23

1711 Words
Jackson Black's Point of View: "Huy mga brad, may tanong ako sa inyo. Nakita niyo ba 'yong babaeng nakaupo ro'n sa last row? 'Yong naroon sa may bandang gitna" Tanong ni Phoenix sa amin habang naglalakad pabalik sa classroom. Si Jean? Psh. Bakit naman nila pinaguusapan yung babaeng yun tch. Umarte na lang ako na para bang hindi nakikinig at nauna nang maglakad sa kanila ng kaunti. "Oh? Ano namang meron do'n?" Nabobored na pagkakatanong ni Vince kay Phoenix at humikab hikab pa habang nakataas pa ang mga kamay, napaghahalataan talaga kaagad kung sino sino ang mga antukin dito. "Maganda kase brad at sexy pa! Chix na chix ang datingan ng isang 'yon! Balak ko nga sanang pormahan eh haha" Singit ni Scott na dahilan ng biglang paglingon ko sa kaniya. Napasiring na lamang ako at pumalatak sabay napailing, hindi ko lubos maisip kung gaano at bakit napaka womanizer talaga ng isang 'to hays. "Iyon 'yung magandang transferee 'di ba na mukhang masungit? 'Di ba 'di ba?" Tugon naman ni Alexanderat siniko siko pa ang tagiliran ni Scott. Nang makapasok kami sa room ay umupo na kami sa kaniya kaniya naming upuan. Ramdam ko ang biglang pagkawala ng pagod ko dahil sa nangyari, ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nagpapahinga hehe. "Oo 'yun nga! 'Yung nakaupo ro'n" Sabi naman ni Phoenix at tinuro 'yung upuan kung saan naka pwesto si Jean. Nakakainis, ano ba ang meron sa mga 'to? Ano ang nangyayari? May problema ba ang mga ugok na 'to ro'n? Hay. Mga malalanding nilalang talaga, ika nga nila. "Ano namang meron do'n? Pangit pangit kaya no'n tsk" Singit ko sa usapan nilang lahat at umayos na ng aking pagkakaupo. Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay napansin ko naman na bigla naman silang napatinging apat sakin ng sabay sabay, tapos 'yong tatlo pa ay parang nagulat. Wala akong ibang ginawa kung 'di ang inasta kong pagtaas ng kilay samantalang nakangise naman si Phoenix na para bang may balak pang sabihin sa aming lahat, ano nangyayari rito? Tch. "Ehem! Alam niyo ba mga brad, may napapansin akong kakiba ngayon. Pansin ko mga brad na bigla bigla na lang nakisali si Jackson sa usapan natin ah?For the first time hmm, ano kayang meron?" Ani naman ni Alexander at dinig na dinig ko pa ang biglang paghiyawan nila. Napasiring na lamang ako at binato ko na lang sila ng notebook kong hawak hawak. 'Tch', tanging palatak na lamang ang lumabas sa bibig ko at nagkabit balikat pa. Hindi na lamang ako muling kumibo pa at napailing na lang ako nang bigla naman silang magtawanan lahat. Hay, mga ugok talaga. "Sandali nga lang, pwede ba nating ibalik 'yung usapan natin do'n kay Mendoza? Mukhang may magandang ganap eh." Ani ni Vince at binuksan 'yung bottled mineral water na hawak hawak niya sabay inom ng tubig nito. "Tanda niyo pa ba 'yung kinuwento ko sa inyo dati no'ng kumakain tayo ng hapunan tungkol kay Jackson? Pati na rin do'n sa babaeng kasama niya no'ng gabi naman na nahuli natin na may nagtatanim ng bomba sa Hillary Village?" Sunod sunod na pagkaka sabi ni Phoenix sa aming lahat. Parang alam ko na ang kasunod nito ah! Tch. Umubo ako ng peke upang makuha ang atensyon nila. Agad namang napatingin sa 'kin si Phoenix at sinamaan siya ng tingin. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing 'kapag tinuloy mo iyang walang kwenta mong sasabihin sa kanila ay tiyak na may kalalagyan ka' at gumuhit ako sa aking leeg upang senyasan siya na yari siya sa akin. I mouthed him "You're dead" and even glared at him so badly. "Ahh! Oo, tanda ko pa 'yon! Hahaha! 'Yon 'di ba 'yung akala pa natin ay adik at tulak ng droga? Hahaha! Naalala ko na naman walang hiya," Sambit ni Scott habang humahagalpak pa sa katatawa at itinuro turo pa 'ko. Ay talaga namang inam! Hay, sipain ko 'to sa itlog eh. "Hahahaha! Naalala ko na rin! Pero ano naman 'yung koneskyon no'n kay Mendoza? Wala naman siya no'ng time na 'yon 'di ba?" Tanong naman ni Alexander at ipinatong niya pa ang dalawang braso niya sa sandalan ng kaniyang upuan. Itinuon ko na sa iba ang pansin ko ng biglang nahuli ko namang nakitingin sa 'kin si Phoenix ng nakakaloko habang nakangise pa. "f**k you all" Masungit kong pagkakasabi sa kanila at nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Sorry Jackson bro ha? Pero si .... Mendoza kasi 'yung babaeng kasama ni Jackson no'ng gabing 'yon Hahahahaha!" Malakas na sigaw ni Phoenix at nagtatakbo pa palabas dahil akala niya yata eh hahabulin ko siya. Dahil sa sinabing iyon ni Phoenix ay bigla na lamang naibuga ni Vince ang iniinom niyang tubig sa mukha ni Scott na nagresulta ng pagkasambakol ng mukha nito. Pfft-- tang ina, ano ba 'to?! Hahahaha! Lahat naman ng studyanteng nandito sa loob ay napatingin sa 'kin at naghiyawan pa psh. Akala yata nila ay kaclose ko sila no? Naghihiyawan sila at nagtutuksuhan sa kilig, kabilang na rin do'n 'yong tatlong mga ugok at sinundot sundot pa 'ko sa may bandang tagiliran. Sinamaan ko lang silang lahat ng tangin at agad naman silang tumigil sa paghihiyawan. Alam na kasi nila kung anong kalalagyan nila kapag hindi pa sila tumigil. Napatingin naman akong bigla sa pwesto kung saan nakaupo si Jean. Hays, Mabuti na lang talaga at wala pa siya rito tch. "Jackson ha! Hindi mo naman sinasabi sa amin na may gusto ka pala kay Jean! Ayiee!" Panunusot ni Alexander sa akin at muling tinusok tusok ang tagiliran ko para yata makiliti ako. Pasensya na lamang siya dahil walang epekto ang gawain niyang 'yon. "f**k you! Stop doing that s**t or else..." Pagbabanta ko sa kaniya kaya tinigilan niya na ang panunusok at pangingiliti sa akin. Napansin ko namang itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sume msurrender at tanggap na tanggap na ang pagkatalo. "Chill bro, chill! Hahahaha!" Awat nila sa akin habang hindi pa rin nawawala ang tawa nila sa kanilang mga bibig. Bryan Lee's Point of View: Malakas na mga sigawan at hiyawan ang sumalubong sa 'kin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng class room. Napansin ko naman na lahat sila ay nakatingin kay Jackson habang naghihiyawan pa. Ano ba kaya ang nangyayayari rito? Hmm. Hindi ko na lamang pa inintindi iyon at sa halip ay dumiretso na lang ako sa upuan ko at umupo. "Jackson ha! Hindi mo naman sinasabi sa amin na may gusto ka pala kay Jean! Ayiee!" Narinig kong pagnunukso ni Xander kay Jackson mula sa likod ko. Tsk, ang ingay naman ng mga taong ito! At tsaka, bakit kasali si Jam sa usapan nila? At ano 'yung sinasabi ni Xander kay Jackson na may gusto siya kay Jean? Tch. Teka nga Bryan?! Ano ba ang pake mo dun ha? Pero may pake ako kasi naririndi ako, ang