CHAPTER 03

582 Words
DIXIE’S POV "Mamang..Mamang! Maloloka na yata ako!" Sabi ko pagpasok ko sa bahay namin. "Bakit naman anak?! Nagahasa kaba kaya ka maloloka?!" "Hindi po! Alam niyo ba kung sino ang nasa labas???" "Ha? Andyan ba yung naniningil ng utang sa akin?! Sabihin mo wala ako! Lumayas, naligaw! Nag- abroad!" Lumapit ako kay Mamang. "Wag ka ngang OA Mamang! SI DOn ROmero nasa labas! Dumadalaw!!!" Biglang nagtititli si Mamang. "Eh di papasukin mo..Papasukin ang swerte! Dyosko! Sumbagan mo na agad anak ko..!" "Oo naman Mamang! Yayaman na tayooooo!!!" Pinapasok namin ni Mamang sa loob si Don ROmero at pinaupo sa salas namin. "Magandang umaga, Dixie...", bati sa akin ng matanda. "Morning, DOn Romero..", pinapungay ko ang mga mata ko. Kailangang maakit sa akin ang matandang ito. "Nasa kotse ko nga pala ang mga regalo ko para sayo." "Regalo? Bakit may regalo...?" "Dixie...Didiretsuhin na kita..Gusto kita...Gusto ko lang na bago ako mamatay ay masaya ako. Marami akong pera pero hindi ako masaya dahil walang asawang nag-papasaya sa akin..Dixie, will you marry me..?" Ambilis naman ng matandang ito. "Merry? Kasal? Your fast Don Romero--" "Rome na lang!" "Ha? Okey... Rome, ambilis mo... Sige, pakasal na tayo!" "Ha? Hindi mo man lang ba pag-iisipan?" "Ano kaba? Sabi mo mamamatay kana..SO dapat magmadali na tayo diba? Time is gold so live life to the fullest!" "Bruha ka! Ang yaman mo na!", malanding sabi sa akin ni Waffle. Nag-eempake na ako ng mga gamit ko pati si Mamang. Lilipat na kasi kami sa mansion ni Don Romero mamaya. Susunduin niya kami. Nakasal na kami sa huwes at minadali ko talaga ang lahat Sayang ang chenz..Kung babagal- bagal ka, walang mangyayri sayo ano! "Talagang mayaman ako!" "So aalis na ketch ditech sa squatter?" "Yes naman no! Waffle, masdan mo nga itong ganda ko..Ito bang mukhang ito bagay sa ganitong lugar? Pang prinsesa ang mukhang ito..Maraming babae ang inggit na inggit sa akin pati mga bakla!" "Aray ko! Sapol ako huh!" "Joke lang bruha! Parehas lang tayong maganda!" Narinig ko ang busina ng isang kotse sa labas. Si Don Romero na yun. Muli iyong nagbusina. Bigla akong may naalala sa businang iyon. Si Serge. Yung lalakeng nerd na parang ewan na super yabang sa kalsada na antipatiko. Bakit ko ba naalala yun? Erase. Erase! "Ayan na lover mo, bruha!", untag sa akin ni Waffle. "Oo nga! Sige..Bye na..Ikaw nang bahala dito sa mansion namin huh...Bumisita ka sa amin dun bakla.." "Oo na! Sige..Babush!" "Hoy! Wag kang magdadala ng lalake dito!", biro ko sa kanya. "Gaga! Kung magdadala ako dito ng boylet, di ko sasabihin sa yo!" "Luka-luka ka!" "Gora kana baka rayumahin pa si Don Rom mo..Hihi!" Lumabas na kami ni Mamang at sumakay ng kotse. Habang umaandar ang kotse ay panay ang sigaw ni Mamang at nakadungaw pa siya sa window while kumakaway. "Hahah! Aalis na kami dito! Wooohooo! Yahoooo!" Hinigit ko ang ulo ni Mamang. "Aray ko huh!", sabi niya. "Nakakahiya a kaya Mamang! Dapat ganito!" Ako naman ang dumungaw at nagsisigaw. "Hoy! Mga patay-gutom! Aalis na kami sa impyernong ito..Yes! Hoy! Aruray! Inggit ka ano? Mabubulok ka na dito sa squatter! Hoy! Molala..Burado na ang utang namin! Tatakas na kami..! Buldog, Sputinik, Roro..Wala na kayong mamanyakin pag naliligo ako! Manigas kayooo mga panget..!" Bumalik na ako sa loob. "Oh, diba bongga, Mamang!" "ikaw na! Da best kah!", sabay nagkatawanan kami ni Mamang.. Ano kayang naghihintay na buhay sa akin sa mansion ni Don Romero? For sure! I will be happy, coz now... MAYAMAN NA AKO!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD