CHAPTER 08

941 Words
SERGE's POV Trip kong mag-swimming ngayong umaga kaya nagpunta ako sa swimming pool area. Pero pag punta ko doon nauna na palang nag-su-swimming si AJ, yung boyfriend "daw" ni Dixie. Sa totoo lang, mainit ang dugo ko sa isang ito eh! Parang..Ewan ko..Madali talagang magtiwala si Dixie kung kani-kanino. At ito namang nakuha niyang BF..Feeling kanya na itong bahay na ito. At may gana pa talagang mag-swimming. Weh! Talo ako sa palakihan ng katawan ni AJ ah! Sa next week promise mag-gi-gym na talaga ako. Naka-swimming trunks din ako tulad niya. Nag-dive ako sa tubig. Hindi ako bumalik kahit nauna pa siya sa pool..Sampid lang yata siya ano! Langoy- langoy ako. "Hey, bro!", sigaw niya sa akin. Hmm? "Kaano- ano ka ni Dixie?", tanong niya sa akin. "Ako..Were friends...", napangiwi ako sa sagot ko. Friends? Saang banda? Kelan pa? Tumango- tango lang siya. Umahon siya sa tubig. Nag-ultawan ang muscles niya sa katawan. Napatingin ako sa katawan ko. Nyah! Di naman ako payat. May muscles rin ako kaya lang mas-muscles ang kay AJ saka mas may height siya sa akin kaya mas lalake siyang tingnan kesa sa akin. Argh! Ano ba itong iniisip ko? Insecure ba ako sa kanya? Hindi! Pumasok na siya sa loob ng bahay. Waheheh..Solo ko na rin sa wakas ang pool. Dumapa ako sa water bed na naroon. Medyo di pa masakit ang sikat ng araw. Naistorbo ako sa impit na tilian na papalapit sa pool. Paglingon ko nakita ko sina Dixie at Waffle na halos takbuhin ang pool. Naka-swimsuit silang dalawa. Yes, pati si Waffle. Nakakaumay nga eh.. Infairness..Sexy si Dixie. Flawless pa.. "Asan na? Asan na?", tila nahahanap ng kung ano yung dalawa. "Anong asan na?", sabi ko. "Ay kabayo!", gulat na sigaw ni Dixie. So hindi nila napansin na nakahiga ako dito sa water bed. Kasi nagulat sila sa existence ko sa pool eh. "Anong asan na?", ulit ko sa tanong ko. "Ay, wala na..", hindi nila ako sinagot. Nakita na parang disappointed na disappointed sila. Para silang natalo sa derby. "Sino bang hinahanap nyo?", medyo pasigaw na ang boses ko kasi hindi talaga nila ako napapansin kanina pa. Sayang ang pagsusuot ko ng trunks, ano. "Ay, Papa Serge..Your there pala! Sarreh..Hindi ka namin napansin kasi itong si Dixie eh..Sightsung si Papa AJ in trunks kaya gora much kami dito sa pool. Kaya lang disappearing na si AJ..Na sightsung mo ba siya?", sabi ni Waffle. Tumalon na rin ito sa pool at sumabit sa water bed. Nagpapahid namain si Dixie ng lotion sa gilid ng pool. "Ah..Andito nga siya kanina kaya lang umalis na. Tapos na yata mag-swimming...", sagot ko. "Ako ba hinahanap niyo?" Sabay- sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakita ko ang expression nina Waffle at Dixie. Hindi na naka-trunks si AJ kundi nagchange outfit ito. Naka bikini brief na ito. Nilapitan ito ni Dixie at naghalikan ang dalawa. Iniba ko ang direksyon ng paningin ko. Hmp! Teka, ano ito? Jealous ba ako? Hindi ah! Naadwa lang ako sa kissing scene ng dalawa. Holding hands sila na umupo sa gilid ng pool. "Pahiran mo naman ako ng expired na lotion..", malanding sabi ni Dixie kay AJ sabay abot sa lalake ng Jergens na lotion. Yuck! Ginaya pa si Eugene Domingo sa Gunaw Episode ng My Valentines Girls. Wala talaga originality si author! (Author: Sapukin kita dyan Serge eh! Alam mo bang kaya kitang idispatsa sa kwentong ito..Lunurin kaya kita sa pool..Ano? *evil grin*...Sinong walang originality nagyon?!) Chillax lang! Okey..Si Dixie na ang walang originality. Hay naku..Nanonood lang kami ni Waffle sa ka- sweetan ng dalawa. Pero ano nga kaya itong nararamdaman ko. Bakit parang naiinis ako sa nkikita ko. Na-iinlove ba ako kay Dixie? Ah! Hindi to pwede! Ang dream girl ko..Yung mahinhin at di tulad ni Dixie na pakawala... Hmm..Okey, di siya pakawala..Medyo flirt na ewan lang siya. Tapos nagtulakan pa sila sa pool. "Kakainggit sila ano? Tayo rin kaya?", nang-aakit na sabi sa akin ni Waffle. Inumangan ko siya ng suntok tapos tumigil na siya. " Peace..Peace be with you...(^_^)V ", sabi na lang niya. "Hindi ka ba jelling- jelling dyan, Papa Serge..", muling tanong ni Waffle. "Bakit naman ako mag-jejelling?" "Dahil dyaaaaan...Hmm..", nginuso pa niya sa akin sina Dixie na naghaharutan. "Hindi ah...Bakit naman ako magseselos? Ikaw ha!" "Okey..Believe na me, sa iyo..Pero if ever..I vote for you for my friend..." "Si Dixie..???" "Oo..Mabait naman yang friend ko eh..." "Si Dixie?!” "Oo nga..Saka..Maganda pa!" "Si Dixie...???" "Oo nga..Kulit mo..Pero mukhang ahead sa iyo ang AJ na yun kay Dixie..Yummy nga siya pero hanggang dun lang siya..Pero..Vote-sung pa rin aetch sa iyo..!" "Eh ano naman sa akin?!" Biglang nagsalita bigla si Dixie. Nagpaparinig yata sa akin. "Oh my..Bagay na bagay sa iyo ang bikini brief mo AJ..", tumingin- tingin pa sa akin si Dixie na parang pinaparinig sa akin ang sinasabi niya. Aba! Papatalo ba naman ako. Hinubo ko yung trunks ko. Don't worry naka- bikini briefs din ako sa ilalim ng trunks. Nag-stretching ako sa gilid ng pool. "Wawa-wow! Wa-wa-wow!!!", malakas na tili sa akin ni Waffle with matching palakpak on the side. Umirap lang sa akin si Dixie. "Wow! Naman AJ! May abs ka pala! Pabilang..Pabilang...One, two, three, four, five, six...Seven! Yay! Seven packs abs!", nakakalokong ngumiti sa akin si Dixie. Yah! Talo na ako dun. Wala akong abs eh. Meron man, hindi naman visible masyado. Kulang pa ako sa work out. Talagang pinagbabangga kami ni AJ ng Dixie na ito ah! Pumasok na ako sa loob. Not ean na papatalo ako kay AJ. Katawan lang at mukha ang meron siya..AKo may utak! Kailangan kong mapaalis ang AJ na yan sa pamamahay ko..I mean, pamamahay namin ni Dixie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD