DIXIE’S POV
Napakalaki pala ng mansion ni Don Romero na Rome na ang tawag ko. First night namin ito na magsasama. Dyosko! Wag naman sanang mangyari ang iniisip ko kanina pa..
Erase!
Erase!
Erase!
Hindi naman siguro. Ang sabi kasi niya, pasayahin ko lang siya. Hindi ko kering makipag- uhm sa kanya ano?
Umupo ako sa kama namin na sobrang laki rin na kahit yata isang baranggay ay pwedeng mahiga. Joke lang! Nagiging exxagerated na tuloy ako sa sobrang tense!
Pumasok na sa kwarto namin si Don Romero. Naka-robe lang si lolo. Ah! Asawa ko na nga pala siya ano! How bout "Daddy" itawag ko sa kanya?
"Daddy...?", tawag ko sa kanya.
"Yes, Hon?", tawag niya sa akin ay "hon". Eww, ano?!
Pero for money, keri ko ito! Kakayanin, Sir!
"Ah..Tutulog na ba tayo?", malambing kong tanong sa kanya.
"Mamaya na! Labing- labing muna tayo.."
Yay! Labing- labing daw! Yucky huh! Pero day! Ang datung..Wag kalimutan. Siya ang magbibigay sa iyo nyan.
"Sige..", ayon kinisan na niya ako sa leeg.
Kinalabatutan ako bigla. Dyosko! Apo na ako nitong si thunders na ito ha!
Ang ginawa ko ay kiniliti ko siya ng kniliti. Ayun, tawa ng tawa si Don Rome sa sobrang kiliti. Yan ang ginawa ko para hindi niya matuloy ang pag-laplap niya sa yummy body ko. Maya- maya, tumigil na siya sa paggalaw. Di na rin siya tumatawa. Kiniliti ko siya pero wala pa rin siyang reaksyon.
Kinabahan ako! Dyoskoo! Si DOn Romero...Tepok na dahil sa kiliti ko....
-------------------------------------------------
Last Will Testament Reading...
Hindi ko alam na ganun kabilis na nakapagpagawa si Don Romero ng Last Will niya.
Pero nagulat ako sa nakalagay sa Last wiil niya!
Sabi niya ang lahat- lahat ng ari- arian niya ay hindi sa akin mapupunta. Walang mag-mamay- ari ng kayamanan niya pero pwede akong gumastos sa pera niya sa bangko kahit gaano kalaki pa iyon. Mapapasa-akin lang ang half ng ari- arian niya pag nakita ko or nahanap pala ang nag- iisa niyang apo na nawawala. Lalake daw ito at Armand ang pangalan. Baby pa lang daw ito ng mawala sa isang paglubog ng barko. Malakas daw ang kutob ng matandang rich na buhay pa ito...
"My God! Mommy? Where in the Earth ko hahanapin ang apo niya! For Spongebob's sake!", sabi ko kay Maman na Mommy na ang tawag ko.
Nakailang wine na ako. I thought, akin na lahat ng pera at anikwa ni Don Romero pag tepok na siya. Yun naman pala may long lost apo pa siya na ipapahanap.
"No worries, dafter (daughter yan, pinaarte lang)...Marami diyang detectives na pwedeng maghanap sa lost apo na yan...Si Detective Conan, Detective Loki or para mas sosy si..Sherlock Holmes..Marami dyan, dafter!"
"Okey..I need to relax now, Mommy. Lets go into spa..How bout that?"
"Sounds awesome! Marami na rin akong kalyo sa paa at mukha..", sang- ayon ni Mommy.
"Wait, Mommy..How bout tawagan natin si Waffle..Miss ko na ang baklang yun.."
"An awesomeness, idea, dafter..Call her...Errrr..Him? Call the beki and isama natin siya sa spa..."
-------------------
Grand entrance kaming tatlo nina Mommy at Waffle. Puro ruffles ang mga damit namin. With matching big buri hat na may roses design. Expensive shades and stilletto.
"Where is the manager?", bonggang sabi ni Mommy.
*cricket sounds,,,,
Walang nakapansin sa grand entrance namin. Parang gusto kong ulitin with tumbling and fire dancing kaya lang it consume lotsah of time. Time is gold pa naman.
"Mommy, not manager..Massager..Yung magmamasahe sa atin later!", sabi ko kay Mommy.
Nilapitan namin yung receptionist.
"Good morning. Welcome to Hers Spa..What can we do for you?", sabi nung receptionist.
English yun ah! Papatalbog ba naman ako! Weh noh!
"Uhm..Yeah..We like to foot's spa and face spa and also back massage..Her oh..(turo sa likod ko. Naka-backless ako eh..) Its been aching since last week and my pain is awesome..You know...Nagbuhat kasi kami ng ref!", nakatirik ang mga mata ko.
Si Waffle naman...
"Me too...I need a face lift, nose lift, add some of my butt. Then ear canal cleaning and how bout a s*x change...?", sabay tingin sa akin ni Waffle.
"Yeah..Sounds nice..It is possible miss Receptionist..?", tumango- tango ako.
"No its not, Ma'am..We cannot do any surgery here cause this is just a spa..But the ear cleaning..We can do it to your friend..", nakangiti pa rin yung receptionist.
"Ow! Shucks..Okey, do it awesomely..We appreciation the ear canal chuvah..", sabi ko na lang.
"s*x change gusto ko ew!", hirit pa ni Waffle.
"Wala nga daw sila nun..Wag makulit bakla!", sita ko kay Waffle.
Si Mommy naman..
"Me too.. I want massage only in my thighs..Me rayuma ako eh..But can I request to you..I want a male massager...That would be great..Additional payment will be held...Ehhh..Ehhh..", winagayway pa ni Mommy ang hawak na pera.
"Okey Ma'am. Follow me po...This way..", sabi nung receptionist.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang sarap talaga dito sa spa!", sabi ni Mommy pagkalabas namin sa Hers Spa.
"That's right...Bukas ulit tayo..", sabi ko pa.
Naglakad- lakad pa kami.
"Lets go to mall kaya!", si Waffle.
"Awesome! Lets buy some clothings!", sigaw ko.
Nag-appear kaming tatlo. Sumakay kami ng limo tapos pumarada sa parking lot ng mall. Medyo nahirapan pa yung driver kasi mahaba yung limo ko.
Pumasok na kami sa mall. Pumunta kami sa mga sosyal na botique. Pero sa dami ng pinamili namin, nahirapan kami sa pagdadala ng mga iyon.
"Wait! Stop! Pagod na ako!", hingal na hingal na ako.
"Ano kaya kung makisuyo tayo ng magbubuhat nito..Then lets pay na lang..!", sabi ni Mamang.
"Awesome cerebrum you have, Tita!", sabi ni Waffle.
'Ako na ang maghahanap ng kargador ng mga clothes natin..I will use my charm..", sabi ko. Nagpalinga- linga ako to find someone who will caryy our baggage.
Ayun! Si Kuya na naka-black na nakatalikod..
'Hoy! Kuya! Can you carry our bagahe...", kinublit ko yung lalakeng nakatalikod.
Pagharap niya...
"Ikaw!!!?", halos magkasabay na sabi namin.
Si Serge! remember that guy na muntik na akong pataying sa heart attck dahil sa pag-pepep ng car niyang bulok?
Siya nga!
"Anong kailangan mo, Miss..?"
"Ah, wala..!', inis na sabi ko.
Biglang lumapit sa amin si Mommy.
"Ah, Serge.Ipagdala mo naman ami ng pinamili namin..SIge na..", sabi ni Mommy.
"Mommy-----------"
"Ano ka ba, Dixie? NAg cute nya kaya..", bulong niya sa akin.
"By the way, Serge..Pwede ka ba?", kulit ni Mommy.
"Mommy lets look somewhere else here..Wag na siya!", sabi ko. Nakakita ako ng mukhang goons na lalake na malaki ang katawan. " Siya na lang!", sabay turo ko.
"Kuya! ipagdala mo nga kami ng mga shinaping namin..", sabi ko sa mukhang goons.
"Sure..Asan ba?", iniwan na namin si Serge.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ibinaba na nung mukhang goons yung mga paper bags. Magpapasalamat na sana kami sa kanya ng bigla niya akong tutukan ng kutsilyo sa tagiliran...
"Akina ang wallet mo..Kundi sasaksakin kita!", nakakatakot na sabi niya sa akin.
"San mo ako sasaksakin?"
"Sa tagiliran!", gigil na sabi niya.
Naatulalal lang sina Waffle. Hindi maka-move..Afraid siguro na baka saksakin ako ni uya Goons...
Dapat pala si Serge na lang pinagdala ko. Oh no!
"Akina sabi eh!", ulit pa niya.
Katapusan ko na yata! Hindi pwede! Ang pera ko..Di ko pa na-eenjoy eh!