27

947 Words
Jean Avril Mendoza 's Point Of View. Nagdadalawang isip pa ko kung huhubarin ko pa tong damit ko o huwag na. Nakakailang kaya alam niyo yun? Lalaki ang kasama mo sa isang sasakyan at take note Gangster pa yan. Paano nalang kung bigla niya kong pagsamantalahan dito sa loob ng kotse niya diba? Tch "Bakit hindi ka pa nagpapalit dan?" Malamig pa kesa sa yelo niyang pagkakasabi habang naka focus pa din siya sa pagmamaneho. "Hindi na ko magpapalit. Sa bahay nalang" "Bahala ka. Do as you please, Huwag mo kong sisisihin kapag nagkasakit ka dan tch" Hays Oo na! Hampasin ko ulo mo Dan eh! Huminga muna ako ng malalim. Hinubad ko na ang pangitaas kong damit at Dali daling isinuot yung T shirt na pinahiram sakin ni Jackson. Nang maisuot ko na yung damit, Biglang nahagip ng Mata ko yung side mirror. Nakatingin dun si Jackson at nakasmirk pa. Waaaaaaaa!! "AHHHHHHH!! NAPAKA MANYAK MO TALAGANG UGOK KAA!!" Sigaw ko sa kanya at pinaghahampas siya. "BWISIT KAAAA!!!!! WAAAAA SABI MO HINDI MOKO SISILIPAN DIBA?! BWISIT KA TALAGANG JACKSON KA!!!" -- Pinalipat na ako ni Jackson dito sa may passenger seat. Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang beloved bahay ko. Napabuntong hininga nalang ako at umayos na ng upo. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, Dali Dali akong bumaba ng sasakyan at malakas na isinara yung pintuan ng kotse niya. Bwisit na ugok yun! Bigla naman niyang binaba yung bintana ng kotse niya at tinawag ang ako. Nanggagalaiti akong humarap sa kaniya at ngumiti ng nagtitimpi. Hmp! "Hey!" Tawag niya. "For your information, Hindi 'Hey' ang pangalan ko no! Kundi Jam! Jam ang pangalan ko okay? Naiintindihan mo ba?!" "Jam? As in palaman? Pfft--" "BWISIT KA TALAGANG LALAKI KA! PASALAMAT KA AT NAKAKAPAGTIMPI PA KO NGAYON DITO DAHIL HINATID MOKO KUNG HINDI NAKO KANINA PA KITA HINATAW NG BATO SA ULO TCH" "Take it easy Ube Jam! I mean Jam pala! What The f**k AHAHAHAHAHA!" At nakuha pa niya talaga akong susutin no? Tch! Mas bwisit ka pa sa bwisit! Pesteng lalaki to! "Umalis ka na nga!" Sigaw ko sa kaniya at binuksan na yung gate ng bahay pero bago pa siya makaalis... "Bye Ube Jam! Can't wait na ipalaman ka sa tinapay! Pfft--" Napaka peste talaga ng lalaking yung aba! May araw ka rin sakin tamo! Mamatay ka na bwisit Pumasok na ako sa loob at naabutan si Mama na natutulog sa couch. Bigla naman siyang nagising nang isara ko yung pinto. "Anak! Where have you been?"... All my life? Chos Hahahah "Wala lang Ma, Bakit dan ka natutulog?" Tanong ko sa kaniya at humikab. Inaantok na din ako aba! "Nakatulog kasi ako anak kakahintay sayo eh, Sige na at aakyat na ako sa kwarto ko. I lock mo muna yang pinto ha bago ka umakyat" paalam niya at naglakad na paakyat. At dahil sa bilin niya, Nilock ko na yung pinto at umakyat na din sa kwarto ko. Tinignan ko si Suho Baby na ngayon ay nakangiti sakin. "Namiss kita Suho Baby ko!!!" Vanessa Sanchez 's Point Of View. "Ethan? Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko makapaniwalang Tanong sa kaniya at nilapitan siya. He just gave me a warm sweet smile. Nang makalapit na ako sa kaniya, Bigla niya akong niyakap. Ramdam ko ang pagdikit ng kaniyang labi saking tainga "I miss you" bulong niya habang wala pa din miski isa samin ang kumakalas sa mula pagkakayakap. "I miss you too" Ramdam ko ang pagngiti sa kaniyang mga labi dahil sa sinabi kong iyon. Nilayo niya ako ng kaunti sa kaniya at hinawakan at sa magkabilang balikat. "I miss you more" "Well I miss you most" "I miss you more than that most of yours" Hindi pa din siya nagpapatalo hanggang ngayon Haha! "Well I don't wanna lose to you this time but you got me" sabi ko nalang at niyakap siyang muli na para bang wala nang bukas. He looked straight directly into my eyes. By The Way He looks at me, I knew it myself na mahal niya talaga ako. He moved closer to me... And closer... And closer... And more closer... And closer nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si... "Baby?" Gulat kong pagkakasabi at napataklob sa bibig ko. B-bakit siya nandito? Waaa!! "Pinagtataksilan mo ba ko ha?!" Galit na pagkakasabi ni V at idinuro ang mukha ni Ethan "Sino siya ha?!" "Let me explain Baby please!" Pagmamakaawa ko sa kaniya at hinawakan ang mga malalambot niyang kamay. "Explain What Vannessa?" This time pati si Ethan galit na din sakin. Waaaa!! Ano nang gagawin ko!?? "Let's break up!" Galit na sigaw sakin ni Ethan at nag walk out. Naman ehh!!!! "It's now over between us Van!" Sigaw sakin ni Baby. No! No! No! No! Hindi to pwedeng mangyari Waaaa!! "Bab--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang harangin ni Taehyung yung bibig ko gamit ang kaniyang hintuturo. "Don't call me Baby, Unless you mean it. Don't tell me you need me if you don't believe it!" Huli niyang sinabi at lumabas na ng kwarto. He left me with my mouth wide open. Huh? Parang may kapareho yung line na yun ah hmm. Parang kanta siya? Aish. Tinikom ko na ang bibig ko. Kailangan ko maibalik ang mga babies ko sakin kundi mamamatay ako Waa!! Binuksan ko yung pinto. Lumabas na ako at bigla akong nagulat sa aking nakita... "Oh My Ghawd!" Hindi ko makapaniwalang sabi at napatakip sa bibig ko. Anytime pwede akong himatayin dahil sa nakita ko. Si Taehyung na nakabihis pambabae at si.. Ethan nag..... HAHALIKAN?! "AAAAHHHHHHHHHHHHH!!" Bigla akong nagising at napaupo mula sa pagkakahiga. Hays, Napaka sama naman nung napanaginipan ko! Tch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD