56

1652 Words
Jean Avril Mendoza’s Point of View: “So what’s the plan? Bakit mo kami pinasunod dito?” Nagtatakang tanong sa akin ni Avi habang naka pamewang pa. Pinasunod ko kasi silang dalawa ni Vannessa kaso ayaw nilang pareho dahil mga busy raw kaya sinabi ko na kahit isa na nila ang kanilang mga bataan kaya itong si Avi ay g na g naman kaso si Vanny? Wala, ayaw talaga. Alam ko rin namang madami siyang inaasikaso at hindi siya basta basta nakakalabas kanila eh hahaha pero ininsist ko pa rin ang sarili ko na imbitahan siya para hindi siya ma ledt out sa gc at isipin na purkit alam naming hindi siya pinpayagan ay hindi na agad siya yayayain. “Magsasaya tayo rito sa arcade.” Ani ko at itinuro ang Quantum na para bang handa na ako para iexplore silang apat sa loob. Ngumiti ako sa kanila ng nagpapakita ng ngiting tagumpay at nauna ng maglakad papasok sa loob ng arcade rito sa mall. Hindi ko maiwasan ang sobrang mamangha dahil ngayon lang ulit ako nakapasok sa loob nito matapos ang ilang buwan. Rinig na rinig pa rin dito ang malalakas na tunog ng machines kabolang na ang paglabas ng ticket bilang premyo sa pagkuha nila ng mga jackpot prize at game rewards. “Woah, ang ganda rito!” Narinig kong ani ni Jackson gamit ang tonong pagkamangha. Yuck, first timer stupid b***h hahaha joke. “Oh my twinkle twinkle little star! I love arcades! Tara na Baby Ian, bili na tayo ng token do’n sa girl na kulot hihi” Rinig ko namang anyaya ni Avi kay Ian at halatang excited na excited pa ito. Nakita ko siyang hinila ang kaniyang iniirog patingo ro’n sa babaeng nagpapalit ng coins into token kaso hindi ko trip do’n dahil medyo mahaba haba ang pila. Meron din naman kasing vending machine rito ng tokens, limang piso lang para sa isang token kaya sulit naman na. Niyaya ko ang dalawa ko g kasama na sina Jackson at Bryan para maghulog kami ng barya ro’n sa machine. “Ilan ang ihuhulog niyo? Libre ko na, magkano ba gusto niyo?” Tanong ko sa kanila habang binibilang ang barya kong buong limang piso. Wala kasing tag pipiso rito eh tapos ang fifty pesos at twenty pesos naman na machine ay our of order kaya no choice kami kung ‘di ang mag five pesos na buo just for the token. “Ako na ang magbabayad, libre ko na” Rinig kong sambit ni Bryan at naglabas ng five hundred pesos. Woah, rich kid talaga ang isang ‘to. Kapag ako ang naglalaro ay malaki na ang two hundred pesos. “Five hundred only? Nah, ako na ang magbabayad. Here you go, Jean. Samahan na rin kitang magpapalit do’n sa token exchange area, I have no coins with me just paper moneys” Ani naman ni Jackson at inilabas ang isang libong buo mula sa kaniyang wallet. Napalunok na lamang ako at hindi maiwasan ang mahiya dahil halagang one hundred lamang ang ililibre ko sa kanila. Hinawakan ako ni Jackson sa kamay at dadahun na sana ako ro’n sa pwesto kung saan magpapapalit ng tokens pero bigla namang hinawakan ni Bryan ang kabilang kamay ko para naman pigilan kaming dalawa. “One thousand pesos? I’ll give you two thousand cash Jean, let’s go to the token exchange place” Mayabang na pagkkaani ni Bryan at siya naman ang nangunang humatak sa akin papunta ro’n sa pagpapalitan pero higit higit pa rin ako ni Jackson at matibay ang pagkaka kapit nito sa akin. “Five thousand pesos worth of token. So will you please excuse us? Hindi ka bagay rito kaya umalis ka na” Malamig na sabi naman ni Jackson at tinanggal ang pagkakakapit ni Bryan sa akin para siya ang magsama sa akin do’n sa dapat na pupuntahan namin kanina. Ang kulit ng dalawang ito, paligsahan pa sila sa pataasan ng gagastusin para sa token. Para lang silang nagtatapon ng pera sa ginagawa nila. Kahit ba maliit na bagay ay need pagtalunan? Para saan? Para hindi sila mababaan ng pride? Men and their egos, it really sucks. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad kasama si Jackson pero nagmadali namang sumabay sa amin si Bryan para pigilan kaming dalawa. He lend us eight thousand pesos with a smirk in his lips, mayabang din ang isang ‘to at halatang hindi marunong magpatalo. Napatingun na lamang ako kay Jackson na ngayon ay emotionless pa rin ang mukha ngunit ilang sandali pa ay umukit din sa itsura nito ang ngiting nakakaloko. Binitawan akong saglit ni Jackson dahil nakita ko siyang dinudukot sa bulsa ng pantalon niya at kung hindi ako nagkakamali ay wallet niya ito. Kahit na ang kaniyang leather wallet pa lang ang titignan ay hindi makaila na sobrang yaman din ng isang ‘to, saan kaya nila kinukuha ang mga pera nila? Hay, sobrang hirap naman maging favourite ni Lord. Sorry na guys, ganda lang talaga ang ambag ko. “Here is my wallet. I have twenty thousand and seven hundred fifty pesos in that wallet including my two atm cards, take it all Jean and buy many tokens as you can. Payabangan pala ang gusto ng isang ‘to, hindi niya yata alam na mas mayabang ako kaysa sa kaniya. Piece of s**t” Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabing iyon ni Jackson at hindi tinanggap ang wallet na inaabot niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil masyado rin siyang nagiging pranka sa mga salita niya. Pareho lang naman silang mayabang to be exact pero bigla na lamang napatikom si Bryan dahil sa inis niya kay Jackson. Oh? Akala ko ba mayabang ang isang ‘to? Bakit biglang nanahimik? Piece of s**t ka pala ha? Tama ‘yan Jackson awayin mo lang si Bryan kagaya ng pangaaway mo sa akin simula no’ng umpisa. f**k f**k ka pang nalalaman d’yan, bakulaw ka naman. Napakabit balikat na lamang si Bryan at umiwas ng tingin. Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Jackson at tuluyan na akong hinila patungo ro’n sa exchange area ng tokens and money. Hindi kasi pwede ang cash do’n sa machine na sinasabi ko kanina since five peso coin lang ang gumagana ro’n kaya no choice kami kung ‘di ang pumila sa mahabang linua na ito. “How much tokens do you want?” Tanong ni Jackson sa ‘kin habang hindi inilalayo ang kaniyang tingin sa mga mata ko. “Haha sa totoo lang, hindi ko need ng marami kagaya ng sinasabi niyo. Itabi mo na ‘yang pera mo at ako na ang mang lilibre. Tama na sa atin ang three hundred pesos, sapat na ‘yon para makapag enjoy tayong lahat. Request ko lang sana sa inyong dalawa ay ang iwasan muna ang away at bangayan kasi nandito tayo para magsaya, hindi para magpa yabanagan at magtalo talo. Kaya please, sundin niyo ang request ko and pinapangako ko sa inyong dalawa na magsasaya tayong tatlo na walang ibang iniisip kung ‘di ang maglaro lang ng maglaro” Sambit ko sa kanilang dalawa na ikinatikom pareho ng bibig nila. Enough na siguro ang mga salitang iyon para marealtalk silang dalawa at marealize na hindi na sila bata para magtalo pa ng ganito. Kinuha ko ang wallet na nasa bag ko at inilabas ang dalawang one hundred na buo at dalawa ring fifty pesos para mabuo ang halagang tatlong daan. Actually may mga buo pa akong pera kaso nakakatakot mabaryahan ang mga ‘yon lalong lalo na ang isang libo dahil magagastos ko kaagad ‘yon for sure. “I’ll pay.” Munting ani ni Jackson at inabutan ako ng buong five hundred peso, wala raw kasi siyang barya kaya ito na lang daw ang ibayad ko at ibalik ko na lang ang sukli. Hindi naman nagpatinag si Bryan dahil inabutan niya rin ako ng pera, tatlong isang daan naman iyon para ibayad do’n sa counter. Nakaisip naman ako ng paraan para maging fair kaming tatlo, since ayaw nila ng libre ko ay kukuhanan ko sila ng tig one hundred pesos para makabuo kami ng three hundred worth of tokens. Tig i isang daan kaming tatlo para wala ng masabi ang isa sa isa, tahimik na lang sila ang iingay eh sus. Minuto lang ang hinintay namin sa pula dahil kami na agad ang nasa harapan. Inabot ko ang three hundred do’n sa babae kaya binigyan niya ako ng sixty five coins, free na raw ang lima dahil nasa promo raw nila iyon kaya tinanggap ko na lang since no choice rin naman. Teka, nasaan pala sina Avi at Ian? Ngayon ko lang naalala na kasama ko nga pala ang dalawang iyon. Hayaan ko na nga, ang tanda naman na nila para intindihin ko pa. Basta magsaya kaming lahat ay okay na sa akin ‘yon haha. “So, let’s start?” Naeexcite kong sabi sa kanila habang inililibot ang aking paningin kung saan ako unang maglalaro. “Gusto niyo ba maglaro no’ng car? Racing tayong tatlo o kaya ro’n sa kotse? Pwede rin sa dance dance revolution kaso two players lang ang pwede but meron namang just dance, max four players ang larong iyon. Available din ang basket ball, hockey, claw machine at iba pa. Cute don sa clawing machine kaso kalimitan may daya gawa maluwag ‘yong mga claw huhu isang beses pa lang ako nakakuha ro’n, dinaya ko pa hahaha” Dagdag kong ani at suggestion sa kanila. Desisyon na lang nilang dalawa ang hinihintay ko dahil kahit saan naman ay gusto ko. Hindi lang ako makapili ng laro dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa sobrang pagka excite na malaruan ko ang lahat kaya sila na lang ang papapiliin ko para magdecide kung ano ang una. Pero bago matapos ang araw na ito ay sisiguraduhin kong kakanta sila sa ktv wahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD