Jean Avril Mendoza’s Point of View:
“So saan pala tayo? Saan mo ako ililibre?” Tanong sa akin ni Bryan habang nililibot ang kaniyang tingin sa paligid ng mall.
Kakaawas lang kasi namin and kagaya nga ng sinabi ko sa kaniya kanina ay babawi ako sa kaniya pag awas namin gawa ng nilibre niya ako ng tonkatsu lunch kanina. Ang sarap ng meal na iyon at feeling ko eh mabubuhay ako ng matagal kahit iyong lang ang kainin ko hahaha. Pero ayon na nga, pagkaawas namin ay napagpasyahan naming dalawa na dumiretso ng SM muna para mag gala at kumain kung saan man kami mapadpad ng mga paa namin.
“Hindi ko alam sa ‘yo, saan mo ba gusto?” Tanong ko sa kaniya at nakilibot na lang din ng paningin sa paligid.
Kung ako ang tatanungin ay syempre gusto ko sa merch store ng Spade dahil ‘yon lang naman ang buhay ko at wala ng iba pa kaso kapag do’n ko naman siya dinala ay tiyak na mabbored at mauumay ang isang ‘to kaya wag na lang. Gusto ko kasi ay masaya ang mga taong nakakasama ko sa galaan, I know how to adjust myself din naman to satisfy other person haha kaya kung ano ang gusto nila ay gusto ko na rin, as easy as that.
“Hindi ko alam haha, hindi kasi ako masyadong lumalabas unless importante ang pupuntahan. Kapag naglilibang ako eh karaniwan sa Bar ang punta ko kasama ang tropa para mag-inom, wala ng iba. Hindi man halata pero bihira lang ako pumupunta ng mall kaya hindi ko alam ang hidden gems ng lugar na ‘to. Ikaw ba? Ano ang suggestion mo?” Tanong niya sa akin at humawak sa kanang kamay ko na ikinatigil ko at tingin sa kaniya.
Kunot noo akong tumingin sa kaniya at tumawa naman siya ng mahina. Dinala niya ako patungo sa mga bakanteng upuan para nga naman siguro ay hindi kami naka tayo do’n habang nagiisip ng gusto naming puntahan. Hindi ko rin ba kasi alam dito kay Bryan kung bakit dito niya ako dinala sa dami rami ng pwede naming puntahan tapos hindi pa naman pala planado ‘yong mga kakainan at paggagalaan huhu.
Pero sa kabila no’n ay hindi ko maiwasan ang hindi makapaniwala dahil sa sinabi niyang bihira lang siya pumunta ng mall. I mean hindi sa inaano ko siya ha but never kong naimagine na gano’n siyang klaseng tao since yayamanin ang postura niya… literal na mayaman pala hehe. Ang astig pala ng isang ‘to kaso medyo nakaka awkward sa sinabi niyang sa bar lang siya nagpupunta madalas tuwing naglilibang, napaisip tuloy ako bigla kung ilang babae na ang nagalaw niya.
“Seryoso ka ba? Hindi ako naniniwala ha? Imposible naman ‘yang sinasabi mo na hindi ka pa masyadong nakakapunta rito sa mall. Pero I know some places na pwede kang mag enjoy just like the arcade, mayroon do’ng mga laruan just like basket ball gano’n, claw machines, dance dance revolution, and more. Mayroon nga rin do’ng karaoke eh tapos ang mga tickets na mapapanalunan mo sa mga laro ay pwede mong iexchange sa mga nasa price pool. Sobrang exciting sa lugar na iyon haha kaso I don’t know if you are going to enjoy, feeling ko kasi you are not into kids games haha” Sambit ko at napakamot sa aking balikat dahil sa hiya.
Shocks Jean! Nakakainis! Nakakahiya! Hindi ko maiwasan ang pagiging madaldal at ang maraming sinasabi lalo na kapag hindi ko naman masyadong ka close pa ang kausap ko. I mean okay lang naman maging talkative kahit na kanino kaso parang nakakahiya at some point dahil hindi naman kami gaanong kaclose ng kasama ko ngayon. Unlike Jackson, may mga napagchismisan na kami at napagsamahan kahit papaano eh paano naman ‘tong si Bryan? Ang awkward pa nga rin kasi eh at the same time since nag confess siya sa akin out of nowhere due to love at first sight na hindi naman kapani paniwala.
“Oh? Bakit naman bigla kang natahimik? Don’t tell me nahihiya ka haha, please be comfortable with me. I love the way you are talking” Sambit ni Bryan at pumalong baba pa habang nakatitig sa akin.
He’s handsome I know but he’s kind of creepy and weird din at the same time. Napalunok na lamang ako ng laway ko at tumawa ng peke. Jusko Jean, ano ba naman itong pinasok mo? Ngumiti na lamang ako sa kaniyang muli ng peke hanggang sa namalayan ko na lang bigla na may taong umupo sa likod ko kaya agad kong tinignan kung sino ito pero hindi ko inaasahan ang nakita ko dahil ‘di ko inexpect na pupunta siya ngayon dito.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay bahagya. Teka nga, don’t tell me sinusundan ako ng isang ‘to? Char.
“Nothing, just having fun.” Malamig nitong tugon at nag dikwatro. Nagkabit balikat sin siya at lumingon sa aming dalawa ni Bryan. “Hey, mind if I join?” Dagdag na sambit pa nito kay Bryan at ngumisi ngisi pa.
Ng dahil do’n ay kaagad namang napukw ang tingin ko ngayon kay Bryan na nakaupo sa kaliwang tabi ko habang nanggagalaiti na sa galit. Kita ko ang pagsiring ng kaniyang mga mata kay Jackson ngunit hindi rin naman ito nagtagal dahil ngumisi rin siya kinalaunan at tumawa ng bahagya ngunit sarkastiko. ‘Yong totoo? Ano ba ang mayroon sa dalawang ito? Kada na lang magkikita sila ay parang magkakaroon ng world war three anytime. Hmm nakaka curious ng bongga ha? Machika nga si Avi about dito charot.
“Jean and I are both having a great time. We can still continue to have fun if you didn’t even tried to join us, am I right Jean?” Sambit sa akin ni Bryan at tumingin sa akin na para bang pinipilit akong sabihin na ‘oo, nageenjoy kaming dalawa’ kahit na hindi naman talaga siya masaya kasama.
“Well, I’m asking Jean if it’s alright with her. Jean?” Tanong naman sa akin ni Jackson maya sa kaniya ako nakatingin this time.
Ano ba kasing meron? Ako tuloy ang naiipit sa alitan ng dalawang ito. Hindi ko alam kung papasamahin ko si Jackson dahil iyon ang gusto niya or huwag dahil ayaw ni Bryan kasama ang isang bakulaw na ito. Pumikit na lamang ako sandali at nag breathe in, breathe out. Relax self, think wisely.
“Uhm bahala kayo kung ano ang gusto niyong gawin. If ayaw niyong kasama ang isa’t isa or gusto niyo then it’s also fine with me, uuwi na lang muna siguro ako hahaha mukhang hindi kasi kayo in good terms dalawa. I mean gusto ko naman kayo kasama pareho okay? Kaso nga lang ayoko maipit sa alitan niyo dahil baka kapag naggala tayong tatlo ng magkakasama ay puro bangayan na lang ang abutin habang ako ay aawatin kayo ng aawatin. If gano’n lang naman ang mangyayari ay uuwi na lang ako, hassle free pa” Paglabas ko sa kanilang dalawa ng saloobin ko at tumayo na ngunit kaagad naman nila akong pinigilan sa way na paghigit sa akin pabalik sa pagupo sa magkabilang kamay ko.
Hawak hawak ni Bryan ang kaliwa kong braso habang si Jackson naman ang nasa kanan. Wrong move pala ang pag upo ko sa pwestong ito, ako ang maririndi huhu. Vanny, Avi, nasaan ba kayong dalawa? Tulungan niyo ako huhuhu gusto ko ng makawala sa trahedyang ito.
“Stay.” Jackson.
“Sumama ka na, Jean” Bryan.
Sabay nilang tugon kaya natigilan na lamang ako at napag pasiyahang sumamang muli sa kanilang dalawa. Sa totoo lang eh ang gusto ko talaga ay umuwi na dahil ayoko ng atmosphere rito kaso nga lang ay nakakahiya baka kasi isipin nila na ayaw kong sila kasama pero ‘di ba napaliwanag ko naman na sa kanila iyon ng ayos? Na kaya lang gusto kong umuwi ay dahil naiiipit ako sa bangayan nilang dalawa. Nothing more and nothing less. Binabawi ko na pala ang pagsabi ko sa aking sarili na kaya kong magadjust kahit na kaninong tao huhu, wrong move na wrong move talaga.
“So saan ba kasi tayo? Mag suggest naman kayo” ani ko at nagkabit balikat na lamang habang hinihintay ang suggestion mg dalawa kong kasama.
“Do’n na lang tayo sa sinabi mo kanina na arcade, mukhang masaya haha” Ani naman ni Bryan at tumayo na.
Napangiti na lamang ako dahil gusto ko rin sa lugar na iyon kaya tumayo na rin ako kagaya niya ng may malawak na ngiti sa labi ko ngunit hindi kami makapagsimulang pumunta ro’n dahil hinihintay pa namin ang sagot ni Jackson since he decided to join us. Nakatingin lamang ako sa kaniya dahil hinihintay ko ang sagot niya. Nakangisi itong tumingin sa akin at tumayo rin kinalaunan.
“I will take that as a yes” ani ko at ngumiti sa kaniya ng malawak habang sinusundot sundot pa ang kaniyang gilid ng tiyan.
Ang saya yehey! Magaarcade kaming tatlo. Sana nga lang ay magkasundo na silang dalawa mamaya para hindi awkward ang pamamasyal namjng tatlo rito. Ako na ang naunang maglakad patungo sa arcade habang nakasunod naman silang dalawa sa akin. Aba, alangan namang mag hintay ako ng dalawang tuko sa likod ko no? Mauuna na lang ako. Hindi sila kaya ng pasensya ko haha baka hindi lang nila alam na mas malakas pa ang toyo ko kaysa sa kanilang dalawa kahit na mag join force pa sila r’yan hmp.