ILANG ORAS na ang lumipas ng magising ang binata. Hindi niya lubusang maisip na nakatulog siya ng ilang buwan dahil sa pakikipaglaban niya sa isang epic beast ranker. Nakilala na niya rin sila Torah at Rena medyo naguluhan pa ang binata sa dalawa dahil magkamukhang magkamukha ang mga ito. Ang itsura ng dalawa ay magkatulad na magkatulad ngunit mapapansin ang pinagkaiba ng kanilang Taas ng tangkad. Mas matangkad si Rena at si Torah naman ay maliit na fox at talagang mapapansin ang mapagmalaking pag uugali. At sa di malaman na dahilan ay bakit hindi maramdaman ng binata ang aura ng dalawang nilalang. Maaari kayang napakalakas ng dalawang ito tulad ng kaniyang master. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang silid at pinag masdan ang ispadang ibinigay sa kaniya ng kaniyang master. Ang ispada na nap

