♥♪♪ Seems like everybody's got a price
I wonder how they sleep at night
When the sale comes first and the truth comes second
Just stop for a minute and smile
Why is everybody so serious?
Acting so damn mysterious
You got your shades on your eyes and your heels so high
That you can't even have a good time
Everybody look to their left
Everybody look to their right
Can you feel that? Yeah
We'll pay them with love tonight
It's not about the money, money, money
We don't need your money, money, money
We just wanna make the world dance
Forget about the price tag
Ain't about the cha-ching, cha-ching
Ain't about the ba-bling, ba-bling
Wanna make the world dance
Forget about the price tag
We need to take it back in time
When music made us all unite
And it wasn't low blows and video hoes
Am I the only one gettin' tired?
Why is everybody so obsessed?
Money can't buy us happiness
Can we all slow down and enjoy right now
Guarantee we'll be feelin' alright
Everybody look to their left
Everybody look to their right
Can you feel that? Yeah
We'll pay them with love tonight
$+$+$+$+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$
DIXIE's POV
"Panu na yan Dixie! Wala na tayong pera. Sinaid na ng AJ na yun!"
Kanina pa sumasakit ang ulo ko. My God! Walang tinira sa akin si AJ. Hayop siya! Akala ko pa naman hindi siya ganun yun pala ganun din siya.
"Hindi ko alam, Mommy Amy...Wala siyang tinira sa pera ko!"
"Ano nang balak mo, anak?"
"Ano pa? Aalis na tayo dito Mommy Amy. Wala na tayong karapatan sa mansion na ito dahil nakuha na ni AJ ang parte ko dito...Ang tanga ko kasi! Npapirma niya ako dun sa dukomentong iyon!"
"So, mag-eempake na ako?"
"Opo..Babalik na tayo sa squatter...", malungkot kong sabi.
Ano ba yan! Sa maikling panahon lang pala ako magiging mayaman. At dahil yan kay AJ..! Mukhang pera din pala ang hitad..!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Saan kayo pupunta?!"
Nagulat kami nang sigawan kami ni Serge.
Pababa na kami noon ng hagdan at may dala kaming malaking maleta.
"Babalik na kami kung saan kami nararapat..", sagot ko sabay tingin sa kanya.
"What are you talking about? Hindi kita maintindihan Dixie..", sabi ni Serge.
"Serge...Ninakaw ni AJ ang lahat- lahat ng pera ko. Ang tanga ko kasi nagtiwala ako sa kanya..(crying)..Ang tanga ko dahil nagpadala ako sa pambobola niya...Umasa ako na mamahalin niya ako kahit na...Kahit na binili ko lang siya...", tuluyan na akong napaiyak.
"Binili? What do you mean Dixie?!"
"Serge..Binayaran ko ng 1billion si AJ para maging lover ko..."
"What?!!!" O.o
"Ganun kana ka-desperada to fond a lover?!", muling sabi niya sa akin. Parang galit siya.
"Aalis na kami....", sabi ko. Dahil ayaw ko nang marinig pa ang masasakit na sasabihin niya. Babalik na ako kung saan ako nababagay. Sa squatter....
$+$+$+$+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$
"Hello everybody, I am Dixie Manansala. Twenty years of ages. From Lipa City Batangas and I can say that I believe in the saying ...Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa...I thank you..."
Masigabong palakpaan ang narinig ko pagtalikod ko.
Heto na ulet ako sa dati kong buhay. Paali-sali na lang sa mga pageant.
Minsan nami-miss ko pa rin ang pagiging mayaman..Pero hanggang doon na lang iyon. Mas masaya na ako sa dating ako.
Second runner up lang ako ng gabing iyon pero ayos lang...
Pag-uwi ko sa bahay, pagod akong nahiga. Nakatingin ako sa kisame. Biglang naisip ko si Serge...
Kumusta na kaya siya? Malamang ay galit na galit siya dahil sa binili ko si AJ ng one billion! Di ko naman siya masisisi. Ang tanga ko kasi madali akong nagtiwala sa panlabas na anyo ni AJ. Dapat pala mas nagtiwala ako kay Serge kahit na lagi niya akong tinatanga. Siguro concern lang siya sa akin...
Namiss ko tuloy ang pagiging nagger niya..Yung bunganga niya...Yung smile niya...Yung siya mismo..
haizt! Bakit ko ba iniisip yung Serge na yun!?
Di ko na to keri...!!!
$+$+$+$+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$ $+$+$
"GRABE! Super sale ang mga dress sa tiange!"
Tili ni Waffle. Galing lang kami noon ng tiange at ang dami naming pinamiling mga sexy na damit. Pauwi na kami noon sa bahay.
"Tomoh!!! Excited na akong isuot sa beach yung bathing suit na nabili kooo!!", mataray na sigaw ni Mommy Amy.
"Ay! Nakaka-umay ka Mommy Amy huh!!! Baka talbugan mo pa ako!", sabi ko at nagtawanan kami. ala kaming care kahit napaka-ingay namin sa kalsada at nasa gitna pa kaming tatlo.
PEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!
"Ay butiking bulag!!!", nagulat ako at naitapon ko ang mga plastic bags ng mga pinamili namin. SUmabog iyon sa kung san-san. Inis na pinanimot namin ang mga pinamili namin..
"Ang bathing suit koooo!!! Nasa pusaleeee!!!!", tili ni Mommy Amy nang makita na nasa putikan ang kanyang bathing suit na floral.
"Ang scarf kooo!!! Kinakagat ng asooo!!!", si Waffle naman.
Binalingan ko yung kotse na dahilan ng pagsabog ng mga damit namin. Grabe siya! GRRRRR!!!
"Labas!!!", sigaw ko. Nasa harapan ako ng kotse.
Pero wala yatang balak lumabas yung nasa kotse.
"Labas sabeeeeeeeeeee!!!!"
Dahan- dahang lumabas yung nasa kotse...
Napamulagat ang mga mata ko.....
AJ.....
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko..Hindi pala si AJ..
Kundi si...
SERGE!!!
For real...
"Dixie...Im so sorry..", paghingi niya ng paumanhin sa amin. "Nagmamadali kasi ako.."
"Serge! I dont expectation this...", nakatulala ako.
"Papunta na sana ako sa bahay niyo...Kaya lang----"
"---Anong gagawin mo sa amin?"
"Sabihin na natin na may isa akong taong namimiss kaya ako pupunta dun sa house niyo?", may pilyong ngiti sa mga lips ni Serge. Kilig much aketch! Kalurkey itech!!!
"Bakit mo naman siya nami-mishhhh???", medyo maarteng sabi ko.
"Eh kasi ilang months ko na siyang di nakikita eh..."
"Talagahhhh?"
"Uh-mmm."
"At isa pa...I want that girl to be my girlfriend...And then to be my wife...To be with me for forever..", sumeryoso na si Serge.
*kurap-kurap
"Serge? joke toh ano? Nasa Bitoy's Funniest Video ba ako? Asan ang hidden cam?!!"
"Mukha ba akong nagloloko?"
"Pero galit ka sa akin-------------"
"I am not..Kahit pinakasalan mo pa si Lolo dahil sa pera niya or kahit binili mo si AJ ng one billion or more...Hindi ako magagalit sa iyo..."
"A-anong ibig sabihin nun?"
"Tanga kaba? Mahal kita, Dixie! Don't you get it?! Do you love me?!"
"Pag-iisipan ko.."
"No..I want your answer right now!"
"Wag mo akong sigawan! Nape-pressure ako!!! Ano ba?!"
"Ambagal mo kasing mag-isip eh!"
"Wait lang! Excited much kah!"
"Bibilangan kita..Up to five..Mahal mo ba ako o hindi?!"
"Ewan ko sa iyo!"
"Isa---------"
"Sandali lang..---"
"Dalawa!"
"Kainis ka--ano ba?---"
"Tatlo..Apat..Li--------------------"
"OO NA!!!"
Silence.................
"Anong 'oo na'?", amused na tanong ni Serge.
"TANGA KABA? Di mo kuha?! I love you, Serge..TOO..!!!"
Bigla niya akong niyakap sa sobrang saya. Hindi ko alam kung kelan ko naramdamang mahal ko si Serge. Bast mahal ko siya...Dahil all the time andyan siya para intindihin ang katangahan ko..
"Mahal mo ba talaga ako?", tanong ko pa kay Serge habang magkayakap kami.
"OO naman.."
"Kahit na mataray ako?"
"Oo.."
"Kahit na..Babaeng-bakla ako?"
"Kahit na..."
"Kahit na..Mukhang akong pera?"
"Kahit na..Kahit na! Kulit mo..Kahit na mukha ka pang pera o gold digger. Handa kong ipaubos sa iyo ang pera ko...MY PRICE TAG LOVER!"
Kinilig ako sa sinabi niya...
Nagkatitigan kaming dalawa..Unti-unting papalapit ang mga lips naman..
One centimeter na lang ang layo at.....
"EHEM..EHEM..!!! Ubo! Ubo!!! May dumaang UFO!"
Na-unsyami tuloy ang paglalaplapan namin ni Serge!
Kaazar naman sina Mommy Amy at Waffle....!!!
WAKAS