Jean Avril Mendoza's Point of View:
Takbo lang kami ng takbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng adik na ito. Gusto ko mang kumawala mula sa pagkakakapit niya sa akin ay hindi ko magawa dahil sobrang lakas ng kaniyang pwersa, ni hindi ko nga mabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Hindi ko napansin na huminto na pala siya kaya napasubsob ako sa likod niya, masakit 'yon ha!
"Aray ko naman!" Reklamo ko at hinimas himas ang aking ilong na napatama sa kaniyang matigas na likod, bwiset.
Napailing na lamang ako at huminga ng malalim pero biglang nawala ang pagkainis ko ng bahagya dahil bigla kong naamoy ang kaniyang damit. Infairness ha, ang bango ng isang ito haha amoy mayaman mga sis! Dahil sa amoy niya, nagmumukha siyang disenteng tao.
"Tapos ka na bang amuyin ako?" Emotionless niyang pagkasabi kaya bigla naman akong natauhan sa sinabi niya.
Napanguso na lamang ako sabay ayos ng tayo, hinawi ko naman ang aking buhok at hinawakan ang aking tuhod dahil nakakaramdam na ako ng pagod mula sa pagtakbo. Grabe siya ha, hindi man lang sinabi na isasali pala ako sa track and field.
"Nasan ba kasi tayo?" Pagrereklamo ko habang tumitingin sa paligid dahil kinikilatis ko ang lugar kung nasaan kami pero hindi ko talaga alam kung saan 'to.
"Tumahimik ka na nga! Kanina ka pa daldal ng daldal diyan. Hindi ka ba naririndi sa bunganga mo babae?" Mataray niyang pagkakatugon, edi wow lodi.
"Tch! Eh ikaw kasi, hilahin mo ba naman ako at dalhin kung saan mang lupalop ng mundo t tsaka haller? Hindi kaya tayo magkakilala no? Malay ko kung masama ka palang tao O kaya naman ay naghahanap ka rin ng seven brides o kaya isa kang goblin tapos akala mo ako 'yong bride mo eh hindi ko naman nakikita 'yong espadang nakasaksak sayo! O kaya member ka ng ISIS tapos hinila moko para.. r**e-in? Wahh!" Pagpapanic ko.
Kung saan saan na naman ako dinadala ng imagination ko, sorry po huhu ayoko na talagang manood ng dramas haha pero ayos lang boto pa rin ako kay Suho sa True Beauty hehe. Buti nalang at natapos ko na 'yong webtoon bago ko mapanood 'yong drama walanjo kahit iba 'yong mga scenarios sa live action eh okay lang haha pogi naman sila pareho ni Seojun hihi.
"Ano bang sinasabi mo?! Hindi ako masamang tao okay? Tch" Sabi niya na lamang at umupo sa isang sulok kaya tumabi nalang din ako sa kaniya.
Nakakapagod kayang tumakbo at isa pa hindi naman daw siya masamang tao, mukha lang. Sus! asa naman, madaming ganiyan haha minsan papaniwalain ka nila sa mga salita tapos kasinungalingan lang naman pala mga binabanggit. Ulol pakyu.
"Teka, ano ba ang pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya habang hinahabol ko ang hininga ko.
"..."
Okay nice talking, sabi ko nga hindi niya ako papansinin hays. Sorry okay? hindi ko talaga kaya ng walang kausap at tsaka wala namang masama kung tatanungin ko ang pangalan ng isang 'to hindi ba? Napailing na lamang ako at muling nagisip ng pwedeng panimula ng aming paguusap na dalawa.
"Uhm , bakit mo -- I mean, bakit niyo binubugbog 'yong lalaki kanina? Nakakaawa naman siya hehe, mind to share? Salita ka naman kuya, ang awkward ng atmosphere eh." Dagdag ko pang katanungan.
"Kapag ba sinabi ko sa 'yo maniniwala ka?" Aniya at tumingin sakin na para bang naghihintay ng sagot ko, nilunok ko naman 'yong laway ko at dahan dahang tumango. "Ano muna ang pangalan mo at saan ka nakatira?" Dagdag niya pa sa kaniyang sinabi.
Sus, no'ng ako 'yong nagtatanong ayaw niyang sagutin tapos ngayon siya naman ang magtatanong sa akin ng ganon. Napaka paepal talaga hmp.
"Ha? Bakit ko pa kailangang sagutin 'yan"
"Dahil baka kapag sinabi ko sa 'yo ang dahilan bigla mong ipagkakalat sa iba kaya kapag nangyari 'yon, alam ko kung sino ka at kung saan ka nakatira para kikidnapin nalang kita at hihingi ako ng ransom pantubos sa magulang mo " sarkastiko niyang pagkakasabi sa akin.
Ay wow joker naman pala, kahit naman kidnapin niya ako eh hindi ako tutubusin ng nanay ko hahaha. Kunin mo nalang ako please char.
"Okay, okay. Ang pangalan ko ay Jean Avril Mendoza pero tinatawag nila akong Jam para maiksi. If nagtataka ka kung saan nakuha 'yong Jam, nagmula 'yon sa initials ng pangalan ko. Nakatira naman ako sa Hillary Village Phase 6 Block 8 Lot 29. Ano okay na ba? Ikaw naman, baka gusto mo pang hingiin pati birthday at cellphone number ko hehe baka lang naman looking for textmate lang koya hehe charot"
"Tsk, ang daldal mo miss. Ganito makinig ka, ako ang leader ng Black Elite, rank 1 sa pinaka magaling na grupo ng Gangsters at--" Hindi niya natapos 'yong ikukuwento niya dahil bigla akong napatawa ng sobrang lakas.
"AHAHAHAHA! Gago amputa, gangster talaga? Seryoso ka ba? Pfft-- HAHAHAHA bobo" Siraulo ba siya? Mukhang hindi naman totoo 'yong mga gangster, sa w*****d ko lang 'yon madalas na naririnig at ni isang beses ay wala pa akong naeencounter na ganon sa totoong buhay.
Ang alam ko lang na feeling gangster kuno raw dito ay 'yong mga hypebeast. Binigyan ko naman siya ng tinging hindi parin ako nakukumbinsi sa mga pinagsasasabi niya, anong gangster ganster siya r'yan? Tangina niya adik!
"Kung ayaw mong makinig eh 'di huwag, ayokong magaksaya ng oras para sa katulad mo" Masungit niyang pagkakasabi at pumikit.
Edi 'wag ha! Feeling ka naman bwiset pero sige na nga makikinig na ko para may sense naman ang pagtatago namin kahit na papano.
"Oo na, sige na. Ituloy mo na ang kinukwento mong Gangster thingy na 'yan at makikinig ako" Sabi ko na ikinamulat ng mga mata niya.
"Pilitin mo muna ako"
"Puta ka, bilis na kasi!"
"Ganito, 'yong lalaking nakita mo kanina ay masamang tao. Nagbabalak siyang pasabugin ang lugar na 'yon at mabuti na lamang ay nahuli namin siya dahil kung hindi ay malamang madami ang mamamatay at kabilang ka na ro'n" Paliwanag niya.
Napanganga na lamang ako sa sinabi niya ng ilang segundo at napailing ng bahagya, so ang sinasabi niya may masamang intention 'yong lalaki kanina at mabuti na lamang ay nakita nila kundi eh patay na siguro ako ngayon. Wow savior, ikaw na yata ang soulmate ko lods.
"Ahh okay so thank you? Pero may kasalanan ka pa rin sakin. Natapon 'yong ice cream ko gawa mo kaya palitan mo 'yon s**t ka!" Angil ko sa kanya at tumayo.