Jean Avril Mendoza's Point of View:
"Ahh okay so thank you? Pero may kasalanan ka pa rin sakin. Natapon 'yong ice cream ko gawa mo kaya palitan mo 'yon s**t ka!" Angil ko sa kanya at tumayo.
Kunot noo naman siyang tumingin sa akin at nagbuntong hininga, tumayo na rin siya at nagsimula nang maglakad. Hala, aalis na ba siya? Gagi wala akong alam sa lugar na 'to kaya bawal niya akong iwanan huhu.
"Oi! Teka lang, hintayin mo naman ako! Hindi ko alam kung nasan tayo ngayon huhu" sigaw ko at tumakbo patungo sa kanya.
Tumingin siya sakin at huminto kaya napahinto na rin ako. "May problema ba?" Nagaalinlangan kong pagkakasabi sa kaniya.
Wala siyang reaksyong tumingin sakin at.. "Aray!" Reklamo ko. Pano ba naman kasi, Bigla niya akong pinitik sa noo tsk.
"Nananadya ka ba ha?! Suntukan nalang ano?"
Hindi niya ako pinansin at naglakad pa rin ng naglakad kaya no choice ako kundi ang sundan siya, malapit nang mag gabi kaya nakaramdam na ako takot. Hindi kasi ako sanay sa labas ng bahay ng mga ganitong oras kaya naninibago ako and at the same time ay kinakabahan dahil ang dami kong napapanood na ganitong scenarios sa TV tapos biglang kikidnapin huhu.
"Hoy, teka lang..." Mahina kong sabi sa kanya at hinigit 'yong manggas ng damit niya, tumigil siya sa paglalakad at humarap sa kin. "Natatakot ako, hindi kasi ako sanay umuwi ng mag isa lalo na kung gabi. P-pwede mo ba akong ihatid sa amin? Isa pa, hindi ko rin alam 'tong lugar na' to eh. Please?"
"K" tanging reply niya na ikinatuwa ko.
Hindi ko Alam pero kusang kumilos ang katawan ko para yakapin siya.
"Salamat"
---
Habang natatanaw ko na ang bahay, unti unti namang gumagaan ang loob ko sa lalaking kasama ko. Akala ko likas na masama ang ugali niya dahil sa nasaksihan ko kanina pero medyo mabait din naman pala siya, sadyang judgemental lang ako haha.
"Uhm, ano... salamat sa paghatid" pasasalamat ko at nginitian siya ng matamis.
Ginulo lang niya ang buhok ko at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya. Tumalikod na siya sa akin at sinimulan nang maglakad papalayo, unti unti na rin siyang nawala sa paningin ko hays sino kaya 'yon ?Binuksan ko na 'yong gate sa labas ng bahay at pumasok na sa loob.
"Ma! Nakauwi na ko" Sabi ko kay Mama na tumatawa dahil sa pinapanood niya.
"Oh anak, Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya habang natatawa pa rin.
Hindi ko nalang iyon pinansin at umakyat na sa kwarto ko. I felt exhausted, sobra sobra ang pagod ko ngayong araw aba. Umupo ako sa kama sabay kuha ro'n sa piggy bank ko at ihinulog 'yong sukli sa 500 kanina.
Pagkahulog ko, binalik ko na sa dating pwesto 'yong alkansya ko at humiga ng mahimbing sa kama. Binuksan ko yung cellphone ko at inunlock ito. Pagkabukas ay agad na bumungad sa mukha ko ang picture ni Suho baby ko.
"Ahihi! Kumain na ba ang baby ko? Hmm" Tanong ko sa kanya habang hinahaplos haplos ang kaniyang pisngi. Napaisip tuloy ako, kailan ko kaya siya mahahawakan ng personal at hindi lang basta sa cellphone at screen?
Huhu, gustong gusto ko na kayo makita ni Seojun. Sino kaya ang makakatuluyan ni Jukyung? sana si suho babes ang end game haha. Muli akong napatingin sa cellphone ko at biglang nakita ang chat head ni Vanny na lumitaw kaya pinindot ko ito.
Convo ahead.
Vanny: Huy
Jam: Why po?
Vanny: Bakit ang tagal mong naka offline?
Vanny: Hindi ako sanay huhu
Vanny: Siguro may ka date ka 'no?
Ako: Lumabas lang ako grabe ka hahaha
Vanny: Sino kasama mo? Baka nakikipag date ka na ha tapos hindi mo sinasabi sa best friend mo hmm...
Ako: Gaga ka talaga! hahaha pero ako lang magisa talaga
Pagsisinungaling ko at biglang napatulala dahil sa mga pangyayari kanina kasama 'yong lalaking sinasabing isa raw siyang gansgter chuchuness haha. Napailing na lamang ako at nabalik sa reyalidad anng muling tumunog ang cellphone ko at binuksan ang mensahe ni Vannessa.
Vanny: Talaga ba? Hihi
Ako: Tsk, bahala ka kung ayaw mong maniwala hahaha
Vanny: Ahahahaha! Bwisit ka, magb beauty rest lang me annyeong
Huling chat niya na hindi ko na nireplyan. Sineen ko na lamang ito at inalis ang kaniyang chathead para buksan ang i********:. Scroll lamang ako ng scroll para tignan ang mga magagandang paintings ng isang artist na hinahangaan ko, private account ito kaya hindi ko kakilala kung sino ang tao sa likod ng mga drawings niya na nakapost pero kung sino man siya, gusto ko lang malaman niya na ang galing niyang magpinta at labis ko siyang hinahangaan.
Sobrang ganda nitong painting niya na tulips, ang unique niya tignan compare sa ibang mga paintings tapos ang galing din niya mag sketch ng mga mukha ng sikat na celebrities. Marami rin ditong mga drawing ng anime kagaya no'ng sa Death Note at Howl's Moving Castle na isa namang ghibli.
"Ano kayang feeling kapag magaling gumuhit?" Tanong ko sa aking sarili at nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga.
Ni fave ko ang huli niyang post na isang drip painting na nabuo ang isang larawan ng babaeng nakapuyod ang buhok habang nakatakip ng pamaypay ang kaniyang mukha. Parang pamilyar ang imahe na ito ngunit hindi ko maalala kung saan ko nakita kaya hinayaan ko na lamang at nirefresh nang muli ang newsfeed ko. Nga pala, ang username ng painter na sinasabi kong hinahangaan ko ay Astra_22.
" I've been reading books of old
The legends and the myths
The testaments they told
The moon and its eclipse
And Superman unrolls
A suit before he lifts
But I'm not the kind of person that it fits
She said, Where'd you wanna go?
How much you wanna risk?
I'm not looking for somebody
With some superhuman gifts
Some superhero
Some fairytale bliss
Just something I can turn to
Somebody I can miss
I want something just like this
I want something just like this
Oh, I want something just like this
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Oh, I want something just like this
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Where'd you wanna go?
How much you wanna risk?
I'm not looking for somebody
With some superhuman gifts
Some superhero
Some fairytale bliss
Just something I can turn to
Somebody I can kiss
I want something just like this"
Pag kanta ko sa isang awiting bigla na lamang lumitaw sa isipan ko. Siguro nga ay nabu boang na ako haha. Napailing na lamang ako at nagkabit balikat sa harap ng salamin, ang ganda mo talaga self huhu.