hindi sila masyadong convinced sa sinabi ko. Ano’ng tingin nila sa ‘kin? Hala sila, strong independent woman kaya ako no? Pero itawid niyo ako sa kalsada please char. Umasta ako na tatayo na sana pero napatigil ako dahil biglang nagsalita si Bryan.
“If that’s so then I would like to volunteer to take Jam home” Ani ni Bryan na ikinanganga naman namin ng nurse pareho dahil siguro ay sabay kaming hindi makapaniwala sa sinabing ito ni Bryan.
“S-sure. Ihatid mo siya sa kanila ha? Ako na ang bahalang umasikaso ng excuse letter niyong dalawa para sa next period classes ninyo. And Bryan, make sure to come back here at school before five o’clock pm understand?” Narinig kong pag sangayon no’ng nurse sa sinabi ni Bryan at ngumiti sa aming dalawa na para bang nakakaloko.
“Uhm hey, no need. Kaya ko namang mag commute mag isa eh and besides, ang lakas laks ko pa oh? Thank you na lang Bryan sa pagmamalasakit mo but I can still manage” Pag decline ko sa offer niya at tumayo na para dumiretso sa room ang kunin ‘yong bag ko but he stopped me right away.
“Ako na ang kukuha ng bag mo, r’yan ka na lang at magpahinga” Sabi ni Bryan sa akin at dali daling nanakbo patungo palabas sa clinic patungo ro’n sa building kung saan naka lagay ang classroom namin.
“Kayo ba?” The nurse asked me out of nowhere.
“Nino po? Ni Bryan ba? Nope haha we are just friends of friends haha. I mean we are in the same class but we are not ‘that’ close. Brother kasi siya no’ng new friend ko na si Avi kaya siguro nagmalasakit siyang ihatid ako lalo na’t alam niyang may sakit ako hehe. There’s no need to worry naman since there’s nothing going on between us” Sagot ko sa katanungan sa akin no’ng nurse at ngitian ako ng para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Well, the one and only Bryan Lee is not like that. He seems interested with you, baka may something haha. Well diyan ka muna at kukuha lang ako ng excuse letter niyo ro’n sa office, ingat pag uwi Ms. Mendoza” Ani nito at kumindat pa sa akin bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Ang nurse na iyon ay masyadong habadera, kailangan ba palagi siyang updated sa balita? Sis ano ka si Marites? Daig mo pa ang chismosa sa kanto namin ah? Tapos ayaw pang maniwala na wala namang something sa amin nitong si Bryan jusko.
Napailing na lamang ako at bumalik sa hinihigaan ko kanina para sana umupo habang hinihintay si Bryan kunin ‘yong bag ko sa classroom pero bigla ko na lamang naalala na wala nga pala ro’n ang bag ko kung ‘di nasa locker kaya ako na mismo ang nagkusang lumabas ng clinic para pumunta sa hallway kung saan naka pwesto ang aming mga locker.
Naglalakad lamang ako patungo sa destinasyon ko nang bigla kong makita si Jackson na naglalakad papunta ng cafeteria. Kunot noo ko naman siyang pinagmasdan, hindi ko alam kung bakit pero parang sobrang curious ako sa bawat actions niya. Geez, ang weird mo self ha? Napairap na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa locker ko.
I opened my locker at kinuha ang bag ko. Inayos ko muna ang things ko dahil baka may maiwanan akong vulnerable things dito sa loob at no’ng ma secure ko na okay na lahat ay sinara ko na kaagad ang door ng locker ko pero biglang bumungad sa harapan ko ang mukha ni Jackson na nakak loko.
“Ano na naman ang kailangan mo r’yan bakulaw ka? Tsk, lumayas ka nga sa harapan ko!” Bulyaw ko sa kaniya at tinalikuran na siya.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin kaya binilisan ko na ang paglalakad papunta sa clinic dahil alam kong nandoon si Bryan at hinihintay ako pero sadyang sakit talaga sa ulo itong si Jackson dahil sinabayan din niya ang bilis ng paglalakad ko to the point na maunahan niya na ako at humarang sa harap ko.
“Ano ba ang kailangan mo?! Umalis ka nga r’yan at kailangan ko pang umuwi sa amin” Sambit ko sa kaniya ay inusod siya palayo sa harapan ko pero dahil sa taglay niyang kulit at pagbibigay kunsomisyon ay hinawakan niya ako sa braso at kinuha ang bitbit kong bag.
“I’ll send you home” Matipid niyang tugon at nauna nang pumunta sa parking lot.
Wala na akong ibang magawa kung ‘di ang sumunod sa kaniya dahil bitbit bitbit niya ang bag ko. Nakakainis naman ang isang ‘to, feeling nagmamalasakit eh obvious naman na kaya lang niya ako gusto ihatid ay para makalibre ng attendance sa school nang sa gayon ay may excuse siya hay.
“Huy teka lang, hinihintay ako ni Bryan sa may clinic. Sabi niya siya raw kasi ang maghahatid sa akin pauwi kaya baka hinahanap na ako no’n pati ng nurse” Sabi ko kay Jackson at akmang liliko na sana nang bigla nanaman niya akong higitin at pinasok ng sapilitan sa passenger seat ng sasakyan niya.
“Hayaan mo na siya, ako na ang bahala kumausap do’n sa nurse at sabihing ako ang naghatid sa ‘yo pauwi” Ani ni Jackson sa akin at inistart ang makina ng kaniyang sasakyan.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa kaunti na lamang ang pagitan at magkadikit na ang mukha namin. Ang gwapo niya pala ng malapitan. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko maging ang pag init ng pisngi ko. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo Jam? Tigilan mo na nga ‘yan.
Pinagmamasdan ko lamang ang labi niya. Sobrang pula nito at halatang malambot. Nakatuon dito ang mga mata ko na para bang isang magnet na ayaw matanggal ang dikit sa isang metal. Napalunok na lamang ako ng laway ko at lumihis ng tingin.
“A-ano bang ginagawa mo? Umayos ka nga!” Nauutal kong ani sa kaniya na ikinatawa naman niya ng mahina.
Ha? Teka tama ba ang narinig at sinabi ko? Tumawa siya ng mahina? Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya at naabutan ko siyang nakangiti habang nakatingin sa wind shield ng sasakyan. Iba ang Jackson na ‘to, ano kayang meron sa kaniya?
“Akala mo yata ay hahalikan kita pwes nagkakamali ka. Ayusin mo ‘yang seatbelt mo at aalis na tayo” Tanging sinabi niya na kaagad ko namang sinunod.
Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan nang biglang kumorte sa kaniyang mga labi ang isang nakakaakit na ngisi. Ano bang ginagawa mo sa akin Jackson Black? B-bakit parang nagugustuhan na kita?