SA ISANG silid na puno ng mga Recovery pills ay makikita ang isang binata na mahimbing na natutulog. Kapansin pasin ang itsura ng binata. Ang maamo nitong mukha at kahalihalina talaga kung titingnan. Sa kabilang bahagi naman ng silid ay makikita ang dalawang nilalang at parehong nakatingin sa binata. Master! Hanggang kailan pa siya matutulog dyan! Ano ba kasing kahangalan ang naisip ng binatang iyan na labanan ang isang 5th level Epic Beast Rank, hindi niya ba alam na langit at lupa ang pagitan ng kanilang lakas. Sabi ng nilalang na may nilalabas na enerhiya at mababakas ang antas ng lakas nito sa 4th level Sky rank. Tumahimik ka Torah huwag mong maliitin ang kakayahan ng binatang iyan, at isa pa kitang kita ko ang maliit na galos na nagawa niya sa isang 5th level Epic Beast Rank. At par

