ISANG mabilis na pagwasiwas ng espada ang ginawa ng binata. Agad naman umiwas si estevan at mabilis na gumanti nang paikot na atake. Pero madali lang itong naiwasan ng binata. Dahil ito sa pag pagaspas ng kaniyang mga pakpak. Napansin naman ni estevan ang mabilis na pag iwas ng binata kaya naman buong lakas niyang winasiwas paikot ang kanyang espada. At isang malakas na dagundong ang naganap ng mag salpukan ang kanilang mga sandata. Bakas sa mukha ng binata na tila walang kahirap hirap para sa kaniya ang pagsalag sa atake ni estevan. Samantala si estevan naman ay hirap na hirap na sa pag papanatili ng hawak sa kaniyang espada. Para siyang nakikipag buno sa isang malaking halimaw. Hahahaha di ko akalain na ang isang hamak na beastman ay magagawang makasabay saakin. Parang gusto ko nang

