Jean Avril Mendoza's Point of View:
Ramdam ko ang paginit ng aking mukha pati narin ang hininga niyang amoy mint. Ambango niyaaaa!!! JAM UMAYOS KA NGA!
"Hey Jean!" Malakas na tawag sakin ni Jackson na dahilan ng pagkakabalik ko sa realidad.
"Imagination ko lang pala sayang tch" bulong ko sabay iling. Sana totoo nalang yu-- I mean Ha! Asa namang maka score sakin ng isa yun no? Psh
"What. The. f**k. Just happened to you? Bakit andito ka pa eh gabi na? Tch"
"Ano kase, ahmm... Ganito Kasi yun" lumunok muna ako ng laway at huminga ng malalim "Pumunta kasi ako ng Sm kanina tapos hindi ko namalayang inabot na ako ng gabi tapos ayun tumakbo ako takbo takbo tapos tapos Ano nga ulit yun? Ah ayun, Takbo hanggang sa makarating ako dun *turo sa waiting shed* para magcommute papauwi eh kaso wala namang dumadaang sasakyan kaya naisipan kong pumunta Dito sa 711 para mag paload kaso wala namang available kaya lumabas nalang ako tapos tumayo muna ako dito sa kinatatayuan ko ngayon Kasi nga anglakas ng ulan tapos bigla kang dumating. Tapos tapos na ay hindi pa pala! Kinausap mo pala muna ako haha" Hihi ^_^
Tumingin siya sakin na para bang naguguluhan sa sinabi ko. Bakit? Kinuwento ko na nga sa kaniya yung mga kamalasan ko eh tch.
"So you mean, Wala kang masakyan papauwi?" Tumango nalang ako bilang kasangayunan at ngumiti sa kaniya ng malapad.
"Buti naman at naman gets mo hays"
Napailing nalang siya at biglang umalis. Hays ano ba yan! Hindi man lang nakonsensya sakin tong Jackson na to tch
Hindi man lang ba niya naisip na 'Hays maihatid naman to nakakaawa eh baka walang masakyan pauwi' o kaya naman 'delikado na dahil Gabi na kaya ihahatid ko nalang siya pauwi' tch.
Maya Maya pa, May biglang humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Napaisip ako na baka bababa yung nasa loob kaya umusod ako ng kaunti pero bakit parang sinusundan niya ko?
Waaaaaa! Napanood ko na to sa isang drama!! Naglakad ako ng mabilis kasi malay mo baka mamaya killer pala yun diba? O kaya kidnapper! Waaaaaaa
Lakad lang ako ng Lakad tapos pagtingin ko sa likod ko, Nakasunod pa din sakin yung kotseng itim habang binubusinahan ako.
"AHHHHHHHHHHH!!!" Malakas kong sigaw at muling bumusina yung sasakyan.
*beep beep*
"Waaaa!! Natatakot na talaga ko!! Masyado pa kong bata para mamatay! Ayoko pang mawalan ng mga internal organs Waaaaa!! Gusto ko pang makita ang Suho Baby ko bago ako mamatay!" Sigaw ko dun sa itim na kotse at tumakbo ulit ng mabilis para himingi ng tulong
"Waaaaaa!!! TULONGGGGG HINAHABOL AKO NG MAMAMATAY TAO!! AHHHHHHH!!" Malakas kong sigaw hanggang sa makalapit ako sa isang security guard ng banko.
"Manong tulong ho! May humahabol po saking itim na kotse! Feeling ko mga manunupot yun" mangiyak ngiyak kong pagkakasabi dun sa gwardya pero tiningnan niya lang ako na para bang hindi naniniwala.
"Miss Alam mo bang hindi mo ako madadala sa mga panloloko mo? Tch. Nakatakas ka ba sa isang rehab miss o high ka ngayon dahil sa m*******a? Tch. Masyado ka pang bata miss para maging adik. Bumalik ka nalang sa inyo" Naiilang niyang pagkasabi sakin with matching iling iling pa.
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang susuntukin siya pero... Hanggang akma lang ako hehe.
"Kuya sinasabi mo bang nababaliw na ako ha? Na nakatira ako ng m*******a? Tch! Eh kung ingudngod ko kaya yung napaka pangit mong pagmumukha dun sa putik ha? Bwisit na to ah!" At inirapan ko siya. Napakamot naman siya sa kanyang batok at uminom ng kape.
"Buhos ko sayo yan eh!" Dagdag ko pa. Tumingin muli ako dun sa may likuran ko...
"Waaaaaaaa!! Manong guard yun po yung sinasabi ko sayong sasakyan!! Waaaaa!" Niyugyog ko yung guwardya kaya natapon yung iniinom niyang kape.
"Ah ang init! Ang init!! Ha" Napatayo siya at kinuskos ang damit na natapunan ng mainit na kape. Psh Karma! Haha "Ano bang problema mo neng?!"
"Manong naman eh! Tingnan mo yung sasakyang itim na yun! Sinusundan niya ako kanina pa! Tingnan mo basang basa na nga ko ng ulan kakatakbo eh!" Sambit ko dun sa guwardya at itinuro yung kotseng papalapit samin.
"Aba oo nga noh!" Nagtago ako sa may likuran niya. At tinakluban yung mukha ko ng kamay para hindi makita ang posibleng mangyari pero hindi ako nakatiis kaya nilagyan ko ng konting agwat yung kamay ko, Sapat na para makakita ako.
Nakita ko si manong na unti unting lumapit dun sa sasakyan at kinatok ang bintana nito. Nagbukas naman iyon at.....v
Jackson Black 's Point Of View.
Tumayo ako galing sa pagkakahiga at bumaba. Dumiretso ako sa kusina at binuksan yung ref para kunin yung Brandy.
Huh? Nasan yun? "Hinahanap mo dan?" Tanong sakin ni Scott habang kumukuha ng mga baso sa pingganan.
Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy sa paghahanap. Binuksan ko naman yung isang pang ref, Pero wala talaga tch.
Maya maya pa ay dumating naman si Vince at kinuha yung mga ice cubes at inilagay sa isang tray.
"Mukhang problemado ka ngayon ah? Tara dun sa salas shot tayo" alok niya at nawala na sa paningin ko.
"Aish!"
Sumunod ako sa kanila. Nakita ko silang nagtatawanan dun habang pinagpepyestahan yung Brandy ko tch.
"San galing yan?" Tanong ko kay Phoenix at umiwas naman siya ng tingin. Tch 'tong taong to talaga
"Galing kay Phoenix" Saad ni Xander at ininom ng straight yung Brandy na nasa shotglass. Tcn
"Nagkayayaan kasi nag Bar eh ang kaso, Tinamad tong si Phoenix kaya ayun Sabi niya Dito nalang daw" paliwanag ni Vince at nagshot din "ahh"
Hindi ko nalang sila pinansin at umakyat muli sa taas. Kinuha ko yung jacket na pula sa damitan ko at isinuot iyon.
Bumaba na ako. Tinanong naman ako ni Scott kung saan daw ako pupunta pero hindi ko siya sinagot at lumabas na.
Inistart ko na yung kotse ko at nagtungo sa 711 para kumain ng Noodles tutal umuulan naman.
Pagkarating ko dun, Ipinarada ko na ang kotse ko sa Parking Lot at pumunta sa loob. Kumuha ako ng isang Cup Noodles at akmang babayaran na ito pero bigla kong nakita sa Jean na nasa counter.