DIXIE's POV
Nagsusubuan kami ng barbecue ni AJ. Nagkaron kasi kami ng picnic sa Luneta ng araw na iyon. Siyempre kasama ang lahat. Ako, si AJ, si Mommy Amy at ang epal na si Serge!
Nakaupo kami sa malapit sa grill. Si Serge ang nagiihaw ng mga barbecue.
Maya- maya naluha- luha ang eyes ko dahil sa sandamukal na usok na pumunta sa amin ni AJ. Naita ko na over- over na pinapaypayan ni Serge yung grill kaya pumupunta sa amin ni AJ yung usok.
"Ano ba? Very smoky!", sita ko sa kanya. Pero para siyang bingi. Gora- gora pa rin sa pagpaypay.
Ubo.
Ubo.
Ubo.
Lumipat na lang kami ng pwesto ni AJ.
"Dun na lang tayo sa damuhan, AJ..Dun tayo magsubuan ha..", lambing ko kay AJ.
"Okey..If that's what you want..", nakangiting sabi niya sa akin.
Naupo kami sa damuhan. Ang kati- kati sa wetpaks kasi nakamikling summer dress ako. Kaya tumutusok sa balat ko yung damo pero oks lang naman. Nagsubuan ulit kami ng BBQ. Pagkaubos ng BBQ bigla akong niyakap ni AJ tapos hinarot niya ako at kiniliti.
"Ayyyyeeeeee!!! Wag dyan!!!! Me kiliti ako dyan!!! Wag dyan!!!", tili ko.
Biglang..
*bog!
"Araykepeeee....!!!!", may tumamang bola ng volleyball sa ulo ko.
"Paabot naman ng bola!", nakasimangot na utos ni Serge.
Aba! Nananadya pa itong di Serge! Anong palabas nito?
"Bakit ka ba dyan nagba-balibol sa tabi namin?", si Waffle pala ang kalaro nito. Si Mommy Amy naman natutulog sa blanket. Wala itong pakialam.
"Eh dito hindi mainit eh...!", sagot ni Serge.
"Oo nga Dixie..Ayoko rin sa mainit with sun..Sayang ang glutatayun ko ano!", maarteng sabi ni Waffle.
Nilapitan ko si Waffle sabay sapak sa kanya..."Hoy bakla! Napapansin ko dyan ka na kumakampi sa Serge na yan ha! Ikaw ha!", sabay sapak ko ulit sa kanya.
"Hmp!", sabi niya lang sa akin.
Naglaro ulit sila ng volleyball pagkakuha nila ng bola.
Lumipat na lang kami sa ilalim ng isang puno. Umupo muna si AJ tapos sumandal ako sa kanya. Para kaming nasa telenovela sa style namin na yun.
"This place is nice...Kahit edyo corny.", sabi ni AJ.
"Talaga?", malandi kong sabi sabay tingin sa mga mata niya. Our eyes talked.
Unti- unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko...Palapit ng palapit..Hanggang sa.....
*pLaG..!!!
"AreykupUuu!!!", pano kasi may lumaglag na bunga ng mangga sa ulo ko. Feeling ko, umiikot yung paningin ko. May mga nag-aawitang ibon at mga kerubin sa paligid ko. Shinake ko yung head ko at tumingala ako. Nyah!!! Si Serge pala ang may gawa kaya ako nalaglagan ng mangga sa ulo. Tumayo ako at sinigawan ko siya. "Hoy! Pano ka nakapunta dyan? Akala ko nag-babalibol kayo ni bakla?! Nananadya ka talaga ano? Ano bang problema mo? Bumaba ka nga here!.", gigil na sabi ko sa kanya. Dyosko! Nagkabukol yata ako sa bunbunan ketch!
"Busy kasi kayo sa lampungan niyo kaya hindi nyo napansin na umakyat ako rito!"
"Ah ganun? So its our fault?"
"Maybe.."
"ANo bang ginagawa mo dyan?!"
"Nangunguha ng mangga sabee! Nagpapakuha si Waffle.."
"Ah siguro, kayo na ni Waffle...?"
"Kapal mo! Hindi ah...!"
"Ganun talaga ako sa kaibigan! DI ko kinakalimutan kahit na may kasama akong iba!"
"Are you hearing me, ha?!"
"Anong hearing me?"
"Pinaparinggan mo ba ako? Para sabihin ko sa iyo..Loyal pa sa dobberman yang si Waffle sa akin.."
Tumalon na sa puno si Serge. May dala itong tatlong piraso ng mangga. Hindi na ako inimikan. Nakita ko na lang na kumakain na sila ng mangga. Grabe! Panira talaga ang lalakeng ito sa life ko! Grrrrrrr!!!!!
DIXIE's POV
Yay! Malapit na pala ang birthday party ko. Kaya naman gora na kami sa isang kilala naming first class na party organizer. Si Whitney, ang baklang negra.
"Ano bang gusto mong theme para sa birthday party mo, Dixie?", tanong niya sa akin. Nasa office niya ako at obvious, wag tanga..Nag-uusap kami.
"Theme? Anong theme? Themes ba sa cellphone? Open mo bluetooth mo, pasahan kita...", sagot ko sa kanya.
"Not that theme..Theme. Halimbawa..Jungle theme! Pool party theme! Children's party theme! Wildlife theme! Space Theme!..Yung ganun!"
"Ah, getsung ko na..Gusto ko kasi yung ma-fu-flaunt ko ang sexy body ko. Gusto ko kakaiba, bakla...Playboy theme kaya..Naka-bunny costume ako pero sexy dapat..Saka lahat ng pupunta naka-sexy outfit...!"
"Ay! Bongga! Keri ko yan...!"
"Diba may mas utak pa ako sayo bakla!", at nag-appear kaming dalawa ni Whitney na kulay uling.
"San nga pala ang like mong venue?"
"San ba ba? Wiz na iba..Sa mansyon ko syempre!"
"Okey..I'll get there...Para maplano ko ng maayos ang lahat- lahtat.."
"Ayusin mo yan bakla huh...Gusto ko may media rin at icocover yung party sa TV...Gusto ko ABS-CBN or GMA Kapuso..."
--------------------------
Pagkapasok ko ng bahay agad akong sinalubong ni Serge. Wait, parang galit yata siya. Bakit kaya? Hinila niya ako sa braso. "What's the meaning of this?", ipinakita niya sa akin ang isang piece of paper.
"Anong meaning of this?", naguguluhang tanong ni Serge.
"Eto..!", binigay niya sa akin yung papel. Marriage contract namin ng Lolo Romero niya. Oh my gulay! Alam na niya na nagpakasal kami ng lolo niya.
"Sabi mo, inalagaan mo si Lolo kaya ka niya binigyan ng mana..You lied to me! Pinakasalan mo lang siya because of his money, right? You----Gold digger! User! Social climber", nanatili akong nakatingin sa dokumento. Hindi ako makapagsalita.
Sobrang nakakahiya! Tumakbo na ako sa kwarto ko at doon ko binuhos lahat ng luha ko. Ang sakit kasi na matawag na gold-digger, user at social.......Basta may sinabi pa siyang isa hindi ko lang alam ang meaning nun. Pero mukhang masama ang meaning nung may social. Grabe naman magsalita yang Serge na yan! Akala mo kung sino! May araw ka rin.
Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko. Paglingon ko, si AJ pala.
"Are you crying..?", tanong niya.
"Napuwing lang ako..", sagot ko sabay wipe my tears.
"Lumang palusot na yan and I'm not buying it.."
"Ehhh..."
"Tell me..Why are crying..?"
"Si Serge kasi..Kung anu- anong sinasabi sa akin..."
"Baka concern lang siya sa yo."
"Hindi mo naiintindihan AJ..."
"I know..."
"AJ..."
"Hmmm...???"
"Dont leave me...", nyah! Bakit bigla akong nag-drama dito. Parang di bagay sa akin.
"I wont...", he hugged me. Comfort na comfort ako...
--------------------------------
SERGE's POV
Wah!
Bakit ko ba sinabihan si Dixie ng ganun. Mukhang nasaktan ko siya ah. Mag-sorry kaya ako sa kanya. Baka naman pagtawanan lang niya ako kapag ginawa ko iyon. Well, ano namang pakialam ko kung galit siya? Wala akong paki..Wala akong.....
Argh!
Hindi talaga ako mapakali kapag ganitong alam kong galit siya ngayon sa akin. Bakit iba na? Dati naman ayos lang kahit magkagalit kami pero ngayon.....
Am I falling for her...Ambilis naman!
Isa pa..Di siya ang dream girl ko....Gusto ko yung kagalang- galang...
Eh di si Imelda Marcos pakasalan mo, bulong ng konsensiya ko.
Tumigil ka nga konsensiya!
Ahhh! Bumangon ako sa kama ko. Tama..Magso-sorry na lang ako sa kanya!
Naglakad na ako patungo sa kwarto niya. Hindi yun naka-lock kaya binuksan ko. Pagbukas ko nakita kong magkayakap sina Dixie at AJ. Hindi ko alam pero nakaramdam talaga ako ng selos sa ginagawa nila. Sinarhan ko yung pinto ng pabalibag. Wa ako care kahit naistorbo ko sila. Pumunta ako sa mini bar ng mansion at doon ako uminom...
Bacardi Rum ang tinira ko...
Isang shot...
Dalawa..
Hanggang sa malasing na ako..
Nakita kong papalapit si Dixie sa harapan ko. Umiikot na ang paningin ko...
"Dixie...! Harito ka! Hik..!", sabi ko.
"Lasing kana..."
"Hindi pa ako lasheeng noh! Soorry nga pala kanina huh..Ikaw kasi eh..Akalain ko ba naman na inasawa mo pala ang lolo ko...", bakit iba yata ang tingin ko ngayon kay Dixie..Parang ang ganda- ganda niya ngayon..Parang....
Parang gusto ko siyang i-kiss....
Hinawakan ko siya sa pisngi tapos unti- unti kong inilapit ang mukha ko sa face niya ..Halos point 001 millimeters na ang layo ng bibig namin ng bigla siyang magsalita...
"Papa Serge???.."
Papa Serge!?
Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganun ah!!!
WAFFLE..??????!!!!!!!!!!!!