Jean Avril Mendoza’s Point of View: Ngayon ko lang napansin na malapit na pala ang pasko. Weeks na lang actually ang tutuusin and makakakakuha na ulit ako ng mga imaginary aguinaldos from the relatives and godparents. Mga ninong at ninang ko r’yan, dalagingding na po ako pero patawarin niyo po sana ako kung gusto ko pa rin mamasko para sa mga biyayang matatanggap ko sa inyo haha. At tsaka nga pala, naalala niyo ba ‘yung time na nagkaroon kami ni ‘B’ ng dare before? ‘Yung kung sino ang mananalo sa soccer game ro’n sa messenger ay magkakaroon ng chance na magbigay ng ng dare sa taong natalo ‘di ba? And no’ng time na ‘yon ay ako ang nanalo kung kaya naman ay nasa akin ang kapangyarihan para mag-utos sa kabilang panig. Actually ngayon ay desidido na ako sa naisip kong plano. Hindi ba’t mat

