Jean Avril Mendoza’s Point of View:
“Narito na tayo sa inyo, Jean.” Nagising na lamang ako bigla sa pagtawag sa akin ni Jackson.
Antok na antok pa rin ako ngayon at ayoko munang kumilos o umalis sa pwesto ko. Napakamot na lamang ako sa batok ko at tumagilid upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog. Pang bwisit naman kasi talaga ang isang ‘to, miski mahimbing na pagtulog ko ay balak sirain at istorbohin. Literal na bakulaw talaga huhu.
“Hmm, mamaya na. Huwag mo muna akong gisingin, bakulaw! Natutulog pa ako” Tanging nasabi ko na lamang at muling pinilit ang sarili ko para matulog.
Hindi ko pa kayang kumilos ngayon dahil sobra pa rin akong inaantok. Ayoko munang gumalaw dahil pakiramdam ko ay ngayon pa lang ako nagbabawi mg lakas mula kanina. Sobrang sama ng pakoramdam ko at ngayon ay feeling ko naman ay nagiging okay okay na ang pakiramdam ko, hindi na rin gaanong mabigat ang ulo ko.
“You can’t. Tumayo ka na r’yan at do’n ka sa loob niyo magpahinga. If you don’t want to stand and walk then just give me the keys of your door and I’ll carry you up to the sofa, is that fine with you?” Nang dahil sa pagiging wala ko sa sarili dulot ng antok ay tumango na lamang ako bilang simbolo ng pagpayag.
Wala akong ibang nagawa kung ‘di ang pumayag sa sinabi sa akin ni Jackson dahil sa antok. May time naman kasi na convincing ang pagiging mabait at pagkakaroon niya ng care sa isang tao and besides I’m not here to judge him naman. Kahit na mukha siyang gangster eh alam kong mayroon pa rin siyang mabait na puso at personality.
Inabot ko sa kaniya ‘yong bag ko para hayaan siyang hanapin ‘yong susi ng bahay namin. Ilang sandali pa ay kaagad naman niya itong nahanap kaya bumaba na siya ng sasakyan. Napansin ko rin sa sarili ko na hindi na ako makatulog kung kaya naman ay napagpasyahan ko na lamang umayos ng pwesto ko at magmulat ng maayos. Napakabit balikat na lamang ako at humikab ng malakas with matching unat unat pa ng aking mga buto, ang sarap sobrang nakaka relax.
Mula sa sasakyan ay nakita ko si Jackson na sinusubukan ang bawat susi na nahahawakan niya para buksan ang front door namin. Sa chain kasi na iyon ay siguro mayroong anim na susi haha hindi ko rin alam kung para saan ‘yong iba eh basta naka display ro’n pero para hindi ako mahirapan sa paghahanap ng susi sa front door namin, nilagyan ko na lang ito ng heart na mark sa tip. Ang cute kasi ng heart hehe favorite shape ko ‘yon ror.
Habang tinitignan ko si Jackson ay hindi ko maiwasan ang mapangiti, am I really falling for this guy? Pinagmamasdan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa hanggang sa makita kong nabuksan na niya ang pinto at effortless na bumalik patungo sa direksyon ko para siguro kaunin ako. Hindi naman nagkamali ang hula ko dahil kaagad siyang kumatok sa pintuang katabi ng pwesto ko kaya naman ay binaba ko ang bintana para humarap sa kaniya at ngumisi.
Pagkababa ng bintana ay agad akong dumungaw ngunit hindi ko sinasadya ang mangyari dahil bigla ring lumapit ang mukha niya para naman dungawin ako rin siguro sa loob. Sobrang bilis ng t***k mg puso ko dahil nagkatitigan kaming dalawa ngayon, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero dahan dahang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Hahalikan niya ba ako? Wahh! Kinikilig ako! Siya na ba ang makakakuha ng first kiss ko? Huhu!” Tugon ko sa utak ko at napalunok ng laway dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.
Napapikit na lamang ako ng mga mata ko dahil patuloy pa rin ang paglapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na ireact ko dahil gusto ko ang pakiramdam na ito ngunit ayoko rin at the same time, ayokong ibigay ng bigla kung kani kanino lamang ang first kiss ko dahil ipinangako ko sa sarili ko noon pati na kay mama at Jonas na sa totoong minamahal ko lamang ibibigay ang birhen kong labi, wala nang iba pa.
Napasinghap ako ng malalim at dahan dahang nagmulat ng mga mata para itulak siya ng mahina papalayo sa akin. Sorry Jackson dahil kahit gusto kita eh hindi ako papayag na sa ‘yo ibigay ang first kiss ko lalo na’t hindi naman mutual ang feelings nating dalawa para sa isa’t isa.
“A-anong ginagawa mo?” Nauutal kong tanong sa kaniya at napakamot sa aking batok at umiwas na lamang ng tingin para makalayo sa kaawkwardan ng paligid.
“S-sorry. Bumaba ka na r’yan” Tanging narinig kong sinabi niya at bumalik na sa may terrace namin para siguro doon ako hintayin.
Tama ba ang narinig ko? Humingi siya ng tawad sa akin? Nakakapanibago iyon marinig mula sa nagiisang Jackson Black haha anyways, inayos ko na ang sarili ko at bumaba na ng sasakyan. Pagkababa ko ay sinara ko naman na ang pintuan ng malakas para makasigurado akong naka lock ito, pinindot naman ni Jackson ang sensor ng sasakyan kaya kusa itong naglock kahit na hindi siya lumapit pa para mano mano itong patayin.
Agad naman akong lumapit tungo sa direksyon niya at tumigil ng makrating naman na ako sa kaniyang harapan. Humigop muna ako ng sariwang hangin bago ito binuga para magkaroon ng courage magpasalamat sa efforts and concern niya para sa akin magmula kanina. Hinimas himas ko ang aking braso at tumingin sa bandang paanan ko.
“Hey, Bakulaw. I just wanted to say thank you for taking good care for me and sending me home safely. I really appreciated it and let me know the ways on how I can repay you back for your concern. Thank you ulit, Jackson” Sincere na pasasalamat ko sa kaniya at tumayo na ng tuwid.
Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti ng matamis. I can see him staring at me, may nakikita ako sa mata niyang emosyon ngunit hindi ako sigurado kung anong emosyon iyon. Muli akong ngumiti at naglakad papalapit sa kaniya para bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
“Salamat ulit, Bakulaw” huling salitang sinabi ko bago ako kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.
Kaagad naman akong dumistansya at ngumiti sa kaniya. Naglakad na ako papasok sa bahay namin at kumaway sa kaniya bilang paalam. Hindi ko kasi alam kung papasok pa siya rito sa loob eh or babalik na siya ro’n sa school haha pero I was about to close the door ng bigla niya itong pinigilan at sapilitang pumasok sa loob ng bahay namin.
“Dito muna ako. Babantayan kita.” Malamig niyang tugon at dumiretso na sa salas para maupo at buksan ang TV habang inililipat sa channel ng NBA.
Napangiti na lamang ako at natawa ng bahagya, he’s so tough on the outside yet medyo soft naman siguro inside haha. Dumiretso na lamang ako sa kusina para pagsilbihan siya ng tubig. Binuksan ko na ang ref para kunin ang isang pitsel ng malamig na tubig at magsalin sa isnag clear na baso. Nang matapos naman ako sa dapat kong gawin at nilapag ko ito sa lamesa at umupo sa bakanteng upuan katabi ni Jackson para makinood na rin ng palabas.
“Sinong naglalaban?” Tanong ko sa kaniya at sumandal sa upuan habang yakap yakap ang unan. “Tubig oh, inom ka muna” ani ko at ipinokus ang tingin sa television.
“Nets at tsaka Lakers” Sabi nito at kinuha ‘yong tubig na hinanda ko para sa kaniya.
Napa ahh na lamang ako sa sinabi niya at napangiti ng awkward. Huhu kawawa naman ako, wala talaga akong alam patingkol dito sa basketball. Ang alam ko lang ay cartoons kagaya ng adventure time at phineas and ferb, wala ng iba. Ewan ko ba. Nageenjoy kasi talaga akong manood ng cartoons eh kumpara sa mga live actions kase ang cute ng animations kapag cartoon hehe, pang bata pa ang theme.
“Sabihin mo sa ‘kin ha kapag tapos ka na manood ng basketball, ililipat ko kasi sa Nickelodeon para manood ng Spongebob Squarepants” ani ko at inilapat ang aking leeg sa kantuhan ng sofang inuupuan namin.
“Hmm” Tanging narinig ko kay Jackson kaya tinignan ko siya, nakapukaw pa rin ang kaniyang atensyon sa pinapanood naming basket ball kaya hinayaan ko na lamang ito at nakisabay na lang din sa panonood.
Nasa gitna kami ng basketball ng biglang inilipat niya ang pwesto ng ulo ko patungo sa balikat niya.
“Stay laying like that” Ani nito at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa pisngi ko. Ano ba naman ‘yan Jackson! Tigilan mo nga ang pagiging caring and sweet mo! Kinikilig kaya ako huhu, paano na si Baby Jonas ko niyan? Baka magselos ‘yon at isipin eh pinagpapalit ko siya.
Napatango na lamang ako at muling nanood ng basket ball na pinapalabas sa Telebisyon. Kahit na hindi ko naiintindihan ang mga pangyayari dito ay nageenjoy pa rin ako dahil sa sitwasyon namin ngayong dalawa ni Jackson. Hindi ko maiwasan ang kiligin at sumaya dahil kahit papaano eh may oras na magkasundo kami ng Bakulaw na ito. Once in a blue moon lang siya maging ganito, sulitin ko na hanggat bumubuti na ang pakiramdam ko.
“By the way, how’s your feeling? May masakit pa rin ba sa iyo or ano?” Nagaalala nitang tanong sa akin habang hinihimas himas pa rin ang mukha ko. “Ang init mo na naman Jean, you should take some rest” Dagdag na ani nito at dahan dahang tinanggal ang pagkakalapat ng ulo ko sa balikat niya.
Inalalayan niya akong makahiga ng ayos sa sofa at sinapinan ng unan ang ulo ko. Nakita ko naman siyang biglang kinuha ang susi ng sasakyan sa kaniyang bulsa at lumabas saglit. Saan kaya pumunta ang isang ‘yon? Ah baka uuwi na haha. Napa ngiti na lamang ako ng mapait at pumikit para pigilan ang mga luha ko. Ang bilis naman niyang umuwi tapos ni hindi man lang magawang magpaalam sa akin. Hay, Jam. Ganito ka na ba talaga ka feelingera para isipin na mabait siya sa ‘yo at concern?
‘Di ba nga kanina lamang ay iniisip mo na kaagad na kaya lang naman niya ako gusto ihatid dahil makakaalis siya ng school ng excuse at hindi na need makinig sa discussion since may reason behind ng paglabas niya ng Campus? Ang tanga mo talaga Jam! Hindi siya concern sa ‘yo sadyang gusto lang niya makaligtas sa klase. Ano pa ba ang aasahan mo sa isang lalaking ‘yon eh wala naman ‘yong pakelam sa paligid niya kung ‘di ang pang sarili niya lamang kalagayan at kagustuhan.
Dapat pala talaga kay Bryan na lang ako sumama ng sa ganon ay hindi na ako masyadong nag expect pa. Kinuha ko na lamang ang remote na nakalagay sa lamesa at inilipat ang palabas sa nickelodeon and ‘yong akala ko na spongebob ang palabas ay nagkakamali pala ako dahil ang naka flash sa screen ngayon ay Loud House. Nakakainis naman, ayoko nito gusto ko sponge bob! Naiiyak na ko mama! Tangina ka talaga Jackson Black kasalanan mo ‘tong bakulaw ka huhu kung ‘di ka lang kasi nanood ng NBA eh ‘di sana napanood ko kahit saglit na scene ni patrick huhu. b***h motherfucker ka.