21

1074 Words
Vannessa Sanchez 's Point Of View. "I'm not! Nakikinig lang kami sa music oh! Tch" angil ni Ethan sa 'kin at tinuro 'yong earphone na nakasuksok sa tainga namin. "Psh. Your moves sucks! Go away and look for another chair to seat on kaya no? I'm going to sit beside Vanny kasi hihi kaya alis d'yan jerk!" pangaaway ni Avi at pilit na hinihila si Ethan papalayo sa tabi ko. Teka nga. Don't tell me, kaklase namin ang nagiisang Ethan Rodriguez? Wahh! Hindi ko na kakayanin huhu makasama pa lang at makita siya for an hour hihimatayin na ako sa kilig, paano pa kaya kapag 10 months? Jusko Lord, help me! Hindi na lumaban pa si Ethan at kaagad na sinunod ang utos ni Avi. Tinanggal niya 'yong earphone at umupo r'on sa bakanteng upuan katabi ni Jam. Ano ba 'yan! Si Avi kasi eh! Nasira tuloy 'yong kilig moment ko with Ethan huhu. Napaukit ang malungkot na labi sa aking mukha dahil sa nangyari. Napansin ko namang umupo na si Avigail sa tabi ko at binigyan ako ng isang malawak at matamis na ngiti. "Good Morning, Vanny! Good Morning, Jam!!" Masigla niyang bati sa amin at umayos ng pagkakaupo sa kaniyang beloved chair. "Good Morning!!" Bati ko pabalik at ngumiti rin. "Walang masaya sa umaga kaya 'Morning' lang ang ibati mo sa akin at hindi Good Morning" Walang buhay na ani ni best friend at muling pumalumbaba sa kaniyang desk. "Tch. I don't care" Sabi ni Avi at binaling ang atensyon sakin. "Anyways, what's the effin music you are listening to Vanny?" Tanong niya at pinunasan 'yong earphone na nasa tainga ni Ethan kanina bago isuot. Well, hindi ko naman siya masisisi hahaha dahil she's just being hygeinic lang naman. Who knows baka may luga 'yong si Ethan no? Joke. "This song sounds familiar. Who sang it?" Tanong niya habang nakikisabay sa hymn ng kanta. "Why so lonely by Wonder Girls" Sagot ko sa tanong niya ngunit tanging pag irap lamang ang natanggap kong tugon sa kaniya. "I just asked about the singer not the title of the song kaya" Sambit nito. Napatikom ako 'ron ah hehe. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jam kaya nilingon ko siya. "Ohh! Burn" Sabi niya at gumawa ng tunog na parang 'pop' gamit ang kaniyang labi. "Hmp!" Maya maya pa ay dumating na si Ian at tumigil sa tapat ni Avi. Nakita ko ang pagbabago ng aura ni Avigail dahil dumating na ang kaniyang knight in shining armor. "Oh my twinkle twinkle little star! Hi Ian! Best morning!!" Masigla niyang bati at kasabay ng sabihin na nating pagpapacute. Ang isang 'to talaga haha inam! "Best Morning din, Avi!" "Vanny go seat to Jam's right side please huhu bili gusto ko lang kasing tabi kami ng Baby Ian ko" bulong sa 'kin ni Avi habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ian. "Hmm, no need to change seats haha. Roon na lang ako" Aalis na sana si Ian nang bigla siyang hilahin ni Avi. "No! Seat beside me. Aalis na naman si Vanny eh *Tingin sakin* diba?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa inaasta niya, nakakakilig kaya no? G na g siya eh hihi. "Yeah. You can take my seat, I'll just occupy the vacant one" Sabi ko na lang at tumayo na sa upuan ko. Sadyang malakas talaga ang tama ni Avi kay Ian no? Haha. Naghanap ako ng bakanteng upuan na malapit kay Jam pero ro'n na lamang sa pinakadulo ang bakante. OMG katabi ko si Ethan wahh! "M-may nakaupo ba rito?" Tanong ko kay Ethan na naglalaro ng basketball sa cellphone niya. Itinuro ko 'yong upuang nasa kaniyang tabi at tinignan naman namin iyon pareho. "Ah wala. Rito ka na lang sa upuan ko para r'yan na lang ako sa tabi haha" alok niya kaya nag 'thank you' naman ako. Bali ang nangyari, ganito na 'yong final seating arrangement na-- hindi ko natuloy ang sinasabi ko sa sarili ko dahil may isang batang biglang nagsalita. "Ahmm.. Ian palit tayo ng chair. I want to seat next to Jam eh please??" Request ni Avi at nagpuppy eyes kay Ian. No one can really resist Avi's cuteness naman kasi talaga eh kaya ayon nagpalit na sila ng upuan ni Ian, ang ending magkakatabi pa rin kaming tatlo hihi. So ito na talaga ang seating arrangement namin, final na. Si Ian, Avi, Jam, Ako, and si Ethan ro'n sa may bandang dulo. Oh 'di ba? Para kaming couple couple rito sa row na 'to and si best friend ang dakilang third wheel sa amin. Nakakainis kasi 'yan, no boyfriend since birth ba naman! Pero ito na nga, katabi ko si Ethan Rodriguez! Sobrang saya ko talaga ngayon kyahh! Jean Avril Mendoza 's Point Of View. Hays ano ba naman 'yan! "Walang forever!" Bulong ko sa sarili ko habang pabalik balik ang tingin sa dalawa kong katabing naglalandian. Yung dalawang love birds na si Avi at Ian malapit nang lapitan ng langgam sa sobrang sweet at kacornyhan at the same time sa isa't isa. Jusko, kaya wala sa isip ko ang magka nobyo eh baka mamaya kapag banatan ako ng sweet worda eh banatan ko ang mukha kapalit sa sobrang pagka cringe. Naiimagine ko pa lang ang mga mangyayari eh naduduwal na ako sa sobrang pagka cringe, yuck! Pero mas nakaka cringe ang dalawang love birds na ito, pano ba naman kasi 'yong banat ni Ian kay Avi ay sobrang laos na. Ang daming guys na ang nagsabi sa akin no'ng lines na 'yon and sa lahat ng nililigawan nila ay nagamit 'yon haha. Halos wala nang sincerity, google yarn? "If you'll ask me to rate you one to ten, I will rate you nine. Do you know why?" Ian to Avi. "Nine out of ten lang? Bakit naman gano'n lang 'yong rate mo sa akin? *pout* nakakainis naman 'to kinulangan pa ng isa. Okay hindi mo naman talaga ako love, thank you sa lahat huhh" malungkot niyang sabi. Kasusot ah. "Nine out of ten because I'm the only one you need, I'm the one who will complete your missing piece, my love" banat nito sabay kindat naman do'n sa isa. Si Avi naman? Ayon, hihimatayin na sa kilig. Psh! Mas okay pang magka Ebola virus na lang ako kesa sa gano'ng nga katangahan and cringe moments ng magjojowa eh haha. Hindi kaya nakakakilig 'yon 'di ba? Nakkadiri kaya! Lublob ko sila sa kubeta eh eww.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD