NASAKSIHAN ng buong pamilya ni Estevan ang karumal dumal na sinapit ni dracious Hindi sila makapaniwala sa kanilang napanood, kung paano unti unting pahirapan ng binatilyo si dracious nang walang kahirap hirap. Hindi nila lubos maisip na ganito ka brutal pumatay ang binata. Makikita ang matinding galit sa mga mata nito. Mata na puno ng galit. Si Munting Ophir naman ay hindi rin makapaniwala lalo na ng biglang lumabas ang siyam na buntot sa likod ng binatilyo. Nag mistulang isang uri ng beastman si zuki na tinatawag na Foxkin Ang mga foxkin ay mga nilalang na may wangis ng isang Fox at bawat Foxkin ay may mga tinataglay na buntot at ang mga buntot na iyon ang sukatan ng kanilang lakas. Pero sa mga buntot na lumabas sa likod ng binata ay hindi iyon buntot ng isang foxkin. Isang minuto na

