Jean Avril Mendoza's Point of View:
“So girls, we’ll go ahead na ni Baby Ian! Kita kits later mwah mwah” Narinig kong paalam sa amin ni Avi at nag blow pa ng kiss with matching wink and kindat pa. Napairap na lamang ako at natawa ng bahagya dahil kire talaga ang isang ‘to kahit saang banda.
“Bye rin! Mag-ingat wag kayo mag-ingat bye!” Sambit ko na lamang at napatungo ng wala sa oras.
Sobrang nakakatamad, hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na lang muna magpahinga pero nagugutom ako at the same time. Hindi ko alam kung matutulog ako or kakain muna, alam ko kasi na kapag magkasabay mag lunch sina Avi at Ian ay matic magkasabay ding kakain si Vannessa at Ethan. Hay, ang hirap pala maging single no? Laging napagiiwanan sa tropa dahil nagkataon lamang na ako lang ang walang partner or jowa sa aming tatlo.
Nakakahiya naman ‘di ba kung sasabay ako kela Ethan at best friend na kumain? Bebe time nila ngayon eh kaya ayoko munang sumiksik pa dahil gusto ko sila bigyan ng time na pang sa kanila lang, ‘yong tipo na hindi ako kasama muna. Siguro dahil sa mga nangyayari, senyales na yata ito na kailangan ko ng maghanap ng bebe char.
“Huy best friend, tara na at kumain na tayo ng lunch. Sabay ka na sa amin ni Ethan hehe, lalabas kami sa mall daw kami kakain eh para iba. Let’s go na best friend hihi” Ani ni Vanny at niyugyog pa ako ng niyugyog.
Sabi na nga ba at ganito ang mangyayari haha buti na lang prepared ako sa gagawin kong pag tanggi sa kaniya. Baka kasi hindi niya magets na kaya lang naman ayaw kong sumama ay dahil sa gusto kong magkaroon sila ng time dalawa muna eh ang kaso baka bigla niyang isipin ayaw ko siyang kasama kasi naiilang ako sa kasama niya which is Ethan hehe pero I know Vanny naman eh, alam kong matalino siya and tama ang maiisip niya about sa gagawin kong pag tanggi sa alok niya.
“Uhmm..” Muni ko habang inaangat ang aking ulo para tumingin sa kaniya. Nakita ko siyang nakangiti habang excited na hinihintay ang aking sagot.
“Ano.. kasi… ano…. hindi muna ako ano… sasabay hehehe kase ano… busog pa ako pati ano… basta ayon ito na talaga. Gusto ko kasi muna kayong magkaroon ng bebe time ni Ethan, I mean ayoko munang sumingit sa moment niyong dalawa just like what we are doing with Avi and Ian. I know you’ll understand me hehe pasalubungan niyo na lang ako best friend mwah!” Sambit ko na ikina touch naman niya siguro lol.
Hindi ko talaga kayang magsinungaling sa kaniya lalo na sa personal, kapag kasi nakikita ko siya ay nakakaguilty ng sobra kapag gagawan mo siya ng masasamang bagay haha well except na ro’n ang pang aasar ko sa kaniya kasi favorite thing ko ‘yong gawin everytime na bored ako. Naconvince naman silang dalawa sa sinabi ko kaya napagpasyahan na rin nilang umalis kalaunan.
Gutom na pala ako, saan kaya ako kakain? Kapag sa cafeteria for sure ang haba ng pila, ayoko naman pumila ng gano’n no? Nakaka inip kaya ng sobra. Kapag naman deliver eh for sure aabutin pa ako ng ilang minuto sa paghihintay. Kapag naman umalis ako at sa mall kakain ay tiyak na matatagalan ako lalo na’t wala naman akong private vehicle. Commute gaming nga lang ako palagi eh huhu kawawa naman ako send Lamborghini guys.
Ang hirap mag isip ng kakainin haha mas mabuti pang magpa abot na lang ng gutom at sa bahay kumain ng meal, makakatipid pa at the same time huhu plus may merch pa ng Spade mula sa ipon. Tama tama, magpagutom na lang at sa bahay bumawi ng kain. Ang talino mo talaga Jam! Natawa na lamang ako at muling tumungo.
Mag-isa pa rin ako rito sa classroom hanggang ngayon kaya naman masayang magstay at matulog dahil tahimik at maaliwalas. Ang lamig kaya sobra gawa ng ac, split time tapos max pa yung cold grabe para na akong nasa loob ng igloo. Sayang nga lang dahil wala akong dalang jacket pero ayos lang naman hehe maganda naman ang outfit ko today.
I decided to sleep na lang muna pang samantala habang hinihintay ang dalawa kong best friend but biglang may kumulbit sa ulo ko na dahilan ng pag ayos ko ng upo. Agad kong napansin ang nakatayong si Bryan sa harapan ko habang may subo subo pang lollipop. Kunot noo ko siyang tinignan na para bang nagtatanong kung bakit niya ako kinulbit and kung may kailangan ba siya sa akin.
“Why?” I asked.
“Iyong pagkain mo oh! Lalamig ‘yan sige ka. Kumain ka na muna bago ka matulog hehe mukhang ang sarap pa naman ng baon mo, ano ‘yan tonkatsu?” Narinig kong ani ni Bryan habang ngumunguso nguso pa sa lamesang nasa tabi ko.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kaya lumingon ako sa pwesto kung saan siya nak focus at nagulat na lamang ako dahil nakakita ako ng isang lunch meal sa tabi ko. Hala, hindi sa akin ‘to baka nagkakamali lang siya ng akala.
“Huh? Hindi sa akin ‘yan no? Baka kay Avi, ro’n sa kapatid mo” sabi ko na lamang at nagkabit balikat. Panira naman kasi ang isang ‘to eh, malapit na kaya akong makatulog kanina no? Hmp.
“Nope. Imposible. Nakain sila ngayon ni Ian ng steak sa cafeteria, nakita ko sila haha” He said and umupo sa may tabi ko. “Baon mo ‘yan ‘di ba? Kainin mo na dahil malapit na rin namang matapos ang lunch break” sabi niya sa akin at isinandal ang kaniyang batok sa may sandalan ng upuan sabay pikit.
“Hindi ko nga sabi dala iyan. Baka may nagpatong lang niyan haha at tsaka busog pa ako no? Sa bahay na ako kakain” sabi ko na lamang ulit at pumalong baba.
“Huh? Hindi m—-“ Hindi naituloy ni Bryan ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating si Jackson na may mga onting pasa at sugat sa gilid ng kaniyang labi, ano kaya ang nangyari sa isang ‘to?
“A-ayos ka lang ba?” Nagaalala kong tanong sa kaniya at dali daling lumapit para tignan ang kaniyang sugatan na mukha. Hindi naman totally sugatan, siguro bahagya lang na nasugatan.
“Yup, I’m fine. Kumain ka na, bahala ka papayat ka niyan” Ani ni Jackson at ngumisi pa. Aba naman ang isang ‘to, nagawa pang makapag biro ha.
Natawa na lamang ako at bumalik sa upuan ko katabi si Bryan. Naalala ko tuloy no’ng may sakit ako at hinatid ako ni Jackson. Paiyak na ako ng time na ‘yon dahil akala ko eh iniwan niya na ako ng tuluyan dahil lumabas siya pero hindi pala dahil lumabas lang siya para kunin ‘yong gamot ko sa kotse niya dahil nalimutan niya raw. No’ng mga time na ‘yon ay nakita ko ang sincerity at concern niya sa akin dahil hindi niya ako iniwan hanggat wala akong kasama. But hey, huwag kayong mag-isip ng masama ha dahil no’ng mga time na ‘yon ay wala kaming ginawa kung ‘di ang maglaro ng xbox sa bahay.
“Close kayo?” Rinig kong tanong sa akin ni Bryan habang papalapit sa akin ang kaniyang mukha. Habang papalapit ang kaniyang mukha ay siyang papalayo naman ng mukha ko sa kaniya, ano bang meron sa isang ‘to? Kadiri.
“Haha hindi ko nga rin alam eh. Minsan close, minsan strangers, and minsan enemies.” Sagot ko na lamang sa katanungan niya at kinuha ‘yong tonkatsu na nasa lamesa ni Avi.
Sino kaya ang naglagay nito? Sabi nila ay para sa akin daw ito eh haha kaya inassume kong sa akin nga pero kaagad ko namang naensure na sa aking meal ito dahil pagangat ko ng pagkin at may nakalagay na memo note ro’n. May nakasulat na ‘Don’t skip meals :) for you, Jean’ do’n. Kanino kaya galing ang isang ‘to? In fairness ha? Ang ganda magsulat.
“Sa ‘yo ba galing ‘to? Feeling ko sa ‘yo. Salamat ha?” Ani ko kay Bryan at sinimulan ng lumapang ng pagkain na ibinigay niya. I’m not sure kung galing nga talaga sa kaniya pero siya kasi ang naabutan ko rito kaya inexpect ko na sa kaniya na lang galing.
“Uh hindi ga—— oo pala, you are right hehe sa akin galing ‘yan. Ayoko kasing nagpapalipas ka ng gutom kaya binilhan kita ng tonkatsu, eatwell Jean. Masaya ako kapag nakikita kitang busog” Sambit sa akin ni Bryan at tinap tap pa ang ulo ko.
Ng dahil sa mga sinabi niyang iyon ay namula ang pisngi ko. Hindi dahil sa kilig ha? Siguro dahil iyon sa pagka touch gawa nag effort siya sa akin magbigay ng pagkain ng kusa haha. Pero nakakahiya pa rin at the same time dahil hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kaniya hmm siguro ilibre ko na lang siya ng meal no bago kami umuwi? Para makabawi lang ako haha, nothing else.
“Salamat Bryan hehe. Uhm ano treat ko later, pang bawi lang dito sa binigay mo sa aking lunch. No issues naman, friendly date lang I swear. Gusto ko lang talagang makabawi sa ‘yo, natouch kasi ako” ani ko ang ngumiti sa kaniya.
Hindi pa nakakapagsimulang magsalita si Bryan pero narinig ko naman kaagad si Jackson na nagdabog papalabas ng classroom. Ano kaya ang problema ng isang ‘yon? Kanina lang ay may mga sugat sa mukha tapos ngayon mainit ang ulo. Baka may problema siya, iapproach ko na lang siya mamaya para mapagaan ang loob niya since inalagaan naman niya ako last time sa may amin.