Jean Avril Mendoza's Point of View:
After those love birds hurt my beloved eyes and ears, dito ko naman itinuon ang pansin ko sa nangangamoy isdang new friends daw. Walang iba kung 'di sina Vannessa at Ethan. Pero teka, kelan pa sila naging close dalawa? Pati bakit para bang sila lang dalawa ang tao sa buong mundo at 'di nila napapansin na andito ako, haler?
Magkashare sila ng earphone tapos naglalaro pa ng thumb wrestling. Nakow! Mga pakulo nitong si Ethan, obvious namang gusto lang niya mahawakan ang kamay ni Vanny eh psh.r
"Eh 'di kayo na ang may partner at ako na ang single" bulong ko sa sarili ko at sinabukot ang mukha ko. Pumalumbaba na lang ako at idinikwatro ang hita ko.
Alam niyo ba, feeling ko rito sa upuan ko ay isang third wheel chair. Ako lang kasi ang walang kapartner tapos ako pa 'yonv nasa gitna. Ano ako nakiki third party? Pakulam ko sila isa isa r'yan eh. Sabihan niyo na akong bitter, hindi ko naman idedeny haha!
Maya maya pa ay dumating na rin ang class adviser namin kaya nagpatinag na 'yong apat sa paglalampungan at nagsipag tahimikan na. Wahh! Buti na lang at dunating 'tong matandang 'to kung 'di sasaksakin ko na talaga 'yong sarili ko sa kabitteran ko huhu.
"Good morning class, I'm your newest class adviser for this school year. Please just call me Mrs. Alfuentes and it's an honor to meet you all. So let's start" Sabi no'ng teacher naming mukhang strict and terror.
Nagsipagtayuan na kami at binati siya pabalik. "Goooooooood Mooorningggg Misis Alpuwentes!" Matamlay na bati sa kaniya ng mga kaklase ko at nagsiupuan na.
"Okay, so raise your hand and say present if you heard me call your name" Sabi Mrs. Alfuentes at nagsimula na siyang magtawag.
"Alas?"
"Present!"
"Aguilar" Si Ian.
"Present"
"Black"
"..." Hindi sumagot 'yong Black kaya muling siyang tinawag no'ng teacher namin pero wala pa ring sumasagot, absent yata siguro.
"Bla bla bla bla bla" Hindi na ako nakinig sa pagtatawag niya dahil ang tanging iniisip ko lang ngayon ay si King baby ko.
Kumain na kaya ang baby ko? Naligo na kaya siya? Baka binubully siya ni Andrei ha? Hmp! O kaya naman eh sobrang pagod na si— 'di ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong niyugyog ni Vanny.
"Best friend! Kanina ka pa tinatawag ni Mrs. Alfuentes! Tulaley ka na naman d'yn" Natauhan ako sa sinabi ni Vanny kaya tinaas ko na ang kanang kamay ko at sumigaw ng Darna...
Hindi, chos lang haha! Syempre "Present" ang sinabi ko hehe at hindi 'Darna'. Hindi pa naman ako bobita ng bongga no? Medyo pa lang haha at kaunti na lang eh mauulol na ako gawa ng mga katabi kong PDA.
After magtawag ni Mrs. Alfuentes, meron namang anim na lalaki ang mannerless na pumasok at naghanap sila ng mga bakanteng upuan.
Aba teka, si Jackson 'yon ah! Tsaka 'yong apat niyang kasama habang binubugbog 'yong lalaki months ago tapos ano 'to? Kasama rin nila si Bryan, 'yong kapatid ni Avi. Pero wait, 'di ba magkaaway ang dalawang 'to? Ano na kaya ang nangyari? My inner chismosa please.
"Stand up! The six of you NOW!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa classroom namin dahil sa sigaw ni Mrs. Alfuentes pero wala pa ring tumatayo miski isa sa kanilang anim.
"Ang titibay nila ah, feeling spoiled brats" bulong ko kay Vanny kaya napatingin siya sa 'kin at sinangayunan ang sinabi ko.
"I know right, akala mo may ari ng school lol" Napailing na lang kami dahil sa mga nangyayari tsk tsk tsk.
——
"At kailan pa kayo naging close ni Ethan ha?" Tanong ko kay Vanny habang kumakain kami. Lunch Break kasi ngayon kaya andito kaming tatlo sa cafeteria.
"H-ha?. Huwag na nga nating pag usapan yun! Nakakahiya kase hehe" at nahiya pa siya sa lagay na yun ha?
"Psh. I'll tell you this Vanny Girl. If Ethan says he likes you or something like that well don't take it seriously. He's an effin casanova, a f*****g loser." Napatango na lang ako sa sinabi ni Avi at tinutukan ng tinidor si Vanny.
"Plus he is a certified womanizer. Lahat kasi ng bagay ginagawa niyang basketball at kapag naka shoot na siya sayo ng three points? He will run away agad at take note, mas mabilis pa kay Flash ang pagtakas sa responsibilities " dagdag ko pa sa sinabi ni Avi at muling sumubo ng carbonara.
"You're effin right girl!" Ani ni Avi at nag apir kaming dalawa.
"Hays. Tumigil na nga kayong dalawa sa sinasabi niyo! I'll never fall for him no? May Yuan na kaya ako" Nakatungong saad ni Vanny.
Kows, in denial pa siya eh sobrang obvious naman na isa siya sa mga babaeng pinagpapantasyan ang nagiisang Ethan Rodriguez ng East High. Bad move girl.
"Speaking of" sambit ni Avi.
Nakita ko si Ethan, Ian, at Bryan na papalapit sa table namin at may dala dala pang mga tray ng pagkain.
"May I join you girls?" Flirty na pagkasabi ni Ethan sa amin pero yung totoo? Kay Vanny lang naman nakatingin. Psh! Pektusan ko tong dalawang to eh.
"No you can't!" Pagsusungit ni Avigail kay Ethan at inirapan ito. "But Ian Aguilar can hihi" Ngumiti lang si Ian at tumabi kay Avi.
Hindi na lang pinansin ni Ethan si Avigail at kusa itong tumabi kay Vannessa. Hay, what a flirt! Buti na lang hindi gano'n ang King Baby ko hihi.
"Hoy kayong dalawa! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha? Tch" epal sa kanila nung kapatid ni Avi na si Bryan at pumagitna sa mga ito.
Sinusubuan kasi ni Avi si Ian ng lasagna tapos si Ian sinusubuan din si Avi pero ng waffles naman. Hay nako, mga bata pa sila na need pa pakainin? Or mga disable na walang kamay jeez.
"Kuya you are so epal! Have your own fling na kase! Nandan naman si Jam oh! Dun ka nga sa tabi niya! Chupi!!" Taboy ni Avi sa kuya niya. At talagang nadamay pa talaga ako ha? Psh.
"Whatever" Hindi parin nagpatinag si Bryan at sinumulan nang kumain. Kung nakikita niyo lang silang tatlo siguradong matatawa kayo haha!
Paano ba naman kase yung mukha ni Avigail parang sasabog na sa inis. Siguro kung ganan lang din si kuya sa 'kin eh matagal ko nang napatay yun! Haha chos!!
Bangayan lang silang bangayang tatlo tapos etong dalawang nasa tabi ko naman? Ang sweet sweet. SOBRA! I'm Jean Mendoza And this is my life as a Third wheel.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil sa panahong ito, tanging ang pagkain ko na lang at si King Baby ang nagpapasaya sakin, wala nang iba.
"Enebe Ethan, May kiliti ako dan hihi" Vanny. Psh etong bestfriend ko namang ito napaka pabebe! Hampasin ko to ng kawali eh.
"KUYA LUMAYAS KA NA NGA!! NAPAKA EPAL MO TALAGA KAHIT KAILAN ARRRGHHH" Avi.
"Blah blah blah blah" Bryan.
"URRRRGGGHHHHHH!! I HATE YOU SO MUCH!! SCREW YOU GRRRR"
"Hhsavhajajsodlfjsjlwl" Hindi pa din tumitigil sa panunusot si Bryan hanggang sa napuno na Avi at padabog itong tumayo with matching hampas pa sa lamesa kaya napatingin kami sa kaniya.
Nakakatakot ang aurang pumapalibot sa kaniya ngayon ha. Hindi mo talaga aakalaing ganito mainis ang isang Avigail Lee. Sobrang sama ng tingin niya sa kuya niya at para bang sinasaksak niya si Bryan sa kaniyang isipan. What the fudge? Hahaha.
Umalis na siya sa pwesto niya at hinila si Ian papunta dun sa bakanteng upuan sa dulong table.
"Let's go" sambit nito kay Ian at lumayo na silang dalawa.
Pero dahil sa sadyang pinanganak na pagkaepal si Bryan, tumayo din siya at sumunod dun sa dalawa. Psh
"Ahihi Ethan nemen eh!" Pwe!
Bigla akong napabalik sa realidad nang marinig ko ang pabebeng boses ng bestfriend ko. Napailing nalang ako at binilsang kumain. Kakasuka naman yung dalawang yung tch.
Nang maubos ko na yung Carbonara ko at isang large sized Root Beer ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinunasan ng tissue yung palibot ng labi ko baka kase may amos, Alam niyo na baka pagchismisan pa tch