Jean Avril Mendoza's Point of View: Naglalakad ako pauwi sa madilim na eskenita patungo sa aming bahay. Makaluma ang lahat at ako ay nakasuot ng nakabaro't saya. Nagmula ako sa palengke at namili ng mga kailangan upang lutuin sa aking munting tahanan. Hindi ko akalaing mabilis na tatakbo ang oras. Kung sana lamang ay maagap ako sa pagtingin ng oras, hindi ako gagabihin. Ngunit halos magimbal ang aking buong sistema nang makita ko si Ricardo, ang kapatid kong naglayas sa amin at mayroong malagkit na pagtingin sa akin. Labis ko siyang kinasusuklaman at ayaw ko na siyang makita pa ngunit mapaglaro ang tadhana. Bakit ba bumalik pa ito!? Malungkot at naiyak akong naglalakad na kahit madilim, hindi ko na inalintana ito dahil ang mahalaga ay matakasan ko ang lalaking sisira sa buhay ko, si R

