Vannessa Sanchez's Point of View:
Huminga ako ng malalim at tiningnan yung oras sa alarm clock ko. Huh? Eksaktong 2 am palang ng madaling araw. Tch.
Napahikab ako at nakaramdam muli ng antok. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at pinagpatuloy ang nasira kong tulog.
"Zzzzzz"
---
"Hi sa inyong dalawa!" Bati ko kela Avi at Jam na andito ngayon sa bahay namin. Inimbita ko kasi sila tutal wala namang pasok ngayon.
Hindi nila ako pinansing pareho at umupo na lamang sila sa sofa. Psh, sabunutan ko tong dalwang to eh!!
Sinara ko na yung pinto at sumunod sa kanila. Umupo ako sa lapag, May carpet naman eh hihi!
"So? Why Did you invite us here?" Walang kabuhay buhay na pagkakatanong sakin ni Avi at nag crossed legs
Si Jam naman? Ayun style Feel at home. Nakasandal siya habang nakapatong ang kaniyang dalawang paa sa lamesa. Well, Hindi niyo Kami masisisi! Ganan din ako kapag nasa kanila eh haha!
"To have fun of course?" Sagot ko sa tanong ni Avi. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.
"Psh. Do you call this bonding? Staying in your house without anything to do with? Pathetic"
Lumapit ako sa kaniya nang nakapamewang. "Edi hugasan mo yung mga Plato " angil ko at itinuro ko sa kaniya yung sink na puno ng hugasin.
Tiningnan naman yun ni Avi at napairap. "Whatever. So may WiFi ba kayo? Connect mo ko bilis!" Hmp!
Kinuha ko nalang ang cellphone niya at itinype yung password ng Wifi. Pagkalagay ko ibinalik ko na iyun sa kaniya.
"Thankish Vanny! Alabyu" Sabay flying kiss pa niya. Psh kutusan ko to eh! ¬_¬
Nga pala, Wala ngayon di Daddy Dito sa house. Nasa States kasi siya gawa nung company namin. My mom died when I was 12 kaya may stepmother ako. She's with Dad.
Pinag day off ko na muna yung mga maids kaya ayun ako lang magisa I mean kaming tatlo lang ang nasa malaking bahay na to. Hihi ^_^
"Vanny! Anong kakain natin?" Tanong sakin ni Jam. Psh! Tong si bestfriend talaga puro pagkain ang Nasa isip tch.
"Kayo ano bang gusto niyo?" Tanong ko sa kanila at umupo sa tabi ni Avi.
"How about... Seafood Pizza? Plus uhmm.. Tteokbokki and Rootbeer?" Request ni Avi habang nakataas pa ang kaniyang index finger.
"Anything will do. Ang tanong, Marunong ka bang magluto?" Napalunok naman ako sa sinabi ni Jam. Nginitian ko lang siya at nakuha nanaman ata niya iyon.
Inirapan niya lang ako at tumayo. "Psh, Patanong Tanong pa kung anong gustong kainin namin hindi naman pala marunong magluto" pagpaparinig niya habang nagsusuot ng apron sa may kusina.
Napakamot nalang ako sa ulo ko *pout*. "Eww! Do you have kuto Vanny? Why are you scratching your head?" Panunusot niya Avi. Tiningnan ko lang siya ng masama at tumawa naman siya.
"Ikaw may garapata! Kagatin kita dan eh"
"HAHAHAHAHA! I'm just kidding Vanny! You're taking it too effin seriously"
Jean Avril Mendoza 's Point Of View.
Nandito ako ngayon sa kitchen nila Vannessa para magluto ng tteokbokki na Request ni Avi. Isa yung dish na sikat sa korea.
Binuksan ko yung refrigerator nila upang maghanap ng mga lahok pero wala namang rice cake psh.
"Vanny! Wala na ba kayong stock ng rice cake?" Tanong ko sa kaniya habang nilalabas yung iba pang mga sangkap.
"Ahhmm.. Kung wala kang makita dan sa ref edi wala na!" Sigaw niya pabalik.
Psh so paano ako makakapagluto? Ako na nga ang magsisilbing cook nila ngayon tas ako pa ang bibili ng kulang? Aba baka kutusan ko sila isa isa.
Naiiling kong binalik yung chili red paste at fish cake sa loob ng ref. "Ano kayang pwedeng iluto? Tch" Tanong ko sa kawalan habang pinagmamasdan yung mga pagkain na nasa loob mga ref.
Nahagip ng mga mata ko ang isang kahong pizza dough. "Aha!!" Kinuha ko nalang iyon at inilagay sa lamesa.
Kumuha din ako ng ilang shrimps, lobstick, crabmeat at hinugasan ito. Habang nakasalalay ang seafoods, Binuksan ko yung box ng dough at inilabas ito.
Nagshred ako ng mozzarella cheese at nag grate naman ng Parmesan cheese. Naghiwa din ako ng garlic at parsley.
Malupitang Fastforward...
Viola~!! Tapos na ang Seafood Pizza ala Jean. Mwah!! Pero syempre hindi kumpleto ang servings ng pinaghirapan kong dish kung walang drinks diba?
Kinuha ko yung 1.5 na softdrinks yung rootbeer at naglagay ng sandamakmak na ice cubes dun sa tray.
Dinala ko na sakanila yung pizza. "Woah!! Ikaw talaga ang gumawa nan bestfriend??" Manghang pagkakatanong ni Vanny habang nanlalaki ang Mata
"The one and only" Sabi ko sabay kindat. Ipinatong ko na yung pizza sa lamesa at binalikan naman yung softdrinks ala Suho Baby ko Chos! Ahaha.
"Oh My Twinkle twinkle little star! Idol na talaga kita Jammy!!" Avi
---
"Alam ko na ang magandang gawin Guys!" Ani ni Avigail habang kumakain kami ng Ice Cream. Tiningnan ko naman siya habang hinihintay yung sunod niyang sasabihin.
"Nuyun?" Vanny
"How about... Sleep over tayo kela Vanny? What do you think??" Ramdam ko ang pagningning ng Mata ko sa naisip na Idea ni Avi
"Okay sige call ako dan! Okay lang ba magsleep over Dito Vanny?" Tanong ko sa kaniya at nag thumbs up naman siya.
"Super duper okie langs"
"Yeheeeyyyyyy!!! Slleeeppppp Ovveeerrrr!! Ahahahahahaha"
"Pero teka teka.. wala akong dalang extra clothes" kunot noo kong pagkakasabi sa kanila at napanguso.
"Duh I have spare clothes dun sa Car ko... you want to borrow it?" Tanong sakin ni Avi at kinuha yung susi ng kotse niya.
"Pero paano naman yung mga undies ko and stuffs?" Ako yan.
"Edi umuwi tayo sa inyo para kumuha ka ng gamit! Problema ba yun?" Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa opinion ni Vanny. Oo nga no?
"You have sense din naman pala Vanny! Tsk so leggo na!" Anyaya samin ni Avi kaya tumayo na din kami at lumabas.
Nang nakahanda na yung sasakyan ni Avigail, Sumakay na kami ni Vannessa dun. Nagdrive na siya patungo samin, Alam nanaman niya yung daan eh haha!