Jean Avril Mendoza's Point of View: Today is lunch time and nakakapanibago nga lang dahil hindi magkasabay kumain sina Vanny at Bryan. Habang nakain kami rito sa loob ng club ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kaniyang ginawa sa sarili maging sa pagkaing nasa harapan niya. Paano ba naman kasi, tinusok tusok na niya 'yung meat sa Caldereta tapos kinukuroy kurot pa ang sarili. Malyamo naloloka na ang isang 'to, ano ba kasi ang nangyari? "Huy, Vanny!" Malakas kong tawag sa kaniya na sapat na para marinig niya. Dahil sa ginawa kong 'yon ay kaagad ko namang nakuha ang kaniyang atensyon kung kaya naman ay humarap ito sa akin ng bigla. Napansin ko naman sa kaniyang mga nata na pugtong pugto ito kaya wala akong ibang nagawa kung 'di dali dali siyang lapitan at yakapin. Dahil sa ginawa kong 'y

