Jackson Black's Point of View:
Bakit naka PE uniform pa din siya? Hindi pa ba siya umuuwi? Magdidilim na ah! Tch
Nung lumabas na siya tsaka ko binayaran ang binili ko. Nakatayo lang siya sa labas at para bang masama ang timpla ngayon.
--
Teka naguguluhan ako sa sinabi niya tch. "So you mean, Wala kang masakyan papauwi?" Paninigurado ko ng tanong. Yun lang kasi ang nagets ko sa sinabi niya. Masyado kasi siyang mabilis na nagsalita parang nagrarap haha
"Buti naman at naman gets mo hays" Tanging nasabi niya. Napailing nalang ako at iniwan siya dun.
Pumunta ako sa parking lot. Binuksan ko na yung engine ng saskyan ko at bumalik sa lugar kung saan ko iniwan si Jean.
Nakatayo lang siya dun. Napansin naman niya ang kotse ko na nasa harapan niya at nung akala kong sasakay na siya sa loob, Bigla naman siyang umusod. "Tch"
Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga at umandar ng konti para matapatan siya. Ibababa ko na sana ang bintana ng kotse ko nang bigla siyang naglakad ng mabilis.
"What the f**k is she doing?" Tanong ko sa kawalan at pilit siyang sinundan.
Nakasunod lang ako sa kaniya nang bigla siyang tumakbo patungo sa kabilang kalsada. "Aish!"
Basang basa na tuloy siya ng ulan tch. Paano nalang kung magkasakit siya? Hindi ba siya nagiisip ha kainis?
Binusinahan ko siya kaya muli siyang nanakbo. Teka nga, Kanina pa niya ko tinatakasan ah! Ano bang problema nun? Tch
Huminto muna ako saglit dahil biglang tumawag si Phoenix sakin at sinagot ito
"Bro! San ka?" Masigla niyang Tanong mula sa kabilang linya. Kung makapagsalita siya parang walang atraso sakin ah!
"It's none of your f*****g business" malamig kong tugon na ikinatawa naman niya. The f**k?! Nasisiraan na ba siya ng ulo? Tch
"Bro! Thanks sa Brandy ha! HAHAHAHAHAHA" Mapanukso niyang sinabi at nagawa pa niyang tumawa. Psh.
"f**k YOU!" Sigaw ko sa kaniya at binaba na ang tawag. Aish! Nawala tuloy si Jean sa paningin ko tch.
Drive lang ako ng drive para hanapin kung nasaan siya. Baka kasi kung napaano na yun diba? Madilim na ang paligid tapos nagkalat pa mga masasamang tao
Biglang nahagip ng Mata ko ang isang gwardya na may kausap na babae at kung hindi ako nagkakamali, Si Jean yun.
Lumapit ako sa kanila ng konti. Bigla namang napatingin sa direksyon ko si Jean at tinuro ang sasakyan ko. Nagtago siya dun sa may likuran ng gwardya. Tumayo naman si manong guard at lumapit sakin. Kinatok pa ang binatana ng kotse ko
FUCK?! Huwag niyong sabihin na akala niya isa akong masamang tao na sumusunod sa kaniya?
Aish! Napailing nalang ako at ibinaba ang binatana. Napatingin naman sakin si Jean at halatang nagulat.
"Ikaw?!" Sigaw niya at tinuro ako. Tch
"Sino pa ba? Tch"
"Aha. Ha. Ha. Ha. Ha.! Manong guard kaklase ko lang pala! Haha!" Tumingin siya sakin at itinuro yung guwardya "Si Manong guard kasi eh ang OA ahahaha!"
"At talagang idinamay mo pa ko neng sa kapalpakan mo? Tsk mga kabataan nga naman oh oh" Naiiling na pagkasabi nung lalaki at bumalik na sa pwesto niya kanina.
Napatingin naman ako kay Jean na mukhang nahihiya. Iniiwasan niya kasi ang mga eye contacts ko sa kaniya tch
"Hop in" emotionless kong pagkakasabi at pinindot yung button para matanggal ang pagkakalock ng pinto ng sasakyan
"H-ha? Eh basang basa ako oh! Baka mamaya Pati yang loob ng sasakyan mo mabasa din"
"I don't f*****g care. Just f*****g Hop in or else I'll leave you there stupid" masungit kong pagkakasabi. Dali dali naman siyang pumasok sa loob ng kotse ko. Tch, Sasakay din naman pala pinatagal pa.
Sinimulan ko nang magmaneho. Nakatutok lang ako sa pagmamaneho nang mapansin kong nanginginig na tong katabi ko sa lamig.
"Bakit ka nanginginig dan?" Tanong ko sa kaniya habang hindi pa din siya tinitignan.
"Nilalamig ako! Hindi ba obvious na basa ako? Tch" at nakuha pa niyang magsungit sa lagay na yun. Psh ibang klase.
"There's a shirt in the backseat. Change your clothes and wear it" ani ko at hininaan yung aircon.
"Ano?! Magpapalit ako dito? No need! Baka mamaya makita mo pa yung pamatay kong katawan no!" Pagiinarte niya at niyapus pa ang sarili. As if namang gawan ko siya ng masama dan samantalanv wala naman akong pagnanasa sa kanya hays assuming.
"I won't look at you at isa pa, Hindi ako interisadong makita yang katawan mo no! Taba taba mo tsk, Dun ka sa likod magpalit"
"Fine ha! Pero hindi ako mataba okay? Epal ka" Ihininto ko na muna ang sasakyan ko at lumipat na siya dun sa backseat. "Huwag mo kong titignan ha! Nako kapag sinilipan mo talaga ko, Tutusukin ko talaga yang eyeballs mo tch"