Carl Cinco's Point of View: Pagbaba ko sa mala konsert na performance ni Manong Driver at Manang Konduktura ay eto na. Eto na ang dahan dahan kong pagbaba mula sa School Bus at harapin ang reyalidad sa pag-angat sa buhay. Eto na ang unang hakbang ko sa mas mataas at pinahirap na pag-aaral ng mga pangunahing kaalaman sa wika, matematika, pagbabasa at pagsusulat na kailangan kong paunlarin para kay Mama at Papa. Para sa kanila maraming mapapakinabangan sa pag-aaral ngunit para lamang sa kanila iyon, iba sa akin para sa akin sagabal lamang ito sa pag-eenjoy ko bilang kabataaan. Aba mas masarap pa ngang mamahinga sa bahay kaysa ma-stress sa pag-aaral na ito. Hay!! Kung hindi lang talaga para sa magandang kinabukasan ko to at ayoko din namang madismaya sina Mama. Biglang bumusina si Manong D

