CHAPTER 05

935 Words
DIXIE’S POV "Aray ko, kuya! Baka matusok ako niyang kutsilyo mo huh!", reklamo ko sa holdaper. "Talagang itutusok ko ito sa iyo pag di mo binigay ang pera mo! Akina..", bulong pa sa akin nung holdaper. "Ibibigay ko naman..Wait lang..", bumwelo ako tapos hinampas ko siya ng aking Louis Vitton Bag sa mukha. Tapos takbo! Pero nahawakan niya ako sa arms. Very high pitched akong tumili ng maita kong sasaksakin niya ako. Pero di niya ako nasaksak kasi may sumuntok sa mukha niya. Isang lalake! Nag-fight silang dalawa. Wow! Super galing ng hero ko. Nabugbog niya yung holdaper. Tumakbo palayo yung holdaper. Wow! Sino kaya itong knight in shining ar-------shining hair? Shiny kasi hair niya na flat. Squared- framed eye glasses. Nya! Si Serge? Si Serge nga! "Nasaktan kaba Serge?", malanding tanong ni Mommy at Waffle. "Tell me where it hurts, baby..", sabi pa ni Waffle. "Dito ba masakit..? O dito?", pahimas- himas pa si Mommy sa dibdib ni Serge. Lumapit na ako. ''Im okey..Please stop harrassing me!", sigaw nito. "Stop daw!", sabi ni Waffle. "Thank you huh!", sabi ko. "Ang hirap kasi sa iyo Miss----------" "Dixie!" "Okey, Dixie. Ang hirap kasi sa iyo andali mong magtiwala kung kani-kanino!" "Hoy! Serge..Hindi porket niligtas mo kami ay you have the right to scolded me?!" "Fine! I'll go!", walk out na ito. "Tama! Go! Gora..Layas! Arogante kang Serge ka! Grrrrrr....." Isa- isa naming pinulot yung mga nagkalat na paper bags. Sumakay na kami ngkotse. Pagkahatid kay Waffle ay tumuloy na kami sa bahay. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "This is awesome!" Sabi ko habang sinusukat ang mga damit ko. "Dafter...Did you buy---------------------" "Mommy..Pag tayo- tayo lang pwede sariling wika na lang natin gamitin natin. Mag- eenglish lang tayo pag may ibang people para malaman nilang sosyal tayo...." "Kay! Bumili ka ba ng wallet?" "Wallet? Anong wallet?", takang tanong ko kay Mommy. "Eto oh!", panlalake yung wallet. "San mo nakuha, Mommy yan? Inisnatch mo ba yan? Mommy marami na tayong pera..No need to snatch!" "Gaga! Nakita ko dito sa paper bag..!" kinuha ko yung wallet at binulatlat. Tiningnan ko yun ID. Kay Serge! Malamang ay napunta iyon nung makipag-suntukan ito dun kay Kuya Goons. Binulatlat ko pa. May ilang pictures. Family pictures, saka yung nanay niya yata. Isang picture ang kumuha ng atensyon ng lola niyo. Picture ni Don Romero. Medyo bata pa ito dun. Mga 50's siguro at binasa ko ang sulat sa likuran. FOR MY GRANDSON, ARMAND! Napaupo ako. Sa kama, para dramatic. "Hoy, Dixie...What happens? SOmethings wrongs..?" "Mommy..Magsaya na tayo.." "Why?" "Because, nahanap ko na ang apo ni Don Romero! Atin na ang kalahati ng yaman niya!" ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ "HINDI PWEDE!" Malakas na sabi ni attorney. "Attorney, anong hindi pwede. Nahanap na namin ang nawawalang apo ni Don Romero so akina ang kalahati ng kanyang ari- arian..", paliwanag ko kay attorney. Sinabi ko kasi na nakita ko na ang nawawalang apo ni Don Romero. Si Serge nga. Kung panong hindi Armand ang pangalan niya ay hindi ko alam. "Basta, hindi pwede. Dapat ipakita niyo siya at sasailalim muna siya sa DNA Test. At hindi pa iyon, pagna-prove natin na siya nga ang nawawalang apo ni Don Romero. Dito siya titira sa mansion.." Hah? Makakasama namin yung bwiset na yun? "Akala ko ba ang sabi sa testamento pagnahanap lang?", kulit ko kay attorney. "Understood na yun, ano? Sang lugar kaba galing at di mo alam yun?" "Ewan ko sa iyo attorney. Yaan mo bukas, aasikasuhin na namin yung nawawalang apong iyon at ipapa-DNA Test na namin! Lumayas kana!", pagatataboy ko kay attorney. "Akala ko ba, may meryenda pa?" "Wala na! Lumayas kana lang..!" ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Kinabukasan, naisipan kong puntahan si Serge. Time is gold. Kailangang mapa sa akin na ang kalahati ng bilyones ni Don Romero. Marami akong plano. Pero bago ko siya puntahan. Pumunta muna ako kay Waffle. Pinagtitingnan ako ng mga tao nang bumaba ako sa kotse ko. "Hello, people..", kaway- kaway pa ako. Pumasok na ako sa munting dampa ni Waffle. Naka-upo ito sa kama nito at may kaharutan na lalake na mukhang tambay. "Waffle, umagang- umaga yan ha!", pambubulabog ko sa kanila. "Ay! Dixie..Anong masamang hangin ang nagtaboy sa iyo ditech?", hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa paghaharutan. "Tama na nga yang landian na yan! Kadire!", maarte kong sabi. "Asus naman! Nega ka talaga! Palibhasa wiz ka lovelife..", umalis na yung lalakeng kaharutan ni Waffle. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Im here, dahil magpapasama ako sa iyo kay Serge.." "Ay! Why? Type mo na siya?" "Gaga!", sabay sapak ko kay Waffle. "Hindi ah! Alam mo kasi bakla, siya pala ang long lost apo ni Don ROmero!" "Huwwaaaaat???", namilog ang mga matang reaksyon ni Waffle. "Ganyan din ang reaksyon ko ng matuklasan ko..Wag mo muna akong tanungin dahil sasapakin kita pag nag-question ka pa..." "Violente ka naman! Okey. Samahan kita. Knowing ko ang house nun..Wait me her, ligo lang ako.." Nang maiwan akong nag-iisa sa kwarto ni Waffle. May napansin akong flyers sa sahig. I dampot it. Ano na naman tong si Waffle... Heto ang nakalagay sa flyers: Tired of waiting for "the one"? Here at BUYLOVE.COM.. You can find the one! Just log on to our website to see the details. Ibinulsa ko yung flyers. I dunno pero interesting ako dun sa advertisement na yun. Waffle..Antagal mo naman! Tinubuan ka na yata ng ugat dyan sa banyo!!!", sigaw ko kasi medyo matagal na si Waffle. "Weyt lang noh! Lalabas na nga ako!" Maya- maya lumabas na si Waffle. Naka- tube ito at naka- mini skirt. "Tara! Gora na tayo kay Papa Serge!", yaya sa akin ni Waffle. Wish ko lang makipag-cooperate si Serge....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD