
Isang hindi pansining babae si Gabriella Sullivan sa kaniyang pinapasukang eskuwelahan. Madalas ang nakakapansin sa kanya ay mga luko-luko sa kalsada. Bagaman hindi na naging big deal iyon kay Gabriella, ngunit sa likod ng isip niya, naroon ang mumunting mithiin at hangarin ng puso niyang kahit sa huling taon niya sa academy, nais niyang makagawa ng pangalan.
Tila isang kabute namang sumulpot si Lucas sa buhay niya. He introduced music to her. Ito ang naging tulay upang unti-unti niyang marating ang mithiing inaasam-asam, ngunit kasabay niyon ang pagkalito sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Minahal niya ang musika, the way she loved her favorite song, Lucas Frantehr.

