DIXIE's POV
Mabilis na umusad ang panahon..Nanatiling secret kay Serge na binili ko lamang si AJ sa halagang 1Billion pesos...
"You're wasting too much money Dixie!", sigaw niya sa akin.
Pinamili ko kasi ng gadgets si AJ at mga damit ng araw na iyon.
"Eh ano naman sa iyo ano?!", sigaw ko rin sa kanya.
"Alam mo Dixie, daig mo pa ang sugar mommy sa asta mong yan!", isang malutong na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Serge.
Binaba ko ang mga paperbags na hawak ko.
"Bakit Serge? Bakit ka ganyan magsalita? Akala mo di ako nasasaktan..How dare you na sabihan akong sugar mommy. Palibhasa lumaki kang may tatay sa tabi mo. Samantala ako..Samantala ako......", hindi ko na naituloy nag sasabihin ko dahil nag breakdown na ako. Umiyak na lang ako ng umiyak. Napaupo ako sa sofa habang tinatakpan ang mukha ko at umiiyak...
Na-feel ko ang kamay ni Serge sa likod ko...
"Sorry na...Sorry na..Tahan na..", marahan niyang sabi sa akin.
Bigla akong nag-inarte..."Ikaw kasi eh...Lagi mo na lang akong inaano. Di naman kita inaano dyan..", nakalabi kong sagot sabay punas sa tears ko.
"Kaya nga sorry na..Sorry na..", at nag make-face pa siya sa harap ko. Natuwa naman ako sa ginawa niya. "Uyyy..Di na siya galit...", sabi pa niya.
"Anong hindi na galit...Dapat ipagluto mo muna ako ng omelette...", sabi ko with lambing. Teka, bakit biglang bumait sa akin si Serge at ako rin bumait sa kanya? Praning na yata ako..
"O sige...Ang ganda mo naman pala pag nakangiti ka eh...!", nakangiting sabi sa akin ni Serge.
"Huh? Saan banda? Echos ka! Maganda na ako, since birth pa!", he giggled. Cute naman pala talaga ang bruho...!
"Ikaw talaga.."
"Sige..Gora na ako sa taas..", sabi ko sa kanya.
Ano ba itong nafe-feel ko...
KILEEEEG?????
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagulat ako pagpasok sa kwarto ko dahil andun si AJ.
"AJ...What are you doing here?"
May dala pa siyang alak.
"We have to celebrate..It's our 100 days anniversary..", wow naman! ANg sweet din naman pala nitong AJ ko...Nagsalin siya ng alak sabay nag-toast kami. Ininom naming dalawa yung isang boteng alak. Hanggang sa unti- unting manlabo ang paningin ko...AT may pilit pinapagawa sa akin si AJ..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan...
Breakfast...
Sabay- sabay kami sa table nina Serge, ako at ni Mommy Amy.
"Bakit wala pa si AJ?", biglang tanong ni Mommy Amy.
"Ewan ko..Lasing pa yata..nag-inom kami last night..", sagot ko.
"Nag-inom kayo??!", malakas na sbi ni Serge.
"oo..Whats the problemo?"
Umiling-iling siya.
"Panhikin ko na kaya siya Mommy..?"
"Sige, Dixie..Good idea..!"
Pumanhik na ako sa kwarto ni AJ.
Kumatok muna ako.
Tok!
Tok!
Tok!
inikot ko yung doorknob...Bukas naman pala..
Pagpasok ko, hindi ko nakita si AJ sa kama. Baka nasa banyo, pero wala rin dun! Pagtingin ko sa closet wal rin lahat ng damit niya...Inalala ko ang nangyari kagabi..Pero wala akong matandaang reason kung bakit siya umalis!
May nakita akong sulat sa ibabaw ng kama niya..I read it..
Dixie,
Thanks for everthing..Sorry nga pala but I need to do this...Nailipat ko nang lahat lahat ng pera mo sa banko sa name ko..Remember kagabi, pumirma ka dun sa document na pinapirmahan ko..I am so sorry, but I badly need your money..Love lots....xoxo
Nakuyumos ko yung sulat niya sabay bato.
Love lots???
xoxo????
hayoooopppp!!!!
Galit na galit akong bumaba sa salas sabay sigaw..
"Hayop ka AJ....!!! ANG PERA KO!!!!!!"