Bryan Lee's Point of View:
“Ms. Fuentes, can you send these files to Ms. Aquino? I think she’s inside the clinic right now because that’s where she should be since she’s a nurse haha. Send her these files and tell her that these are the result of my research about the case she told me I should study with. Thank you” Rinig kong sabi no’ng teacher namin sa English sa isa naming kaklase na si Fuentes.
Naalala ko na lang bigla na nasa climic nga pala si Jean ngayon dahil sa biglang pagkakarinig ko ng ‘clinic’ and ‘aquino’ who’s the nurse in our academy’s mini hospital. Kamusta na kaya si Jean? I know she have fever but she still insisted to attend class, gano’n ba talaga siya ka nerd and loyal sa pagaaral? Lol.
I was supposed to send her to the clinic after she fainted but that stupid Jackson rushed towards us and inagaw si Jam sa akin. Sobrang bwisit ko sa kaniya no’ng time na ‘yon haha, it made me wanna punch him in the face pero ang iniisip ko lang ay ang kalagayan ni Jam. I know that if ever na magkaroon ng usapan about do’n from her friends ay posible siyang mag alala ay makonsensya sa mga nangyari sa kaniya. Mabuti na lamang at may self control ako dahil kung wala ay matagal nang bangas bangas ang mukha ng isang ‘yon.
Tumayo na lamang ako at pumunta sa harapan ni Fuentes upang agawin sa kaniya ang mga papeles. Narinig ko namang naghiyawan ang mga kaklase namin dahil siguro akala nila para kay Fuentes ang ginagawa ko although kay Jean naman. Sorry guys, Jam won the place in my heart.
Naglakad na ako patungo sa clinic and I saw Jam sitting on her bed. Nagkaroon kami ng panandaliang eye contact but she cut it off kaagad kaya hindi nagtagal. I don’t know what is happening inside since kakapasok ko pa lamang ng silid.
Bukod sa intensyon kong kitain si jam dito, ginawa ko na rin ang isa ko pang nararapat na gawin kaya nakalabas ako ng classroom namin kanina. Inabot ko sa nurse ‘yong files na inutos no’ng teacher namin na resulta daw ng kaniyang research. Aquino smiled at me and mouthed ‘thank you’ dahil sa pag abot ko sa kaniya ng mga papeles ngunit hindi rin nagtagal ay ibinalik niya na muli ang pansin niya kay Jean.
"I think mas okay po sa akin ang umuwi na lang instead of going to the hospital. It will take charges pa po eh kapag sa doctor samantalang sa bahay free na free dahil hindi naman masyadong malala ang sakit ko. Ang problema nga lang eh walang tao sa amin at walang kakaon pero ayos lang naman po sa 'king mag commute hehe no worries" Narinig kong ani ni Jam na ikinakunot naman ng noo ko.
What the f**k is she saying? Anong sinasabi niyang magcocommute siya lalo na’t may lagnat siya? Nahihibang na ba ang isang ‘to? Aba, hindi ako papayag ng gano’n. Okay lang sa akin kung kakaunin siya rito ng kaniyang relative para masecure kong safe siyang makakauwi pero hindi dahil sabi niya ay wala raw siyang kasama sa kanila. Delikado ang panahon ngayon lalo na’t magisa lamang siya uuwi tapos ganito pa ang sitwasyon niya.
Halata sa kaniyang mukha na hirap na hirap siya at nanlalambot dahil sa sitwasyong kinahaharap niya. Gusto kong hawakan ang kaniyang pisngi at alagaan siya pero wala naman akong karapatan at ayoko siyang bigyan ng dahilan para mailang sa akin. Mas mabuti pa sana na ganito na lang muna kami, ang hindi ako masyadong magpapansin sa kaniya na gusto ko siya.
Think of some way Bry on how to ensure that she can make it home safely. Ayokong umuwi siya mag isa at kung pwedeng ihatid ko siya pauwi sa kanila ay malaki na ang pasasalamat ko dahil atleast sigurado ako at isang daang pursyento ang kasiguraduhang ligtas siyang makakabalik sa bahay nila. And with that, I decided to suggest my idea and hopefully pumayag naman ‘yong nurse sa naisip ko.
"If that's so then I would like to volunteer to take Jam home" Proud kong pagkakasabi at napalunok ng laway. Tama naman sinabi ko ‘di ba? Hindi siya masyadong lines ng bida bida, right?
"S-sure. Ihatid mo siya sa kanila ha? Ako na ang bahalang umasikaso ng excuse letter niyong dalawa para sa next period classes ninyo. And Bryan, make sure to come back here at school before five o'clock pm understand?" Narinig kong pag sangayon no'ng nurse sa sinabi ko.
"Uhm hey, no need. Kaya ko namang mag commute mag isa eh and besides, ang lakas laks ko pa oh? Thank you na lang Bryan sa pagmamalasakit mo but I can still manage" Okay na sana ang lahat pero narinig kong tumanggi si Jean sa sinabi ko ag akmang tatayo na sana para siguro kunin ang kaniyang mga gamit pero pinigilan ko siya para ‘di na siya mahirapan pa.
Agad na akong nanakbo papalabas para mabilis akong makapunta pabalik do’n sa classroom. Nang makatungtong na ako sa silid ay kaagad kong hinanap ang pwesto ni Jam para kunin sana ang gamit nito pero sinabi sa akin ni Vannessa na wala raw do’n kung ‘di nasa locker.
Napakamot na lamang ako sa batok ko dahil hindi ko alam ang password ng locker ni Jean. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at akmang lalabas na sana ng classroom ng biglang humarang si Aika sa harapan ko. Aika ang pangalan ni Fuentes at hindi ko alam kung bakit siya nagpapapansin sa akin, ang tanging alam ko lamang ay may gusto na siya sa akin noon pa pero wala akong pake dahil hindi ako pumapatol sa kagaya niya.
“Hi, Bryan! T-thank you for helping me earlier, I really appreci—“ hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin dahil napansin ko na lalandiin lamang ako ng isang ‘to dahil habang sinasabi niya ang mga linyang iyon ay nilalaro laro niya ang tainga ko na ikinailang ko ng sobra.
The f**k?! Ang cringe ng isang ‘to. Tinabig ko ang kaniyang kamay at sinamaan siya ng tingin, tingin na sapat na para matakot siya at umalis sa harapan ko. Napalunok lamang siya ng kaniyang laway at dahan dahang umalis sa harap ko. Agad naman akong nanakbo pabalik sana ng clinic pero wala na akong Jean na naabutan pa roon.
Hindi ko alam kung nasaan siya dahil wala naman siyang sinabi kanina na may pupuntahan siyang lugar. Wala rin ang nurse rito kaya wala ako g mapagtanungan patungkol sa pinuntahan ni Jam. Baka nagpunta lang siya ng restroom ‘di ba? Hintayin ko na lang siya siguro.
—-
Couple of minutes have passed pero wala pa ring Jam na bumabalik, miski ang nurse ay wala rin. Napagdesisyunan ko na lamang pumunta muna ng cafeteria para bumili sana ng maiinom pero ikinagunaw lamang ng mundo ko ang nakita ko dahil sa parking lot ay nakita kong magkasama sina Jackson at Jean habang magkahawak pa ang mga kamay.
Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko kaya napahawak ako rito. Pinagmasdan ko lamang silang dalawa hanggang sa sumakay silang pareho sa kotse ni Jackson at ang saya saya pa nila. Napangiti na lamang ako ng mapait at nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Pumikit ako dahil pakiramdam ko ay may tutulong luha sa mga mata ko, hindi ako iiyak dahil sa babae f**k! I’m not a gay haha.
Hinayaan ko na lamang sila at tumalikod na. Ano pa nga ba ang magagawa ko ‘di ba? Eh silang dalawa na nga ang magkasama. Ako dapat ang nasa pwesto ni Jackson ngayon eh, ako dapat ang nagbabantay at kausap ni Jean lalo na ngayon na hindi maayos ang pakiramdam niya. Lagi mo na lang inaagaw ang pwesto ko Jackson pero hindi mo na masusundan iyon dahil kung si Jean ang paguusapan, lalaban ako at hindi ko hahayaang manalo kang muli sa pwesto katulad ng ginawa mo sa akin dati.
Jean Avril Mendoza’s Point of View:
“Huy Bakulaw, huminto ka nga saglit sa Mercury Drugs hehe okay lang ba? May bibilhin lang sana ako” Nahihiya kong sambit kay Jackson na ngayon ay naka focus sa pagmamaneho ng sasakyan.
Balak ko kasi sanang bumili muna ng gamot ko kaso baka pag nakisuyo ako ay isipin niyang ang demanding ko. Ihahatid na nga niya ako pauwi tapos magrerequest pa akong dumaan ng drugstore haha. Napakapit lamang ako ng malakas sa bag ko at pumikit ng bahagya dahil nakaramdam ako ng antok. Ang tagal naman niyang sumagot, bahala siya sa buhay niya kapag nakatulog ako rito.
“Bakit?” Malamig na tanong nito sa akin na dahilan ng pagmulat ng mga mata ko.
“Kung pwede lang naman hehe. Bibili lang sana ako ng biogesic at cool fever para sa lagnat ko. Wala na kasi yatang stocks sa medical kit namin eh haha pati feeling ko hindi ko na kakayanin pang lumabas ulit dahil sa pagod dito sa byahe. Okay lang naman kung bawal dumaan, I just tried asking. Salamat pa rin dahil ihahatid mo ako pauwi sa amin eventhough fige percent lamang ang assurance na makakauwi ako ng ligtas at buhay haha” Sarkastiko kong pagkakasabi sa kaniya at muling ipinikit ang aking mga mata.
Bakit ba ang tagal magreply ng isang ‘to? Masyado ang pagkaka tuon ng pansin sa kalsada ah. Idinilat ko ng bahagya ang kaliwa kong mata para makita kung ano ang ginagawa niya. Nakita ko ang matangos niyang ilong pag naka side view miski ang pag galaw ng kaniyang adam’s apple. Shocks, ang pogi talaga ng isang ‘to. Bakit nakaka attract ka pa rin huhu kahit na madalas tayong magbangayan?
Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko habang naka tingin sa kaniya ngunit kaagad din akong napapikit dahil nakita ko siyang napatingin sa akin. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang pangyayari dahil hindi ko maimulat ang mga mata ko, baka kasi naka tingin pa rin siya sa akin eh haha tapos mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Nakakahiya kaya ‘yon! Ang laki laki pa naman ng ulo ng bakulaw na ito baka isipin ay gusto ko siya sus.
Ilang sandali pa ay ramdam kong napalalim na ang pikit ko at nakaidlip na ako. Wala na akong alam sa mga nangyayari ngunit alam kong may dumapo na kung ano man sa noo ko dahil naramdaman ko iyon bago ako makaidlip ng tuluyan. Nakakatakot kasama ang isang Jackson Black ngunit alam ko sa sarili ko na mabait pa rin ang isang ‘to at may good sides pa rin siya.
Naniniwala kasi ako na hindi inborn ang pagiging evil ng isang tao, minsan nakukuha nila ito due to their experiences in life. At ako, alam ko sa sarili ko na mabait na tao ang kasama kong ‘to dahil hindi naman gagaan ng ganito ang loob ko ng gano’ng kabilis lang kung alam ko na gagawa siya ng mga bagay na hindi maganda sa akin. Siguro ang swerte ng babaeng makakatuluyan ng isang ‘to haha, sana ako na lang ‘yon Jackson. Sana ako na lang din ang gustuhin mo pag tumanda na tayo.