ingay kaya nila no? Akala ko naman pagmamayari nila ang lugar na 'to hays. Maya maya pa na kung saan ay ilang minuto na ang lumipas eh napansin ko namang dumating na 'yung apat at pumasok na rito sa loob ng silid. Sina Ian, Avi, Vannessa.... at Jam lang naman ang ibig sabihin ko. Dahil do'n ay muling naghiyawan ang mga tao, napaka ingay nila lintek na 'yan! "Mendoza, hi daw sabi ni Jackson!" Scott "Bente uno raw Jean, walang titibag!" Vince "Ayiee!" Hiyawan ng iba naming kaklase. "Mendoza, kung kumain ka na raw? Date daw kayo ni Jackson hahaha!" Phoenix "Mendoza! Pinapakilala ko nga pala sa 'yo 'yung single naming tropa na si Jackson! Wawawa, ayiee!!" Alexander Malalakas na naman ang mga hiyawan nila gawa no'ng bagay na 'yon. Tiningnan ko si Jam at nangangamatis na siya sa pula. Psh, Nakakakilig na ba 'yon para sa kaniya? Ha? Ang easy naman pala nitong taong 'to hays. Padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko at dumiretso sa tambayan, mas maigi pa kasi ro'n eh tahimik at presko ang paligid. Pagkapasok na pagkapasok ko ro'n sa club ay kaagad ko namang nakita ro'n si Ethan pati si Layla, yung student council, na magkasama. Kaya pala hindi siya kasabay nila Ian kanina, may kalandian na namang iba. Ang sakit nila sa mata panoorin at sa tainga pakinggan sa tuwing naglalandian sila habang naguusap tch. Ito namang si Layla, masyadong kiti kiti. "Bro! Bakit ka nandito?" Tanong sakin ni Ethan habang nakaakbay pa rin kay Layla. Pansin ko ang pagkagulat sa kaniyang expression ngunit nawala din naman ito kinalaunan. "It's none of your f*****g business" Tanging sambit ko sa kaniya at umupo na ro'n sa may couch ko. Hindi na siya muling nagtanong pa gawa ng sinabi ko at ibinaling na lamang muli ang kaniyang pansin at atensyon do'n sa babaeng kalandian niya ngayon. Huwag ka sanang magka AIDS, pare ko. "Babe! I heard you are good in the subject algebra, would you like to replace my ex (X) without asking why (Y)?" Pambobola ni Ethan kay Layla. Psh mga kacornyhan nila ano? At tsaka, ang pointless ng sinasabi at lines niya. Sino ba naman ang taong nanaisin maging rebound? Sabagay, madami naman talaga ang nagkakandarapa sa lalaking ito haha. "You're so silly my baby! Of course naman 'no? I will" Sambit naman ni Layla habang nilalaro laro pa ang kaniyang buhok. "Really? I have something to say, well I'm kind of Bad at Physics" Sabi ni Ethan habang umarte na tila ba nalulungkot. Hay, kailangan pa ba niyang sabihin iyon? Mabuti pa nga at alam niya na bobo talaga siya. "What? But why? I'll help you okay? Top student yata ito ng campus natin? Haha" Proud na proud na pagkakasabi no'ng Layla purkit alam niya sa sarili niyang matalino siya at sipsip. "No need because even though I'm bad at physics, I can tell the intensity of the sparks in my eyes when they see you" Muling banat ni Ethan habang kumagat pa sa kaniyang labi. Muli, labis labis na naman ang kilig nitong kalandian niya. Ganiyan ba talaga ang mga nerd? Tuwang tuwa sa mga banat na ginagamitan pa ng utak? Psh. Mga moves ng gagong 'to eh 'no? Eh pusta ako na kinabukasan lang naman ay break na agad 'yang dalawang 'yan tsk. Napailing nalang ako at nagbuntong hininga. Bahala kayo r'yan, basta ako ay matutulog dito ng matiwasay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD