10

1269 Words
Jackson's Point of View: Tama ang sinabi niya, kahit ano ang gawing laban ng grupo nila Zid ay hindi pa rin sila mananalo dahil kami ang nangunguna sa pinakamagaling na grupo pagdating sa p*****n. Wala pang nakakatalo sa amin miski ang magtangkang agawin ang trono namin. "Pero pupunta pa ba tayo? Hindi ba siya sayang sa oras?" Tanong ni Phoenix. "Kayong apat pumunta" Walang emosyon kong pagkakasabi. Tumayo naman na ako at itinabi ang hand gun na kanina ko pa nililinis, kinuha naman 'yong kutsilyo para ito naman ang aking mapagdeskitahan. Malinis na ang baril kung kaya ito naman ngayon ang pupunasan ko. "Sipag mong magpunas bro ah, gusto mo ba kunin ko sapatos ko sa taas tapos kudkudin mo rin?" Scott. Humarap ako sa kaniya at kaagad siyang siniringan, makuha ka sa tingin haha. Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay agad akong tumayo kung kaya naman ay nakuha ko ang kanilang atensyon. Itinaas ko ang aking kanang kilay sabay lagay ng aking kamay sa bulsa ng suot suot kong salwal. "Saan ang punta mo bro?" Narinig kong tanong ni Phoenix ngunit hindi ko na siya para pa pansinin kaya nagdire diretso na lamang ako tungo sa aking silid. Sumunod na araw... Vannessa Sanchez 's Point Of View: Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pagtakbo ko kanina, agad naman akong napahawak sa tuhod ko at umupo sa sahig. Sobrang nakakapagod, grabe! Hindi ko inexpect na sobrang layo pala ng tatakbuhin ko pa para lang makapunta rito huhu. Nakakapangsisi talaga ang maging isang bida bidang b***h. "Wala ... man ... lang ... bang .... tubig ... d'yan ... ha? Penge ... please ... huhu ... dehy ... drated ... na ... ang ... maganda ... niyong ... miyembro ..." Pagod na pagod kong pagkakasabi. Aba syempre, dapat lamang na isingit ko 'yong magandang miyembre just because! haha. Pero walang halong echos, ako kaya ang pinaka maganda dito sa pulong na ito ha? Ang umangal talaga, pangit. "Annie! Abutan mo nga ng tubig 'yong bagong dating. Pale! (Faster) pakisamahan na rin ng kaunting bilis baka naman" utos nung leader dun sa Annie ata yun? Aba palautos ka girl? Batas ka? Haha pero oo nga naman Annie! Pakisamahan ng kaunting bilis please, dehydrated na ang queen niyo haha chos. Hayy alam niyo ba? Buti na lamang at nakaabot ako sa meeting ngayon dahil kung hindi hay naku! Napailing na lamang ako at lumanghap ng sariwang hangin. Na stuck kasi kami 'nong driver ko, I mean sundo chauffeur duh, gawa ng letcheng traffic na naencounter namin do'n sa may Sta. Rosa eh samantalang twenty five minutes nalang at male late na ako rito sa meeting kaya ayon, tinakbo ko nalang hanggang dito. Kalerki 'di ba? Haha! "Miss mukhang pagod na pagod ka ah? Bagong STAR ka ba?" Tanong no'ng Annie sa akin sabay abot ng isang tubig na pinagkaitan ng lamig. Umiling na lamang ako bilang kasagutan sa kaniyang sinambit at ininom 'yong hindi malamig na tubig na dala dala niya. STAR nga pala ang pangalan ng fandom ng Alas at ang bawat letra no'n ay may katumbas na kahulugan, ang extra 'di ba? "Nope, actually matagal na rin akong STAR haha and tbh si Yuan my loves ang bias ko ro'n samantalang si Simon naman ang bias wrecker ko hehe" Sabi ko sa kanya at tumayo na. Sorry if madaldal, just being friendly lang naman haha pero still! Hindi pa rin malamig ang tubig na iniabot niya sa akin. Nakow, favouritism hmp! Haha char. "OMG, nice meeting you! Si Yuan din ang bias ko haha and alam mo ba? Favourite ko 'yong kanta nilang 'Mahal ko' " Share lang ni Annie at ngumiti that's why ngumiti rin ako para hindi ako maging rude tignan haha. "Mahal ko kayong nawala, sinisikap kong hanapin ang sagot sa mundo sa aking paligid. Oo, ako ay mabaliw buong maghapon, buong magdamag kayo lang ang nakaunawa sa akin at lahat ng aking dinaanan, Oo, ako lamang ang may sasabihin sa iyo, Oh mahal ko" Kanta ko sa aing utak ng kaniyang sinabing kanta na 'Mahal ko' "Ngayon ang una nating pagkikita mga aking kapwa STAR kung kaya naman ay kelangan nating magpakilala sa isa't isa. Sasabihin din natin sa bawat isa kung sino ang bias mo sa Alas at ang buong ibig sabihin ng salitang STAR, maliwanag ba?" Ani ng feeling Leader namin na si... hindi ko kilala. "Sisimulan ko na, sundan niyo ko dahil ganito ang dapat gawin ng bawat isa. Ako si Charisse Angeles at si Simon naman ang bias ko. Ang buong ibig sabihin ng STAR ay strong, talented, awesome, and right!" Paggawa niya ng kaniyang kamemahang sinabi. At dahil sa ginawa niya ay naging sunod sunod na ang pagpapakilala ng mga co-star ko. Pinagmamasdan ko lamang silang magsalita at pinakinggan ng mabuti para makilala ko silang lahat kahit paano. Hindi naman kailangang kilalang kilala ko sila ng lubusan pero syempre mas ayos na rin 'yong maging pamilyar sila sa akin miski ang mukha nila para hindi masyadong nakakahiya incase na mag krus ang landas ko sa isa sa kanila haha. "Queenie Dumagete. Angelo stan, strong, talented, awesome, and right!" "I'm Kimmy Pabalo and actually, si Ryle  ang bias ko haha. The acronym STAR stands for strong, talented, awesome, and right!" Tuloy tulong lang sa pagpapakilala ang mga kapwa kong Alas stan kung kaya naman ay matindi pa rin ang focus  hanggang sa ako na 'yong susunod na magpapakilala. Ehem ehem, I cleared my throat. "Voice Check 123. Ehem! Ayon hahaha umayos din! I'm Vannessa Sanchez, Vanny for short. Ang soon to be wife ni Baby Yuan chos hahaha! Matagal na akong fan ng Alas that's why I'm pretty sure na strong, talented, awesome, and right ang ibig sabihin ng fandom na Star." Hyper kong pagkakasabi at nagpalakpakan naman sila. Nang matapos na ako sa pagsasalita ay bumalik na ako sa pagkakaupo sa ako pwesto kanina. For sure nagtataka kayo kung bakit wala si best friend dito sa meeting haha well nagready naman ako ng explanation kung bakit. So heto na nga, ganito kasi ang chika... Niyaya ko siya kagabi if she likes to come with me rito sa meeting ng Alas fandom kahit na alam ko namang mas lamang ang pagiidolo nya sa Spade kumpara sa Alas haha pero ayos lang naman since fan pa rin siya ng grupo nila baby Yuan ko no? So ayon na nga pero kasi sabi niya 'Masakit ulo ko. Ikaw nalang ang magpunta' kaya ayon, hindi ko na siya pinilit pa. Once is enough. Haha charot! Syempre kinulit ko siya no for a hundred times pero wala talaga, tamad na tamad si gaga. Ano pa naman ba ang aasahan ko ro'n sa best friend kong 'yon eh nuknukan 'yon ng katamaran haha! Shh lang kayo ha pero real tea lang haha but it's fine lang naman sa akin as long as we are still loyal and connected with each other. Kahit naman walang communication, she's still my bestie pa rin naman hihi. Oras ang itinagal ng meeting namin ng STAR, fandom ng Alas. Pinagu usapan dito kung kailan naka schedule ang ipapadalang mga bagahe kela Baby Yuan. Kasabay na rin no'ng mga pagpapadala ng death threats sa mga bashers nila joke! Pero basta marami rami ang pinagusapan dito kaya nakakatamad isa isahin para ipaliwanag pa. Pero syempre char lang 'yan. Wala lang talaga akong nagets at naintindihan sa meeting kanina since nagde daydreaming ako. Mahina kasi akong makapick up ng mga bagay bagay hahaha kaya nga minsan ay naiinis na rin sa akin si Jam eh huhu pero tinitiis niya ako kasi love niya raw ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD