24

1603 Words
Jean Avril Mendoza's Point of View: "Best friend Jammy! Sorry ha? Hindi ka kasi namin maihahatid ngayon pauwi sa inyo huhuhu! Pinapapunta kasi ako ni Daddy kela tita eh! Sorry talagaa! Babawi ako next time promise ko sa 'yo." Malungkot na pagkakasabi ni Vanny sa 'kin at niyapus yapus pa ako na tila ba nakokonsensya dahil sa nangyari. Napangiti na lamang ako dahil sa sinabi niya ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya ng bahagya dahil pakiramdam ko eh nagiging obligasyon na niya ang paghahatid at sundo sa akin. "Ayos lang 'yon 'no? Ano ka ba, haha! Magco-commute na lang ako pauwi, may pamasahe pa naman ako hehe" Sabi ko na lang kay Vanny at ginulo ang kaniyang buhok. Ginawa ko 'yon para hindi na siya mag-isip pa ng iba o kaya naman ay mag overthink. Napangiti na lamang at at napansin ko namang kumalas na siya mula sa pagkakayapus at humarap sa 'kin. Bigla naman siyang nag pout na dahilan nang pagkabago ng mood ko haha. Ang cute niya pero mas cute pa rin kapag naiinis siya. "Okay na sana ang mood ko kanina eh! Tch" pabiro kong tugon sa kaniya at hinihila ko naman 'yong nguso niya habang sinasabi 'yon. Haha, 'yung mukha niya talaga palagi ang nag dadala. Palagi na lamang epic. "Ouch! Best friend naman eh! Tch, aalis na nga 'ko!Babush na, ingat!" Paalam niya sa akin atnag wave pa bilang paalam. Pagkatapos niyang magpaalam sa akin ay napansin ko namam siyang tumakbo na kaagad papunta ro'n sa sundo niya. Hinintay ko na munang mawala ang sasakyan nila sa paningin ko bago ako umalis. Sign of respect din kasi 'yon haha 'di ba? Napangiti na lang ako habang hinihintay silang umalis at no'ng nawala na sila sa paningin ko ay kaagad ko namang sinimulan ang paglalakad. Napag-isipan ko rin na huwag munang umuwi sa amin dahil sigurado akong wala pang tao sa bahay, mabuburyo lang ako ro'n kung sakali. Pumunta ako ng sm at dumiretso ro'n sa store kung saan ako bumibili no'ng mga stuff toys and merchandise ng favorite boy band kong Spade. Nang makapasok na ako ro'n sa loob ay kaagad akong naghanap ng mga bagay na maaari kong bilihin. Sayang naman kasi ang punta ko rito kung hindi ako bibili ng kahit ano 'di ba? Hehe. Nagsimula na akong maglakad sa loob at maghanap hanap. Paulit ulit lang ang mga gamit dito pero nakaka satisfy ng pakiramdam as a fan girl. Puro na lang mug, stuff toys, posters, and kung ano ano pang common stuffs. May mga photo card din ang so on. "Hmm... ito kaya?" Tanong ko sa sarili at sabay kinuha ko 'yong mug na color black. Logo kasi ng Spade 'yung style and design niya hehe pero napaisip ako na kapag binili ko ang bagay na 'to, madadagdagan lang ang mga hugasin ko bahay 'di ba? Tch. Tama tama, huwag nga iyon. Maging praktikal ka self. Napailing na lang ako at binalik na 'yung mug na kinuha ko ro'n sa dating pwesto nito. Napangiti na lamang ako at umastang parang isang batang masayang masaya dahil nakalabas na naman ng bahay. Pumunta naman ako ro'n sa may clothes section para ro'n maghanap ng mga merch. "Meron na ako nito eh" Sabi ko sa sarili ko habang hawak 'yong T-shirt na may print ng 'Ikaw Lang', isa kasi 'yang famous song nila sa album na 'Paraiso'. Wala na lang akong ibang gunawa kung 'di ang ibalik na ang ito sa dating pwesto. Sinubukan kong muli ang maghanap ng panibago hanggang sa makakuha ako ng isa pang damit na kulay pink naman. "Ay, ang ganda sana ng isang 'to kaso ang gaspang ng tela huhu. Sana na lang at ginawang cotton 'di ba?" Pagrereklamo ko sa kawalan habang hinihimas 'yung texture no'ng damit pero binalik ko naman din ito kaagad dahil hindi rin naman ako interisadong bilhin iyon. Umalis naman din ako sa clothes section. Kung itatanong niyo naman kung bakit hindi ako pumupunta sa mga poster and post card section ay simple lang ang kasagutan do'n. Hindi kasi ako mahilig mag keep ng ganung gamit kasi mabilis masira, kalimitan kasi sa mga 'yon ay gawa lang sa papel 'di ba? Muli ko namang inilikot 'yung mata ko at nakita ko 'yong label sa taas na Stuff Toys section. "Dun nalang kaya?" Tanong ko sa sarili ko at napahawak pa sa aking baba. Pumunta na ako sa lugar na puro mga stuff toys ang naka dislay ng mga idols, both boy band and girl bands. Napansin ko rin dito na may ilang mga merchandise ng ilang korean dramas katulad ng Goblin, Strong Woman Do Bong Soon, Two Worlds, Legend of the Blue Sea etsetera etsetera at iba pa. Basta 'yon hehe. Meron din dito no'ng mga unan na may print ng variety shows kagaya ng Running Man, Knowing Bro's at madami pang iba. Ay oo nga pala, alam niyo ba 'yong Monday Couple? Nabuo 'yung couple na 'yon sa korea. Sikat kasi 'yon sa Korea gawa ng variety show na 'Running Man' but sadly, wala na 'yon ngayon kasi 'yong lalaki ro'n na si Kang Gary ay kasal na sa ibang babae at hindi kay Song Ji Hyo. Nakakatuwa nga eh hahaha at tsaka on screen couple lang naman talaga silang dalawa kaya wala dapat ikagalit kung ikasal man ang isa sa kanila kung kanino man 'di ba? At tsaka sa ngayon naman na wala na si Gary, kay Kim Jong Kook ko na shiniship si Ji Hyo. Spartace for the win, fight me. Pero ito na nga, hindi naman sa pagmamayabang ha? Pero gusto ko lang sabihin and ipagmalaki na kumpleto ko na 'yong chibi stuff toys ko ng Exo, Girls Generation, 2ne1, Bigbang, at Super Junior. Lahat ng mga 'yan ay korean idols hehe at tsaka pati na rin pala 'yung lahat ng casts ng Running Man ay meron na rin ako hehe. Bakit ko sinabi at shinare? Wala lang, na amaze lang kasi ako sa sarili ko gawa ng may collection ako ng gano'n hahaha. "Ano ba 'yan, wala man lang maayos na gamit na pwede kong bilhin eh tch" Sabi ko sa kawalan at lumabas na lang ng store tutal wala lang din naman akong napala. Habang naglalakad ako ay biglang dumapo sa isipan ko 'yung oras na ngayon. Patay, huwag sana akong abutin ng dilim dito sa labas. Nagpause muna ako saglit sa paglalakad para i-check na kung anong oras na ngayon. Tinignan ko na 'yung oras sa wrist watch ko at napansin ko namang 5:47 pm na pala! Patay na naman ako nito huhu. Malapit ng magdilim kaya nakakatakot dahil sobrang delikado ng ganitong panahon sa labas. Kelangan ko nang umuwi! Tch. Wala akong ibang choice kung 'di ang tumakbo kung kaya naman ay tumakbo ako ng tumakbo ng mabilis sa abot ng makakakaya ko patungo ro'n sa exit ng sm. -- "Hays! Bakit ba walang nadaang sasakyan dito?" Naiinis kong pagkakasabi sa sarili ko at tiningnan 'yung oras sa relo ko. "6:32 na tch" Dagdag ko pa at padabog na umayos. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko ro'n sa may bench at pumunta munang saglit patungo ro'n sa 711. Kelangan ko kasing magpaload ngayonpara tawagan si Mama o kaya naman ay si Kuya Joax para kaunin ako rito. Wala kasing signal 'yung mobile data ko ngayon kaya sobrang malas talaga. "Kuya pa load po ng Smart" Sabi ko ro'n sa lalaki kung kaya naman ay may chineck siya na something. Hindi ko kasi alam kung ano ang tawag do'n eh basta 'yun na 'yon, something. "Sorry po Ms. pero wala na pong available na load para sa Smart ngayon ayon sa system." Malungkot na pagkakasabi no'ng lalaking nasa cashier sa akin. Hays ano ba naman 'yan?! Bakit ko pa ba kasi naisipang pumunta sa SM eh? Tsk. Padabog na akong lumabas mula do'n sa 7/11 ngunit hindi ko naman inaasahan ang sumunod na pangyayari. Napansin ko kasi ang biglang malakas na pagpatak ng ulan, kung minamalas ka nga naman oh?! Hay, buhay. Argh! Nabubuwisit na talaga ako! No'ng una ay wala na nga akong masakyan pauwi tapos no'ng sinubukan kong magpaload wala namang available tapos ngayon uulan ng malakas? Wala akong payong guys kung alam niyo lang tch huhu. "Why are you still here? It's late" Nagulantang ako dahil biglang may nagsalita mula sa likod ko kung kaya naman ay nilingon ko kung sino 'yon. Siya? "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Jackson habang nakakunot ang noo ko. Buti pa siya, nakauwi na. Nakapagpalit na nga ng damit eh tsk. "Buying some girls to have some fun with" He said sarcastically. Umarte na lang ako na para bang sobra sobrang natawa sa joke niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at humarap nang muli sa harapan ko. Ang corny niya, real talk. "Psh. Bakit nandito ka pa? Gabi na oh!" Sambit niya sa akin at napansin ko naman na may bakas ng pag aalala sa tono niya. Teka nga? Concern ba siya sa 'kin? Ayos ka Jam ah! Siya concer sayo? Ha ha ha, nakakatawa. Paano naman mangyayari yun eh parang strangers lang kayo sa isa't isa? "Teka nga, Nagaalala ka ba para sakin?" Nakapatakip nalang ako sa aking bibig dahil sa bigla kong sinabi. Hala siya! Bakit bigla nalang lumabas yung katagang yun sa bibig ko? Waaaaaa!! "Yeah, I do care about you..." sincere niyang Pagkakasabi habang papalapit siya ng papalapit ng papalapit hanggang sa 1 inch nalang ang layo ng aming mga mukha. Ramdam ko ang paginit ng aking mukha pati narin ang hininga niyang amoy mint. Ambango niyaaaa!!! JAM UMAYOS KA NGA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD