HINDI NA MASAMA nagawa mo ring umakyat sa level nayan. Ang level ng isang 5th level Elite Rank Sabi ni Torah at agad bumaba mula sa ere. Nakatingin lamang siya sa binata na halos isang minuto nang nakayuko. Dahil sa pagiging tahimik ng binata ay nagtaka si torah. Lumapit siya sa binata at pinag sabihan ito. Hoy! Ikaw! Kung gaganiyan ganiyan ka lang dyan! Hindi ka agad tutuntong sa susunod na ranggo halika na at mag hanap ng iba pa. Sabi ni torah at aalis na sana ng may mapansin siya sa binata. Iba ang pakiramdam niya sa ikinikilos ng binata. Hoy! Ano pa ginagawa mo dyan tara na! O baka naman gusto mo kaladkarin pa kita! Matinis na sigaw ng batang fox na si torah. Pero ganun parin ang pwesto ng binata walang pinagbabago at may blangkong reaksyon. Habang sa isipan naman ng binata ay mayroo

