Jean Avril Mendoza's Point of View:
Ako 'yong tipo ng babaeng may mood pagdating sa kasamang bata, ayoko sa mga maligalig kaya kapag iyakin ka, naku! Iiwanan nalang kitang magisa r'yan haha at hahayaan kita maguuungot. Wala nang space sa playground kaya naman umalis nalang ako at pumunta sa sikat na Ice Cream Parlor dito sa amin.
"Good afternoon, Mam! Welcome to the 'I Scream' shop!" Masiglang bati no'ng security sakin at pinagbuksan ako ng pinto, ang cute ng mga ganitong worker haha ang sigla kaya naman binati ko rin siya pabalik at tuluyan nang pumasok sa loob.
Lumapit na ako ro'n sa counter at sinabi 'yong flavor na gusto ko. "Coffee Crumble 'yong Ariana" Sabi ko at inabot na 'yong limang daang piso na bigay ni Mama.
Kung napapansin niyo bakit 'Ariana' 'yong size, grande kase haha weird nga ng shop pero ayos lang sarap naman ng mga ice cream nila. Nakita ko kung paano sinerve no'ng lalaki 'yong ice cream, inabot na niya 'yon sakin pagkatapos niya ayusin kasama 'yong sukli at tissue.
"Thank you for coming, miss" may pagka flirt niyang pagkakasabi sa akin at kinindatan pa ako, yuck karidi! Inirapan ko nalang siya at lumabas na ng shop.
"Lintek na lalaki 'yon ah! Makakindat akala mong pogi bwiset!" Reklamo ko sa kawalan at sumubo na ng ice cream.
"Apangit pangit naman,wala siyang binatbat kela Song Joong Ki. Kakasira ng araw peste!" Reklamo ko pa at muling sumubo ng Coffee Crumble flavored ice cream. "Yummy!"
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa basketball court, umupo muna ako sa isang malinis na bench nang biglang may marinig akong kalabog kaya hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog na 'yon. Sa pagkakaalam ko ay nagmula 'yong kalabog sa likod ng bench na inuupuan ko kaya pumunta ako ro'n dahil sa pagtataka.
Pagkarating ko roon ay may nakita akong limang lalaking nakikipagsuntukan, nakakatakot silang panoorin dahil sobrang seryoso ng kanilang mga mukha at dahil sa nanginginig na ako sa takot, nagtago ako ro'n sa tabi habang pinapanood pa rin sila. Hindi ko alam sa sarili ko pero para akong napako sa kinatatayuan ko
'Yong gusto kong tumakbo pero hindi ako makagalaw, gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko magawa. Hanggang ngayon pinapanood ko pa rin sila. Nakakaawa na 'yong lalaki, namamaga na 'yong mukha niya. Gusto ko siyang tulungan kaso baka mamaya madamay ako sorry po kuya.
Maya maya pa ay may narinig akong sipol mula sa mga tanod kaya naman mabilis na nagsipag takbuhan na 'yong 5 lalaki. Rito sila dumaan sa direksyon ko, pinanood ko silang umalis isa isa hanggang sa biglang tumigil 'yong lalaki sa tabi ko at hinila rin ako papalayo kasabay ng kanilang pagtakbo.
Takte 'yan! Bigla kong nabitawan 'yong ice cream ko dahil sa hila hila pa rin niya ako, takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapadpad kami sa isang abandonadong lugar. Kaming dalawa nalang ang nandito, wala na 'yong apat niyang kasama. Kinalas ko yung pagkakahawak niya sakin at tinignan siya.
Ang gwapo! Para siyang koreano na kapantayan nila Kim Hyun Jung shete, 'yong labi niya sobrang kissable tapos 'yong mata niya parang nagt twinkle tapos 'yong ilong niya sobrang tangos huhu parang ang perfect niya grabe.
Teka mali! Mali 'to Jam! Masamang tao 'yang kasama mo at nakita mo naman 'di ba kung paano niya pinagsusuntok 'yong lalaki kanina. Napansin ko namang nakatingin siya ngayon sa akin, nanggagalaiti siya sa galit at sobrang sama ng tingin. Tch! Oppa na sana kaso masama lang ugali.
"B-bakit mo ba ako dinala rito?" Tanong ko sa kanya.
Pinipigilan ko ang takot na nararamdaman ko habang nakatingin pa rin sa kaniya, sunod sunod ang paglunok ko ng laway, mukha palang ulam na wahh!
"Sino ka?!" Galit niyang tanong sa akin.
"Ba- bakit ko naman sasabihin sa 'yo ha? Hindi naman tayo close"
"f**k!" Mura niya at hinawakan ako ng mahigpit sa braso, ang sakit ah!
"Bitawan mo nga ako! Bakit mo ba ako dinala rito ha?!" Galit kong tanong doon sa lalaki habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin. "Aray! Ano ba?!" Pagrereklamo ko dahil mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit.
"Tell me, sino kang babae ka?! Kasabwat ka ba ni Lance?" Lance? Sinong Lance?
"Ano ba ang sinasabi mo ha?! At tsaka pwede ba, bitawan mo nga ako! Kung makahawak ka naman akala mo close tayo, Feeling ka ha? FC ka FC?" Pagrereklamo ko sa kaniya, aba naman 'to! Napaka inosente ko kayang tao tapos idadamay niya ako sa gulo nila?
"f**k!" Mura siya ng mura. f**k siya ng f**k, may saltik ba 'to sa utak?
"Isa ka ba sa grupo nila? Gangster ka din ba?" Tanong niya at this time medyo niluwagan na niya ang pagkakahawak sakin.
"Gangster? Ako? Pinagttripan mo ba ako lalake?! Abnormal ka ba ha? Kung ako sa 'yo, Tigil tigilan mo na ang paggamit ng shabu habang maaga pa! Andami na ngang salot na adik sa lipunan dadagdag ka pa!" Sigaw ko sa kanya at inagaw 'yong braso ko, lintek na 'to!
"f**k?! Hindi ako adik" Masungit niyang pagkakasabi habang tingin pa rin ng tingin sa paligid, gawa siguro nung mga barangay tanod tch.
"Hoy! Bayaran mo yung ice cream na natapon kanina! Peste ka ah! Magaadik ka na nga lang idadamay mo pa ang nananahimik kong buhay!"
Sinamaan niya ako ng tingin at hinila ako papaalis. Lanjo?! Kanina pa niya ako hinila ng hinila ah! Pasalamat siya at pogi siya hmm charot!
Kita ko naman sa kaniyang mukha ang labis na pagkainis dahil na siguro sa pagbubunganga ko sa kaniya, aba'y natural lang ano? Sino ba naman ang hindi maiinis kung bigla biglang may manghahatak sa 'yo at parang tangang itatanong kung gangster daw ba ako.Totoo pala talagang nagha hallucinate ang mga adik sa droga no? Hay nako proven and tested hahaha.
Sinamaan niya lamang ako ng tingin sabay hila sa akin papaalis. Lanjo?! Kanina pa niya ako hinila ng hinila ah! Pasalamat siya at pogi siya hmm charot!
Takbo lang kami ng takbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng adik na ito. Gusto ko mang kumawala mula sa pagkakakapit niya sa akin ay hindi ko magawa dahil sobrang lakas ng kaniyang pwersa, ni hindi ko nga mabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Hindi ko napansin na huminto na pala siya kaya napasubsob ako sa likod niya, masakit 'yon ha!
"Aray ko naman!" Reklamo ko at hinimas himas ang aking ilong na napatama sa kaniyang matigas na likod, bwiset.