Jean Avril Mendoza’s Point of View: Nakakamanghang makita ang ating mga magulang na lubos na nagmamahalan at nagsasama na parang wala bang problema. Lahat ginagawa nila para mapasaya lamang ang isa't isa at mabuhay ng masagana. Hindi man kami ganoong kayamanan pero ang pamilya namin ay sobrang saya, masagana, nagmamahalan at sa oras ng problema kami ay sama sama. Ibinibigay nila ang kanilang pagmamahal at pag-unawa sa isa't isa at sabay nilang tinutupad ang mga pangarap nila para sa kanila, sa aming pamilya, lalong lalo na para sa kapakanan namin sa hinaharap na kanilang mga anak. Ako ay hindi mapalagay kakaisip sa araw-araw dahil gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng may taon umiibig at sumusuporta sayo. Pero masyado pa kong bata at bakit ba pumapasok sa utak ko ito. Ako ay labin

