9

1388 Words
Jackson Black 's Point Of View: "Brad! San ka galing? Parang kanina ka pa yata wala ah, nag grind ka sa motel ano? Roror hahaha!" Tanong sakin ni Scott sabay biro pa na ikinatawa nilang lahat. Napanginiti na lamang ako at natawa ng mahina dahil sa kaniyang binanggit, loko talaga ang isang 'to haha. Hindi ko na lamang siya sinagot at sa halip ay dumiretso nalang sa kwarto ko para magpahinga dahil labis ang pagod ko ngayong araw. Mula sa paghabol ko ro'n kay Lance, pagtakas sa mga tanod, at maging sa paglalakad ng malayo para lamang malayo 'yong babaeng nakita ko kanina sa gulo na nangyari. Naalala ko pa ngang hinatid ko siya sa kanila, napakalayo ng bahay nila at mahaba habang lakad ang nangyari dahil wala na kaming mahanapan ng sasakyan pa. Teka, ano nga pala uli ang pangalan ng babaeng 'yon? Jane? Jim? Jenna? Janna? Jean? Oo, Jean nga! Tama ako haha. Ano ba 'yan, bakit ko ba iniisip ang babae na 'yon? Hay nako Jackson, nababaliw ka nanaman yata. Napailing na lamang ako at tumitig sa kawalan, naalala ko ang mga ngiti at tawa niya na para bang may kakaiba sa pakiramdam ko. Tangina, ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko? I sound like a f*****g gay. "Jean Avril Mendoza" Bulong ko sa kaniyang pangalan sa kawalan, sino ka ba? Bigla nanamang pumasok muli sa isipan ko 'yong babaeng kasama ko kanina at kausap ko kanina, oo nga nababaliw na nga siguro ako. Wala akong magawa na kaya kinuha ko na lamang 'yong baril na kanina pa nakatago sa bandang likod ng bulsa ko at inilagay iyon sa drawer. Pagkatapos ng gawain kong ito ay huminga ako ng malalim at umupo sa aking couch nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal no'n 'yong apat na kulugo, sina Xander, Scott, Vince, at Phoenix. Miyembro rin sila ng Black Elite, si Xander ay magaling humawak sa baril, si Scott naman ang sa pagmamaneho, si Vince ang sa pakikipag suntukan, at si Phoenix naman ang dahas para sa mga technology at devices. "Bakit ang laki ng ngiti mo brad? Ano ang ganap ha?" Tanong sakin ni Xander. Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya kaya naman napahawak ako sa labi ko at nahawakan ko itong nakaukit ng isang ngiti, nakangiti ako? bakit? haha. "Babae?" Sambit ni Scott na dahilan kung bakit silang nagsipag hiyawan, mga gago talaga. Hindi ko na lamang sila sinagot at sa halip ay tanging isang palatak na lamang ang lumabas sa akin, pinagbababato sila ng unan at sinalo naman nila ang mga ito. "Ahahaha! Babae nga no? Ayiee, sabi na nga ba at in love ka haha." Natatawang sabi ni Vince at biglang napahawak sa baba niya sabay kindat kindat pa na parang tanga. "Hindi" Walang emosyon kong sagot sa kaniyang tinanong kasi hindi naman talaga ang sagot 'di ba? "Kows! Sabi ni Phoenix may kasama ka raw na babae kanina hahaha! Lumalandi ka na bro ha? Alam mong bawal 'yan hehe." Tukso nila kaya hinanap ko si aking mga mata si Phoenix at sinamaan ito ng tingin. Ngumiti naman siya sa akin ng kabado at nag peace sign, napaka daldal talaga ng isang ito hays. "Tch. Lumabas nga kayo! Assholes " Utos ko na agad naman nilang sinunod, humiga naman na ako ng maayos nang biglang rumehistrong muli sa utak ko 'yong babaeng kasama ko kanina. "Jean Avril Mendoza" bulong ko. "Bakit parang may kakaiba sa kaniya? f**k!" Tanong ko sa kawalan at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa mga naiiisip at nararamdaman ko, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Tangina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman tumayo na lamang ako at dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos akong maligo ay agad naman akong pumunta sa dressing room upang maghanap ng damit na susuotin, nang matapos ako ay agad naman akong bumaba sa may sala at naabutan ko si Xander na nagaayos ng pagkain. Pinagmamasdan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa at nang matapos ang ginagawa niya, isa isa niya kaming tinawag kaya nagsiupuan na kami sa kaniya kaniya naming pwesto. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng hapunan ng biglang may magsalita na dahilan kaya nakuha niya ang atensyon ng aming lahat. "Maganda siya, maputi, at matangkad. Disente rin ito tignan at halatang edukado kung pagmamasdan." Napatingin kaming lahat Kay Phoenix na bigla nalamang nagsalita. "Sino?" Tanong naman ni Vince sa sinabi ni Phoenix at sumubo ng pagkain na iniluto naman ni Xander. "Iyong babaeng kasama ni Jackson kanina habang tumatakas tayo kanina, kasama mo siya 'di ba kaya late ka nang nakauwi?" Bigla akong nasamid sa biglang sinabi ni Phoenix kaya kinuha ko 'yong baso at uminom ng tubig. "Kumain ka na nga, ang dami mong sinasabing walang kakwenta kwentang bagay." Ani ko. Napailing na lamang ako at muling nagsabaw ng sinigang na buto buto sa aking kanin, hindi ko alam kung bakit dapat pang pag usapan at pag tuonan ng pansin ang gano'ng bagay samantalang hindi naman ito importante para pagaksayahan ng laway at oras. "Brad, alam mo namang may rules tayo 'di ba?" Sambit ni Vince na ikinatigil ko. "Yeah, we are not allowed to fall in love because it's against the rules pero easy lang kayo guys ha? I don't even care about that god damn girl kaya hindi ko alam kung bakit siya ang sentro ng usapan natin ngayon. She's not even that special and besides, sino ba siya para pag aksayahan natin ng oras hindi ba?" sagot ko. Nang dahil sa sinabi ko ay nabalot ng katahimikan ang hapag kainan na para bang may dumating na anghel at hindi na umalis pa. Itinuloy lang namin ang aming pagkain ng hapunan ng payapa nang biglang magsalitang muli si Xander. "Rules are rules, bro. Hindi natin ito maaaring suwayin dahil lahat tayo ay mapapahamak lalong lalo ka na." Concern na pagkakasabi ni Xander sa akin. I sighed. "Just like what I've said earlier, she's just nothing. She's not even special nor important and lastly I don't have any feelings for her, are we all clear now? " Matigas na pagkakasagot ko sa kaniyang sinabi habang hindi sila tinitignan ng mata sa mata. I don't get it, totoo naman ang sinabi ko at walang halong white lies doon. I don't like that girl, she's not even special to be honest. Sobrang daldal nya at kung makapagsalita parang wala nang katapusan. She's so f*****g talkative and it's so f*****g irritating. -- "Jackson, nagyayaya ang grupo nila Zid bukas daw ng hapon sa arena" ani ni Vince. Hindi ko siya sinagot dahil alam ko nanamang matatalo at matatalo lang naman ang grupo nila Zid kaya hindi naman kelangan pang pagtuonan iyon ng pansin. Kung makikipaglaro pa sa kanila, parang hangin lang ang kalaban mo. "Tayo pa ang napili nilang kalabanin? Angas naman nila, hindi ba sila naaawa sa sarili nila?" Natatawang sambit ni Scott at tumawa tawa pa ng sarkastiko. Nagpakawala nalamang ako ng isang malakas na buntong hininga sabay sabi ng "Kaya niyo na 'yon, kahit mag isa nga lang si Phoenix na labanan ang mga iyon ay tiyak na panalo agad ang Black Elite." Kunot noo kong nililinis ang hawak kong baril gamit ang basahang kakabili lang namin kahapon sa pasyalan, sobrang importante ng bagay na ito kaya ayokong may humahawak dito o kaya naman ay miski makadanggil. "Totoo mga gago hahaha! Kahit isa lang sa atin ang kumalaban sa mga iyon ay sure ball na agad, ang bobobo kaya ng mga 'yon gumamit ng dahas haha" Mayabang na pagkakasambit ni Xander na ikinangisi ko lamang. Tama ang sinabi niya, kahit ano ang gawing laban ng grupo nila Zid ay hindi pa rin sila mananalo dahil kami ang nangunguna sa pinakamagaling na grupo pagdating sa p*****n. Wala pang nakakatalo sa amin miski ang magtangkang agawin ang trono namin. "Pero pupunta pa ba tayo? Hindi ba siya sayang sa oras?" Tanong ni Phoenix. "Kayong apat pumunta" Walang emosyon kong pagkakasabi. Tumayo naman na ako at itinabi ang hand gun na kanina ko pa nililinis, kinuha naman 'yong kutsilyo para ito naman ang aking mapagdeskitahan. Malinis na ang baril kung kaya ito naman ngayon ang pupunasan ko. "Sipag mong magpunas bro ah, gusto mo ba kunin ko sapatos ko sa taas tapos kudkudin mo rin?" Scott.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD