Avigail Lee’s Point of View:
“Oh my twinkle twinkle little star! What are you hiding ha?” Kinikilig kong question kay Baby Ian ko. I saw him kase hiding something behind him eh and I don’t have any idea kung ano iyon.
“Hmm secret po. I will give it to you while we are eating lunch in cafeteria and for now, makinig muna tayo sa dinidiscuss sa atin nitong si Ms. President okay ba?” He said while pinching my super duper pointed nose.
I smiled at him naman with my eyes semi closed. I nodded at him as sign of agreeing like a sweet child sabay patong ng ulo ko sa balikat niya, pinatong din naman niya ang kaniyang ulo sa ulo ko kinalaunan. We are supposed to eat our lunch na kasi ngayon kaso this epal na presindent interrupted us and asked us if she can get our spare times. I was about to make tanggi na nga eh to her requests but some of our bida bidang classmates agreed naman hmp.
“So hey! Alam ko namang kilala niyo akong lahat ‘di ba? I’m this batch’s sexy president hehe char! So ito na nga, intramurals twenty twenty one is already coming kaya we need to nominate our section’s representative for muse and escort. The palaro will be a three days event, the first day is all about the Mr. and Ms. Intramurals, second day is for the palaro and sports, while the third day is the awarding day. Every sections daw ay kailangang mag handa ng representatives dahil bukod sa pageant ay magkakaroon din ng para sa production number, games like indoor and outdoors games, and more. So as the nominees for the muse and escort, everyone is required to vote for their chosen ambassadors. Don’t worry, hindi pa naman tayo magsisimula hehe maybe mga next week pa. I’m just alarming you guys and vote for those who deserves to be on the spot! Thank you for giving me opportunity to speak, you may now take your lunch.” Mahabang paliwanag sa amin no’ng president kaya nagkatamlayan na naman ang iba ngunit biglang nagsipag hyperan ulit when she said na pwede ng kumain.
Nanakbo pa nga ang ilan eh para mabilis na pumila sa cafeteria since mahaba ang queue minsan, madalas pala rather haha samantalang kami nila Ian ay nagpahuli na dahil ayaw naming makipagsiksikan sa mga amoy pawis na iyon. Sabay sabay daw kasi dapat kaming kakain ng lunch now eh pero sabi ko sa kanila eh mauna na sila gawa ng bebe time muna kami ni Ian, they agreed naman. Vanny is going to eat her meal with Ethan just like me and Ian, while Jammy? I don’t know hehe maybe ipasabay ko na lang siya kay kuya Bry or kay Itim na tinutukso namin sa kaniya ni Vannessa.
“So girls, we’ll go ahead na ni Baby Ian! Kita kits later mwah mwah” paalam ko sa kanila at nag blow pa ng kiss with matching wink and kindat pa. Ang cute ko kaya no? Kaya dapat bago umalis ay full package.
“Bye rin! Mag-ingat wag kayo mag-ingat bye!” Sarkastikong pagkakasabi ni Jammy at kaagad na tumungo sa kaniyang lamesa. Well wala ng bago sa isang ‘to, sleepyhead talaga ever since.
Hindi ko na lamang siya pinansin at sa halip ay naglakad na patungo sa cafeteria with my baby Ian. We are holding each other’s hand while naka cling ako sa arms niya. We are just like certified couple in this campus pero deep inside, we have no label but that doesn’t stop us naman besides we are always aware of our limitations. Hindi pa nga kami nagkikiss eh kasi yuck yuck yuck, I can’t imagine sharing laway with other people no? Hindi naman sa pagiinarte pero gano’n na nga haha.
Habang naglalakad kami ay madami pa rin ang nakukunan namin ng atensyon because of our visual faces, maganda kasi kami and guwapo duh. We are used to in this kind of scenarios naman na in life kaya nga most of the time ay we feel like we are celebrities but with privacy naman. Ian and I are happily and peacefully walking papunta sa cafeteria and ng makarating kami ay kaagad kaming nakahanap ng vacant spot para ro’n kumain.
Just like before, ako ang magsstay sa lamesa while he’s going to fall in line to order. Sometimes I will pay for our meal but most of the time eh siya ang nagbabayad dahil naaapakan daw ang kaniyang ego kapag naglalabas ako ng pera para sa aming dalawa. Nalilibre ko lang naman siya kapag hindi niya alam na may bibigay ako and kakainin kaming dalawa eh hehe kaya hindi niya ako mapipigilan na magbayad. He never lets me pay for our meals eventhough may pera naman ako pang bayad sa bawat pagkain, he’s just that cute to take the full responsibility when it comes to my meal and eapecially me.
Right now, we decided to eat baby back ribs. Nakaka miss kasi ang lasa ng isang ‘yon kahit na ba sobrang pricey niya. It costs expensive but it’s super duper worth it naman for its price, kayang kaya na ‘yan ni Baby Ian ko. Pero for your information, hindi ko tine-take advantage ang pagmamagandang loob niya na ito ha? I will give him something naman later eh na hindi niya dapat malaman para makabawi ako. Maybe a Nike shoes or what? Hmm pag isipan ko later, barya lang naman ang mga ‘yan and it is for my one and only baby naman kaya there’s no need to ikapang hinayang pa ‘di ba?
I was just staring at my baby all the time, hindi siya nakakasawang tignan haha. He looks so good in my eyes haha ang pogi na nga, ang ganda pa ng personality. Can you imagine how perfect this guy can be? Oh my twinkle twinkle little star, ang ganda talaga ng lahi. Hindi ko maiwasan ang mapalayo ang aking mga tingin sa kaniya, maybe I’m drooling and maybe I ain’t pero nakaka fall siya lalo huhu. Napa palumbaba na lamang ako habang nakatitig sa kaniya at tinetrace ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa using my finger with it’s imaginary ink.
No’ng time na nakatitig ako sa kaniya ay napansin ko namang napatingin din siya sa akin with matching smile pa, pinapakita pa ang dimples na sobrang lalim halatang nangiinggit. Natatawa ko naman akong umirap sa kaniya at ibinaling na lamang ang tingin sa phone ko dahil nakaramdam ako ng kaunting pagkahiya. Masyado ko na palang pinapahalata na patay na patay ako sa kaniya huhu why are you like that self? Girl ka pa naman! Dapat sa ‘kin tangang tanga ‘yong lalaki eh hindi ‘yong sa lalaki ako tangang tanga. Very wrong move kaiyak much huhuness.
Binuksan ko na lamang ang phone ko at kinutingting ito. Ngayon ko lang naalala na I ran out of data na pala and ang malas lang since hindi ako connected sa wifi ng school gawa ng ibang phone ‘tong dala ko ngayon. Bitbit ko ang spare phone ko at hindi ‘yong main phone ko. Naiwan ko kasi sa house eh and itong spare na ito ay nakatago lang sa locker ko para may pang communicate pa rin ako kahit na wala akong phone or if ever na mawalan ako ng cellphone.
Hindi naman masyadong mahaba ang pila sa steak house kaya hindi pa umabot ng sampung minuto ang pagaantay ko kay Baby Ian ko. Nakangiti siyang umupo sa harapan ko while distributing each of our meal. Ang sarap ng binigay niya sa akin, sobrang daming sauce huhu nakakagutom na kaagad kahit itsura at aroma pa lang ang nakikita at naaamoy ko.
“Thank you!” Pasasalamat ko sa kaniya at nag sign of the cross bilang before meal prayer namin kay God. Ian done the same naman and nagstart na kaming kumain pagkatapos niyang gayahin ang ginawa ko.
“You are welcome” ani nito bago sumubo ng kaniyang meal.
“By the way, ano nga pala ‘yong ibibigay mo kamo sa akin?” Tanong ko sa kaniya in the middle of our meal. Ngayon ko lang kasi ulit naalala ‘yong bagay na tinatago niya sa likod ng kamay niya kanina eh haha and ang sabi niya ay sa lunch time niya raw ito ibibigay which is right now.
“Huh? Ay oo nga pala! I nearly forgot to give you my gift.” Miski siya ay nagulat sa aking sinabi dahil nalimutan niya na nga ring ibigay ito sa akin. Kaagad naman siyang umayos ng pwesto para kunin sa pocket ng coat niya ang isang bigay na he will give me at ng makuha niya iyon ay kaagad niya itong inilapag sa mesa with matching sweet smile pa in his lips.
“Ayan na ‘yong regalo ko sa ‘yo, open it Avi. I hope magustuhan mo ang simple present ko para sa ‘yo” ani nito sa akin at ipinagdikit ang kaniyang dalawang kamay.
Itinigil ko muna ang pag kain ko at masayang kinuha ang gift na inabot niya sa akin. What is his present kaya? I’m excited to open it na huhu. Nakangiti ako habang bunubuksan ang isang box na naka wrapper sa gitna ng table namin. Hindi naman masyadong tight ang pagkakakabit nito since may suporta itong ribbon sa gitna. Ng mabuksan ko na ang gift ay hindi ko maiwasan ang sobrang mapasaya dahil sa nakita ko.
Kinuha ko sa box ang isang pair ng couple bracelet na may pendant ng initial names namin. Sabi ni Ian sa akin ay kunin ko raw ‘yong bracelet na may lettwr ‘I’ samantalang kaniya naman ‘yong bracelet na may letter ‘A’. Dahil sa sobrang saya at excitement ko, dali dali ko itong sinuot at winiggle pa sa tapat ng camera para i-shoot ito ng boomerang at iupload sa aking i********: Story.
“Thank you, Ian! Oh my twinkle twinkle little star, I’m so freaking happy huhu. Sobrang hindi ko ito inexpect kaya thank you talaga!” Natutuwa kong ani sa kaniya at agad agad na tumayo mula sa kinauupuan ko sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.
“You are always welcome, Avi. I’m happy that you appreciated my simple gift” He said happily and hugged me back.
Ilang sandali pa ay kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at bumalik na sa pwesto ko kanina. I’m so happy right now kung alam niyo na, para akong naka jackpot huhu dahil bukod sa kasabay kong kumain ng lunch si Baby Ian at masarap ‘yong baby back ribs na binili namin ay mayroon pa siyang surprise gift sa akin na couple bracelet para daw twinning kaming dalawa.
Okay so gay mode on na ulit talaga ako. Sure na sure na ang pagbili ko sa kaniya ng Nike air shoes mamaya sa mall huhu plus dadagdagan ko pa ng converse na bag dahil masyado niya akong pinapasaya. Told you Ian, wag mo akong papakiligin ng sobra ayan tuloy isspoil na naman kita ng mga gusto mo sa buhay. Ikaw talaga Ian, ang naughty naughty mo.