DIXIE's POV
Tinitigan ko ng masama yung bakla. Bigla syang umirap sa akin tapos umalis. Walk- out ang drama ni vaklush! Napasigaw kami ni Waffle sa sobrang saya.
"Pero bakla...One billion ang na- bid mo!", sigaw sa akin ni Waffle.
"Okey lang! Ka-ching lang yang one billion na yan sa nakuha ko kay Don ROmero ano?! Weeeee....Sa akin na si AJ Young!", hiyaw ko.
Para kaming nasa isolated place na kami lang dalawa ni Waffle ang tao. Kami lang kasi ang sobrang ingay.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DOORBELL!!!
Maya- maya bumukas na yung gate. Pinasok na namin yung kotse. Kasama na namin tonight si AJ Young. I give up my one billion kanina. Ewan ko ba kung bakit ko naisipang bilhin ang isang tulad ni AJ. Natatakot lang siguro akong makapag-asawa ng kung sino- sino at baka pera lang ang habol sa akin. Ayaw ko ng ganun ano.
"Ah AJ----------", natigilan ako sa pagsasalita kasi nakita kong hinahawakan ni Waffle si AJ sa chest. Binatukan ko si Waffle.
"Arayku!"
"Hoy Waffle...Akin yan! Saka wag mo ngang hawakan yang si AJ baka mapanis yan. Dirty pa naman hands mo!"
"Sungit mo.."
Nauna nang bumaba ng kotse sina Waffle at AJ. Naghintay ako kung ipagbubukas ba ako ni AJ pero di niya iyon ginawa. Ay malamang he forget. Tinawag ko siya...
"AJ....AJ...Can you open the door please..", malambing kong sabi.
"You can do it...By the way..Can you show me my room?", sabi niya. Ungentleman pala ito! Isoli kita dyan eh! Pero no money back policy eh! Pero okey lang..Yummy naman siya eh...
Lumabas na ako ng kotse. Holding hands kaming pumasok ni AJ. Binelatan ko si Waffle na inggit na inggit sa aking bagong jowa. Naabutan kong nagla-laptop si Serge sa salas. Nangunot ang noo ni Serge ng makita si AJ.
"Whos that?", tukoy nito kay Serge.
"Ahm..Serge..Meet AJ Young..My love, my hero, my heaven and earth..My life..In short jowa!"
"Ow..Okay..Inihatid kaba niya?", hindi inaalis ni Serge ang tingin sa laptop. Pindot pa rin ito ng pindot.
"Dito na siya titira...", nakangiti kong sabi. Natigilan si Serge sa pagta-type. Parang finrfeel kung trulaloo ba ang narinig niya kaya inulit ko. "Dito na titira si AJ..!"
Tumayo si Serge at lumapit sa akin. Face to Face!
'"Are you nuts?! Magtitiwala ka kaagad dyan. Bakit gano na ba kayo katagal?!"
"Magwa-one day pa lang..Pero sure ako mabait ito..", angal ko. Cool na cool lang na nakatayo si AJ. Parang walang nakikitang diskusyon sa harap niya.
"Your crazy! Bahala ka sa buhay mo! Baka perahan ka lang niyan! Magastos ka pa!", sigaw pa ni Serge.
"Hoy Serge, ikaw nga laptop lang ng laptop eh! At wag mong pagsasalitaan ng masama si AJ..You dont have the rights. And beside, walang pakialamanan! Pera ko ang ginagastos ko at hindi ang pera mo!", mataray kong sabi.
"Alam mo ba kung anong ginagawa ko sa laptop? Tinitingnan ko ang sales ng 100 companies ni Lolo ROmero. Hindi mo tulad..Wala kang pakialam sa negosyong iniwan sa atin nung matanda!", talsik laway na sigaw niya.
'
"Bastos ka! Natatalsikan ako ng laway mo! Ikaw naman ang may alam nyan..Sorry, bo0ba kasi ako! Hindi ako nag-aral kaya wala akong alam sa negosyo churva na yan!", hinila ko na paitaas si AJ. Tinuro ko sa kanya ang kwarto niya. Yung katapat ng kwarto ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Early morning, early rise..
Isang malaking yaaaawwwwnnn......
Parang ang ganda ng gising ko ngayong day na ito. Why oh why kaya? Slow walk ang drama ko habang papunta ako sa terrace ko. Nagulat ako ng makita kong andun si Waffle sa terrace ko.
"Waffle? ANong ginagawa mo dyan? Akala ko may tikbalang sa teresa ko! Dyosko!"
"Wee..Grabe ka naman, bakla! Nag-sasightseeing lang ako ditech!", sabay nguso niya sa akin sa pool. Tiningnan ko kung anong meron sa pool at kung anong tinitingnan ni Waffle doon. May buwaya ba o andun ba si Jaws sa swimming pool?
Muntik na akong malaglag sa pool sa nakita ko. Nagsu-swimming kasi doon si AJ at naka- trunks lang ito. Kaya pala halos mamatay na kakapanood si Waffle dito eh!
"Ang yummy niya ano?", sabi ni Waffle.
"Oo nga!"
"Sister..Hindi kaba nanghihinayang sa perang binayad mo sa kanya?", biglang tanong ni Waffle.
'Ewan ko, Waffle..Siguro...Medyo pero andyan na yan eh..Kaya wala na akong choice.."
"Eh di nagsisisi ka rin?"
"Sabing hindi ko alam eh..."
Nagulat kami ng makita naming papalapit rin sa pool si Serge na naka- trunks din..
Anong balak ng Serge na yun???