Jean Avril Mendoza's Point of View:
"Panalo ako, pano ba 'yan?" Sambit ko sa kanilang dalawa pagtapos kong magwagi sa race naming tatlo nila Jakcson at Bryan. First place ako sa car race samantalang second naman si Jackson at third si Bryan.
Nagpustahan kasi kaming tatlo at sabi namin na kung sino ang mananalo, ililibre ng kahit na anong gustong pagkain nito. Eh sakto, ako ang nanalo kaya ililibre nila akong dalawa. Kawawang b***h naman ang mga ito hehe dahil sisiguraduhin kong sulit ang pagkapanalo ko. Hindi ako papayag na kaunti at mura lanang ang kakainin ko, dapat marami hihi.
"Congrats" Ani ni Jackson at ngumisi pa sa akin.
"Salamat" Balik kong tugon at ngumiti sa kaniya ngunit inirapan din kinalaunan.
Napatingin naman ako kay Bryan na ngayon ay naglalakad patungo ro'n sa basketball place rito sa Quantum at ng makarating na siya ro'n ay kaagad itong tumigil at humarap sa aming dalawa ni Jackson. Naghulog ito ng dalawang token kaya nagsimula ng tumunog ang machine ngunit bago niya ito simulan ay may sinabi muna siya sa aming dalawa ni Bakulaw para makapagsimula na.
"Pataasan tayo ng puntos, ang manalo ay makakasama si Jean hanggang sa pag-uwi samantalang amg matatalo naman ay uuwi na ngayon" Hamon ni Bryan kay Jackson at hindi na hinintay pa ang tugon ni Bakulaw dahil bigla na itong magstart na magshoot ng bola sa ring.
Kaagad naman kaming nagkatinginang dalawa ni Jackson at nagkayayaang sumunod sa pwesto ni Bryan. Habang naglalaro ito ng basket ball ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya miski ang paggalaw ng adams apple niya. Napansin ko na sobra ang pagkatutok niya sa larong ito at tila ba seryosong seryoso sa niyaya niyang pustahan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang isang 'to pag dating sa akin at parang ang ibang mga lumalapit ay binabakuran niya kahit na hindi ko naman siya gusto.
Napailing na lang ako at tinuon ang tingin ko sa ginagawa niyang pagshoot ng bola ro'n sa ring. Sunod sunod ang tira niya rito at halos lahat at sumasakto ng pasok. Ang astig, hindi ba nangangalay ang braso niya kakabato ng bola ro'n sa ring? Nakakapagod kaya 'yon pati ang sakit hahaha.
Tatlong put isa na lang ang natitirang segundo sa timer ng laro at alam kong napansin naman ito ni Bryan dahil mas binilisan niya ang pag shoot ng bola kumpara sa paglalaro niya rito kanina. Sa isang round kasi ay mayroong sixty seconds at naka depende ang puntos sa kung paano mo maisshoot ang bola. Nakalagay sa highest score ng first round dito ay one hundred fifty points samantalang ang nakuha naman ni Bryan ay one hundred three points, hindi na rin masama para sa first timer.
Dahil mataas ang nakuha niya ay may chance pa siyang maglaro para sa second round pero inayawan niya ito dahil gusto niyang mapabilis ang ginawa nilang deal ni Jackson. Inabutan niya ito ng token upang ihulog do'n sa isa pang bakanteng basket ball machine rito sa arcade at wala man lang pagsisisi itong tinanggap ni Jackson. Confident pa siya sa ginawang pag hamon sa kaniya ni Bryan dahil bago magsimulang mag play ang laro ay nginisaan niya muna si Bryan at tinabig ito sa balikat.
——
"Salamat, kuya! Tawagin ka na lng po namin kapag may tanong kami hehe" Sambit ko ro'n sa staff ng Quantum pagkatapos niyang asikasuhin ang videoke rito sa ktv para magplay ito.
Bago kasi matapos ang paglilibang namin do'n sa labas ay sinabi ko sa kanila na gusto kong mag ktv kami tapos wala kakong kj. No'ng una ay sapilitan ko pa silang pinasama dahil nagkaka hiyaan ang mga ugok pero napasama ko rin naman sila kinalaunan dahil tinakot ko silang dalawa na uuwi na lang ako kapag ayaw nila.
Nga pala, if nagtataka kayo kung bakit dalawa pa rin silang kasama ko rito sa loob kahit na nag deal sila kanina na kung sino ang matalo sa basket ball machine ay uuwi, ay ganito 'yon. Pareho kasi silang nakakuha ng one hundred three points. No'ng una ay akala namin panalo na si Bryan dahil dalawang segundo na lang at tapos na ang laro tapos one hundred one pa lang ang puntos ni Jackson pero bigla niya itong na shoot sa net kaya sumaktong one hundred three since dalawang puntos ang katumbas ng nagawa niyang pag bato sa bola.
Narito kami sa ktv at nakalista naman sa isang maliit na papel ang mga kantang nais naming kantahin dito. Tig da dalawa kaming tatlo habang ang mag jowa namang sina Avi at Ian ay tig tatlo at ang dalawa ro'n at duet pa.
Napag pasiyahan naming silang dalawa ang maunang kumanta dahil 'yon ang nauunang number na nakalista sa karaoke. Unang kanta na lumabas ay ang Top of the World by the Carpenters na pinila ng mag love birds habang sumunod naman ang napili ni Jackson na kanta which is When I was your man na inawit ni Bruno Mars. Hindi maikakaila na maganda talaga ang boses ng isang ‘to dahil naalala ko na siya ang kapartner ko no’ng Science Camping namin sa beach ni Sir. Barry. Ang galing ng alon ng boses niya, nakakakilabot.
“Let’s go na, Ian!” Sambit ni Avi kay Ian ng biglang tumugtog ang kanilang napili.
Hinila niya si Ian patungo sa gitna habang sumasayaw sayaw at pumapalakpak palakpak pa silang dalawa. Halata sa kanila na sobrang gusto nila ang beat hahaha well maganda nga naman talaga kahit na medyo pang sinauna ito. Sume sway sway pa si Avi habang si Ian ay medyo nahihiya ngunit go pa rin ng go para sa kaniyang jowa na si Avi, sobrang supportive naman ng isang ‘to haha.
“Wooh! My lola used to sing this song for me when I was a child, remember that kuya Bry? Hahaha!” Tuwang tuwa ni Avi habang lumingon pa sa kaniyang kuya.
“Such a feelin's comin' over me
There is wonder in most every thing I see
Not a cloud in the sky, got the sun in my eyes
And I won't be surprised if it's a dream” Awit ni Avi habang gumigilong giling pa sa gitna at humahagikgik na sa katatawa.
“Everything I want the world to be
Is now comin' true especially for me
And the reason is clear, it's because you are here
You're the nearest thing to heaven that I've seen” Sumunod naman si Ian sa pag awit, ang cute lang na kahit medyo sintunado ang kaniyang boses ay nakikisabay pa rin siya sa trippings ni Avi sa buhay.
“I'm on the top of the world lookin' down on creation
And the only explanation I can find
Is the love that I've found, ever since you've been around
Your love's put me at the top of the world” Sabay naman nilang awit do’n sa may bandang chorus. In fairness ha? Nag blend ang boses nilang dalawa haha.
“Something in the wind has learned my name
And it's tellin' me that things are not the same
In the leaves on the trees, and the touch of the breeze
There's a pleasing sense of happiness for me” Pag kanta ni Avi, ang ganda rin pala ng boses ng isang ‘to haha siguro ay gano’n din ang kaniyang kuya.
“There is only one wish on my mind
When this day is through I hope that I will find
That tomorrow will be, just the same for you and me
All I need will be mine if you are here” Habang kinakanta iyon ni Ian ay bigla silang nagkatinginang dalawa ay si Avi ay kinikilig pa. Naku kang bata ka, lagot ka sa kuya Bry mo! Charot.
“I'm on the top of the world lookin' down on creation
And the only explanation I can find
Is the love that I've found, ever since you've been around
Your love's put me at the top of the world” Us.
Dahil sa ganda ng kanta ay napasabay na rin kami nila Jackson at Bryan sa awitin nila. Para na rin kaming nagjajamming sa classroom dahil sobra kaming nagsasaya. Sayang nga lang dahil wala sina Ethan at Vanny pero magpipicture naman kami mamaya para isend do’n kay Vannessa ng sa gano’n ay hindi niya maisip na naleleft out siya.
“I'm on the top of the world lookin' down on creation
And the only explanation I can find
Is the love that I've found, ever since you've been around
Your love's put me at the top of the world”
Ng matapos na ang kanta ay biglang niyakap ni Avi si Ian na ikinagulat naming lahat kaya naman biglang tumayo si Bryan para ilayo ang kaniyang kapatid sa manliligaw nito. Hay, napaka conservative na kuya. Ayaw na lang hayaan na magsaya at maglibang ang kapatid tsk, minsan lang naman. Sobrang kill joy halatang tatanda ng binata joke.
Lumabas na ang score ng pagkanta nila Avi at Ian sa screen at pumatak ito ng eighty seven points. Kaunting commercial chuchuness ang lumabas at sumunod naman na tumugtog ang When I was your man by Bruno Mars na aawitin ni Jackson para sa amin. Kusa naman itong tumayo at inabot ni Avi ang mic kay Bakulaw dahil alam niyang turn na nito para kumanta. Ng magsimula ng tumugtog ang napili niyang kanta ay tumingin muna ito sa akin at ngumiti sa akin ng matamis bago magsimula.
Tang ina?! Totoo ba ang nakita ko? Ngumiti ang isang Jackson Black sa akin? Wahh! For the first time in forever huhu.