Jean Avril Mendoza’s Point of View: Nakapasok na ako ng silid ko at nilock ito. Inayos ko na muna ang mga gamit ko kung saan ito dapat na nakalagay para check ko na ng ayos ‘yong teddy bear na binigay sa akin kanina. It feels so strange pero nakakakilig din at the same time. Sa dami rami ng nagkakagusto sa akin ay ngayon ko lang naranasan ang magkaroon ng secret admirer tapos may mga binibigay pang random stuffs like letters and studded toys. Hindi ko tuloy maimagine kung ano pa ‘yong next time niyang ibibigay sa akin hahaha, weird. Ininspect ko ito ng bongga, baka kasi mayroon itong camera sa loob hahaha pero hoping naman ako na wala. No’ng tinanggal ko ‘yong teddy bear sa paper bag niya ay may nakita na naman akong isang envelope do’n. Sobra ang curiosity ko dahil alam kong para sa aki

