CHAPTER 06

1270 Words
DIXIE’S POV "Ikaw ang nawawalang apo ni Don Romero..." Seryoso kong sabi kay Serge. "Pano mo nalaman na lolo ko siya?!", inis pa si Serge. Grabe naman ito! "Long story...Basta the important is I finally found you. Doon kana titira sa mansion niya with me..", ayokong sabihin na pinakasalan ako ng kanyang lolo. Bahala siyang matepok kakaisip kung anong connection ko kay Don Romero. "Huh? May sakit ka ba?" "Wala akong sakit noh! Eh di sana nasa hospital ako kung meron. Basta pumayag kana. Pag tumira ka doon mapupunta sa iyo ang kalahati ng yaman niya...", sabi ko. "And the other half?", nakataas ang kilay niya. "Anong other half?" "I mean yung kalahati ng kayamanan niya, kanino or saan mapupunta...?" "Sa akin, siyempre. Pumayag kana kasi, same lang tayong makikinabang noh! Wag ka nang maarte!" Nakita kong nag-isip si Serge. "Okey..Payag na ako. Ihahain ko sa attorney ni lolo ang mga patunay na ako ang nawawala niyang apo. Umalis na kayo, susunod na lang ako sa inyo. Just give me the address...", sabi nito maya-maya. "Thanks! Madali ka naman palang kausap!", nakangiti kong sabi. This iz itch! Mayaman na talaga ako.! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "WELCOME, SERGE...!" Niyakap pa ni Mommy si Serge tapos kiniss sa cheeks. Dumating na si Serge sa bahay. Then the next day, kaakusapin na namin sa attorney para mahati na namin equally equal yung kayamanan ni Don ROmero. "Enough!", nakataas ang kamay na sabi ni Serge. "Dun ang kwarto mo sa second floor. Yung pinto sa middle.", sabi ko. "Okey...I'll go na.." "Hay salamat..May kasama na tayong lalake sa bahay na ito!", sabi ni Mommy. "Mommy naman kung ganyan din lang ang boylet na makakasama natin dito, wag na noh!" "Asus! Eh bakit ikaw pa ang sumundo sa kanya..Ikaw huh!" "Kung hindi lang dahil sa money..Never kong gagawin yun, Mommy!" "Ewan ko sa iyo! Mamya, madevelop ka nyan kay Serge..!" Napamulagat ako sa sinabi ni Mommy. "Mommy, stop! Stop the nonsense topic!" "Man-hater ka talaga, junakiez! Kaya wiz ka na magkaka-BF..Sayang ang beauty mo.." "Hmp! Mommy! Tandaan mo ito..Within this week, magkaka-boyfriend na ako!", ooopps! Bakit ko ba yun nasabi. "Sino naman? Si Serge???" "Ewww! Grossy! Hindi siya..Basta!" "Bahala ka! O sige gora na ako sa room ko. Online na yata yung ka-chat ko...Babu!" Umakyat na si Mommy sa taas. Makikipag-chat daw. Chat? Tama chat..Rings a bell... Kinuha ko sa bulsa ko yung nakita kong flyers sa kwarto ni Waffle. Nagpunta ako sa room ko at turn on my laptop... Asan ba yung icon ng Google Chrome? Hirap hanapin.. Ah..Ito..Double Click! Tik! Tik! Type ko sa address bar... B-U-Y-L-O-V-E-.-C-O-M Enter! Tsuk! Wow! ANg ganda naman ng website nila. Nag-surf ako at na- knowing ko na nagpapa-hire pala sila ng mga pansamantalang lover. Tapos may katapat na price it depends upon the situationsness. For example, may lakad ang barkada mo at ikaw lang ang walang jowa..Eh di pwedeng- pwede kang bumili ng one-day boyfriend sa BuyLove.com. Click ako sa NEWS SECTION nila. "We will auction the HOTTEST Buylove Model at Manila Hotel. Get a chance to take him home... AJ YOUNG....The Hottest Buylove Model." Pagkakita ko pa lang sa picture ni Aj Young. Agad akong nagkaroon ng pagnanasa sa kanya. Pagnanasa talaga. I want him! I want AJ Young!!! Pero papano? Aish! Bukas..Gora ako sa Manila Hotel..Join aketch sa auction!!! DIXIE's POV "Sama ako ehhh!.." Kanina pa ako pinipilit ni Waffle na isama ko siya sa auction sa Manila Hotel. "ANo kaba bakla..Baka magpabili ka lang dun ng lalake!", tutol ko sa kanya. "Hindi naman eh..Gusto ko lang ng ganung sosyalan..Feeling ko rich din akong tulad mo..Sige na..", lambing pa sa akin ni Waffle. "Okesh na nga! Basta behavior ka dun huh!". sabi ko sa kanya. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ "Bakit ba kayo naka-gown?" Tanong ni Mommy habang kumakain kami ng dinner. Naka- gown ako na shining shimmering splendid red... Nakaupo ako tapos stand up! "Kasi Mommy, may pupuntahan kaming event ni Waffle this night...", sabi ko na parang si Imelda Marcos. "Event? At this night?", gulat na gulat si Mommy. "Yes, Tita..!", sagot naman ni Waffle. Biglang sumabat sa usapan si Serge. Yes nga pala..Napatunanyan na namin na siya nga ang nag-iisang nawawalang apo ni Don Romero. At inaayos na rin ang mga documents para sa equally hatian ng mana naming dalawa... "Alam mo Dixie..I advice sa iyo na kumuha ka ng financial aid consultant..", sabat ni Serge. "Aid? Bakit? ANong sakit ko? Meron ba? O______O..", sabi ko in exagge effect-chiwa. "No..Financial aid consultant..Para ma-manage mo ng maayos ang pera mo..Hindi yung gastos ka ng gastos.." Aba! Aba! Pakialaman ba ako? Hindi ko nga siya pinakialaman ng mag change siya ng herdow niya eh! Hindi na flat ang hair niya..Messy- style na..Yung out-bed-look na parang koreano. Kaasar to huh! Pera ko naman ginagastos ko... "Alam mo Serge, its my money not yours, okey..SO mind your own business..Scratch your own galis! Babush, Mommy..We need to gorabels na ni Waffle..Baka masrhan kami sa Manila Hotel...!", sabi ko sabay kiss kay Mommy. Hindi na ako nag- babush kay pakialamerong Serge. Kabwisit...Nakak- stress siya! ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Hindi muna kami pumasok sa loob ng Manila Hotel. Gusto kasi namin ni Waffle ay bongga ang entrance namin..Yung nasa kalagitnaan na ng auction tapos papasok kaming bigla. All eyes on me...They will mesmerize me beauty..The, ako ang mag-uuwi kay AJ Young.. May hawak kaming baso ni Waffle tapos nakalapat iyon sa pinto ng Manila Hotel. Nakadikit yung tenga namin sa pwet ng baso para kinig namin yung nasa loob. "Pasok na tayo..Ang lamok dito eh!", reklamo ni Waffel. "Sige..When I count three..Bubuksan natin ng bongga itong door okay?", sabi ko kay Waffle. "Okey!" "One..Two..Three!!!" BOggggGgggsssHHhhhhHHhhh!!!! Ay! Bakit ayaw mabuksan? Naka-lock pala! Dyoskoo! Napurnada pa yung grand entrance ko! Kaya tinawagan ko na lang yung organizer na kausap ko tapos bumukas na yung pinto. Shemay naman oh! Wiz na ang grand entrance. Buti kasisimula pa lang ng auction. Ipinapakilala pa lang sa madlang tao si Aj Young. Wow! Yummyness talaga si AJ..Kakalaglag ng panty..Doon kami pumwesto sa unahan. Andaming tao. Mga matrona at mga bakla na tulad ni Waffle na ang goal ay maiuwi si AJ ko! No pwede! Akin siya! Akin! Nagsalita na yung lalake sa unahan. Ewan kung anong tawag sa kanya..Basta siya yung parang host. Nasa stage si AJ na parang alahas na pinag-aagawan sa isang auction. "Okey..Lets start with 500,000 pesos...", sabi niya. Huwwaaaaaat???? 500 kyaw! Agad- agad! "One million pesos!" Napalingon ako kay Waffle. SIya kasi yung unang nag-bid. "Hoy! Akala ko ba di ka kasali?", sabay tampal ko sa kanya. "Yaan mo na..Eksena lang no..May magbi-bid pa yan, tamo!" "1.5 million!", sigaw nung isang girlaloo. "Oh, kitams!", nagmamayabang na sabi ni Waffle. Mabilis na umakyat ang presyo sa 10 million at wala nang nagsalita...Heto na ang exposure ko. I raised my hand and bid.."11 million pesos!" "11.5 million!", matarya na sabi nung baklang nasa likod namin. Tiningna ko yung bakla. Mukhang rich huh. Kaso parang clone siya ni ALing Dionisia at Pepe Smith. Imagine that! Kaasar! Akala niya papatalo ako sa kanya! Nevah! AKin si AJ Young! "12 million pesos!", sabi ko. "15 million pesos!", yung bakla. SInimangutan ko yung bakla. Sabay tiger growl...GrrrrRRrrrrRR!!!! Dinilaan niya ako. Naasar ako. Bigla kong hinila yung dila niya. Jowke lang..Hindi ko hinila yung dila niya..Madumi yun eh! Ewwww! "20 million pesos!", sabi ko. "Thir-----------------" "ONE BILLION PESOS!!!", binara ko na agad yung bakla. Tulala ang lahat. Lahat nakatingin sa akin... "Sis! One billion? Tama ba narinig ko!?", gulat na tanong ni Waffle. "Of course!", mataray kong sabi. Tiningnan ko yung bakla version ni Aling Dionisia. Mag-bid pa ito at babalatan ko na ito ng buhay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD