20

1256 Words
Vannessa Sanchez 's Point Of View. "Hi, best friend!" Masigla kong pagkaka bati kay Jam pagka pasok na pagka pasok niya sa sasakyan dahil muli namin siyang sinundo sa kanila kasi gusto kong magkasabay ulit kaming papasok today. Well, not just today lang naman eh hehe gusto ko magkasabay kami until matapos ang school year na 'to. "Hello duckling" Walang buhay na bati naman niya sa akin pabalik at sinara 'yong pintuan ng kotse, what happened to her kaya? Mula sa paglalakad niya patungo rito sa kotse hanggang sa pagpasok niya eh pinagmamasdan ko lamang siya lalo na't feeling ko she's not feeling well. Nakita kong umupo na siya ng maayos kung kaya naman ikinawit ko ang braso ko sa braso niya upang mapagaan ang loob niya kahit papaano. Nakangiti akong dumikit sa kaniya at muling tinignan ang kaniyang mukha ngunit ang tanging nakuha ko lamang ay ang kunot noo niyang pagtingin sa akin. She's always like that naman eh, she's like lolang menopause na because of being always mainitin ang ulo pero since matagal na kaming close and magkasama, sanay na ako sa ugali niya that's why I'm not taking Jammy's kasungitan seriously kase deep inside, bubbly rin naman siya and mabait. Pagkatapos niya kong tignan ng isang kunot noong tingin, ang tanging binigay at pinakita ko lamang sa kaniya ay isang sobrang tamis na ngiti. Ugh, sobrang cute mo talaga tignan self huhu "Problema mo?" Masungit niyang pagkaka sabi at pumalatak ng 'di gaanong malakas ngunit 'di rin gaanong mahina hehe katamtaman lang gano'n. Napanguso naman ako dahil sa nangyari. Kumalas na ako mula sa pagkakakawit ng braso ko sa kaniyang balikat at umayos ng upo. I need to relax my self, bawal kasi akong sumabay sa init ng ulo nitong si best friend dahil kapag ako ang mainit ang ulo eh siya rin naman itong kakalma upang pagaanin ang loob ko. Kabisado na namin ang isa't isa kaya naman alam na alam ko na ang ugali ng isang 'to lalo na kapag siya ay badtrip or mainit ang ulo. "Wala. Kinikilig lang ako no? Haha. May naisip kasi akong kilig moments with baby Yuan hehe" Sagot ko sa katanungan niya at ibinaling ang aking tingin sa bintana. "Ang sabihin mo ay naiihi ka lang. Sino naman ba ang magpapakilig sayo ha? Ambisyosang b***h tsk hahaha!" Sambit niya sabay tawa ng malakas kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Hinampas ko siya sa kaniyang balikat sabay sabi ng "Napaka harsh mo talagang magsalitang bruha ka huhu!" at hindi ko pa rin siya tinitigilan sa paghampas. "Aray ko naman! Iuuntog na kita sa wind shield tignan mo kapag hindi ka pa tumigil d'yan kakahampas sa akin. " Pananakot niya sa akin at tinuro 'yong wind shield na nasa harapan naming tatlo, tatlo dahil kasama 'yong driver syempre. "Eh ikaw Kasi eh!" Ani ko at nagpout. "Aish! Tumigil ka na nga r'yan sa pagpout! Hindi ka kaya cute ano? Mukha kang bibe girl! Baka mamaya pagkamalan ka lang na leader ng tatlong bibe hahaha" Panunukso pa niya sa akin sabay tawa. Inirapan ko na lamang siya at kinalaunan eh narinig ko na lamang siyang biglang kantahin ang nursery rhyme na 'Tatlong Bibe'. I'm not sure kung 'yan ang title no'ng song hehe hindi ko na kasi masyadong tanda but merong ganito sa lyrics 'may tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe' ganiyan. "Napakasama mo talagang babae ka huhu!" Sigaw ko sa kaniya at nag crossed arms. Sinususot lang niya ako ng sinusuot sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa school. Oh 'di ba? Pagkatapos niyang mabadtrip eh ako naman ang kaniyang pupuntiryahin, sobrang lakas kaya ng trip ng best friend kong 'yan hays. Bumaba na ako sa right door ng kotse samantalang sa left door naman si Jam. Hinintay ko siyang makalapit sa akin bago kami pumasok sa loob. As usual, lahat na naman ng atensyon nila ay nakatuon sa amin. Hindi nalang namin iyon pinansin ni Jam at nagpatuloy na kami sa paglalakad tungo sa classroom namin. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. "Hoy! Ano ba ang ginagawa mo r'yan ha?" Naiiritang tanong sa akin ni Jam at tinaasan ako ng kilay. "Kabado lang ako kasi syempre, makikilala na kasi natin 'yong totoo nating mga kaklase" paliwanag ko at nag breathe in, breathe out na muli pangpa tanggal ng kaba. After hundreds of steps, nakarating na rin kami sa tapat ng aming beloved classroom. Char, hindi beloved ang kalat nga eh joke. Pagkarating namin ay naabutan naming nagbabatuhan sila ng crumpled paper at paper airplane, 'yong iba naman ay nagchichismisan at nagsisigawan, may mga nagwawala pa nga eh haha tapos 'yong iba ay tila ba walang pake sa mundo. May mga tulog, nagbabasa ng libro, naglalaptop at nagcecellphone. Napailing na lamang ako at pumasok na lang kami sa loob. Sandaling natahimik ang mga studyante at napatingin sa amin dahil baka siguro eh naninibago pero hindi pa nagtatagal ay bumalik ulit sila sa kani kanilang ginagawa. Nauna nang umupo si Jammy sa vacant seat do'n sa last row kung kaya naman sumunod ako sa kanya at umupo naman do'n sa may left side niya. Bale ganito ang pagkakaayos ng seating arrangement namin: vacant, ako, Jam, vacant, and vacant. Kumabaga parang kagaya lang din no'ng arrangement namin do'n sa third floor at ang tanging nag bago lang ay nagkaroon ng bakanteng upuan dito sa tabi ko. Teka, hindi pala siya bakante! Merong bag na nakalagay ro'n at kung hindi ako nagkakamali eh lalaki ang nakaupo rito. "Ano ang iniisip mo r'yan, best friend?" Tanong sa akin ni best friend ko habang ini istalk yung i********: ni King, member ng boy band na Spade. "Uhmm ano, akala ko kasi bakanteng upuan 'tong nasa tabi ko pero may nakaupo pala haha. Grabe, na wow mali ako ro'n ni Joey hehe." sagot ko sa katanungan niya. Hindi na muling nagsalita pa si Jam kaya ang tanging naririnig na lamang sa loob ng silid ay ang pagwawala ng mga magagaling naming kaklase. At dahil sa kaawkwardan at kakabahan na nararamdaman ko ngayon, kinuha ko nalang ang cellphone ko. Sinuot ko 'yong earphones ko at nagpatugtog habang nakikichismis sa newsfeed ng Twitter ko. Music Playing: Oh Nana by KARD Habang nakikisabay ako sa kanta, naramdaman ko namang biglang may humigit ng earphone ko sa bandang right ear ko. Agad nitong nakuha ang atensyon ko kaya naman tiningnan ko kung sino 'yon ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko. "Oh my gulay!" Sigaw ko sa utak ko dahil bawal niyang marinig sabay tungo. Nararamdaman ko na kasi 'yong pagkainit ng pisngi ko, feeling ko nangangamatis na ako ngayon sa pula huhu Lord help me ayoko ng ganitong nakakahiya. Kyahh! "Mahilig ka sa korean song?" Tanong niya sa 'kin. Tumingin ako sa kanya at dahan dahang tumango. "Y-yeah" nauutal kong sagot at lumunok ng laway. Umupo siya sa tabi ko at niyapos 'yong bag na nasa upuang katabi ko. "Ikaw 'yong nakaupo r'yan?" Tanong ko sa kaniya. He smiled at me and he slowly nodded bilang kasagutan. Napa 'ahh' na lang ako at umayos ng pagkakaupo. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko ngayon, kikiligin din kayo. Pano ba naman kasi, magka share kami sa earphone habang nakikinig sa isang musika. Hanggang ngayon, dinaramdam ko pa rin 'yong moment namin. Nakalipas na rin ang limang kanta nang biglang may humampas sa ulo ni Ethan. "Aray!" Daing niya. Tiningnan namin pareho si Avi na na ansama ng tingin kay Ethan at naka pamewang pa. Psh, storbo naman siya sa moment hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD